Chapter Two

1.7K 53 11
                                    


NAKALIMUTAN kong ipagbilin sa iyo na darating si James at ang fiancee niya kahapon," si Karen nang magkita sila kinabukasan sa shop. "Ayos nang lahat ang mga bulaklak. Aayusin natin iyon sa Linggo sa function room."

"The fiancee didn't show up," she said unnecessarily. Pagkuwa'y tumayo mula sa pagkaka-talungko sa bunton ng mga plastic vase. "Di mapapanood natin ang kasal nila?" excited niyang sabi.

"Gusto mo bang panoorin?" kaswal na tanong ni Karen habang inaayos ang ilang bulaklak sa plorera. "Gusto mong kumuha ng tip para sa sarili mong kasal, huh?" biro nito.

"He invited me," nahihiyang sagot niya lalo na nang nilingon siya ng kaibigan sa nagtatakang anyo.

"He did?"

Bahagya siyang nagpakawala ng paghinga at nagkibit ng mga balikat.

"Maybe he didn't really mean it. He was just being polite because we talked for a few minutes."

"If James invited you, he meant it. And since he invited me and Tony, too, wala sigurong malaking bentang mawawala sa shop kung dalawang oras lang naman, 'di ba?" She winked at her.

"WHY can't I see you on Sunday?" si Perry nang dalawin nito si Mackenzie.

"Monday ang off ko sa shop, Perry," paliwanag niya. "Isa pa'y may kasal sa Linggo sa mismong hotel at sa shop mismo manggagaling ang mga bulaklak. Kami rin ni Karen at dalawang tauhan ang mag-aayos. Gusto ko ngang manood, eh, para may ideya ako kung paano," she said excitedly.

Umikot ang mga mata ni Perry. "Ano ba ang kaibahan ng isang kasal sa ibang kasal? They're basically the same, Mack. Anyway, kailan ka darating sa San Matias?"

"On the fifteenth of this month. Iyon ang simula ng vacation leave ko," aniya. Pagkatapos ay biglang sumeryoso ang mukha. "Saan ako titira doon?"

Umangat ang mga kilay ni Perry at saka ngumiti. "Tatlo ang silid sa bahay, Mack," he said suggestively.

Ngumiti siya kasabay ng pag-ikot ng mga mata. "Be serious, Perry."

"I've never been more serious in my life," patuloy nito na lumapit at inakbayan siya. "Tutal pagkatapos ng kasal natin ay doon din naman tayo titira. Bakit hindi natin simulan na ngayon?"

Malambing niyang siniko ang binata sa tagiliran. "Alam mo ang sagot doon. Pero saan ba talaga ako titira pagpunta ko roon?"

"I've found a studio-type apartment. Malapit sa commercial center, hindi ka maiinip." Pagkuwa'y iniikot ang tingin sa buong kabahayan na tila pinag-aaralan ang bawat bahagi niyon. "Kailan mo balak ipagbili ang bahay at lupang ito ng tiyahin mo? I can easily find you a buyer."

Hindi agad nakasagot si Mackenzie. Kunsabagay, kapag nakasal na sila'y sa San Matias siya titira, sa bahay ni Perry. At maiiwang nakatiwangwang ang bahay. Pero may panghihinayang at lungkot siyang nadama sa kaisipang iyon. Kalahati ng buhay niya'y nagugol sa bahay na iyon.

Sampung taon siya nang maulila at kinupkop ng matandang dalagang kapatid ng inay niya. Principal ang tiyahin niya sa isang public high school sa Quezon City. Sa pamamagitan ng government loans ay nakuha ang bahay at lupang ito na siya niyang tanging minana nang mamatay ang tiyahin.

Ang insurance ng tiyahin na siya rin ang beneficiary ay hindi naman kalakihan at naipambayad lang sa pagkakautang nang maratay ito sa ospital nang halos isang buwan. Bukod pa sa gastos na pabalik-balik na gamutan sa ospital nang hindi pa ito naratay.

Labindalawang taon na ang bahay. May tatlong malalaking silid at nakatayo sa isang two hundred forty square meters lot. At dahil mainam ang pagkaka-maintain nilang magtiya kaya tila bago pa rin. Kung ipagbibili niya'y napakalaking halaga rin ang makukuha niya dahil nasa isang kilalang subdivision ito sa Quezon City.

All-Time Favorite: Mackenzie & JamesWhere stories live. Discover now