Chapter Nine

1.4K 50 21
                                    


K-KANINA ka pa ba riyan?"

"Long enough to have witnessed your monologue," she said drily. "Bukas ang gate at pinto mo kaya nagtuloy-tuloy na ako. Hindi mo ba narinig ang pagparada ng kotse ko?

Wala sa loob siyang umiling. Gusto niyang matunaw sa kahihiyan dito. She groaned inwardly.

Huminga nang malalim si Karen bago humakbang patungo sa dulo ng kama, sa may paanan niya at naupo.

"Ang sabi ng Tita ay sagot na niya ang mga bulaklak sa kasal mo. Ako na mismo ang magdadala sa umaga pa lang."

Ni hindi niya makuhang sumagot sa mga sinasabi nito. Ano na lang ang iniisip nito sa kanya sa inabutan nitong sinasabi niya?

"All right," ani Karen nang manatili siyang nakatanga. "Care to tell me about it? At pakiesplika na rin 'yong kissing scene ninyo ni James noong nakaraang linggo na kung hindi ko inawat..." Tinitigan siya nito. "Who knows kung kailan matatapos at tiyak na inabutan iyon ni Perry?"

Napabangon bigla si Mackenzie. Umusog sa may headboard, sumandal at niyakap ang mga binti. Pagkuwa'y iniyupyop ang ulo sa mga tuhod.

"Are you in love with James, Mack?" she asked softly.

"W-what made you say that?" wika niya na suminghot. Hindi nag-aangat ng ulo. "Ikakasal na ako ilang araw mula ngayon."

"It didn't stop you from falling for him." It was a statement, flat and simple, and the truth. "It's crystal clear. It's painted on the wall."

"Oh, god!" nagpa-panic niyang sabi. Nag-angat ng nalilitong mukha. "Hindi ko naiintindihan ang sarili ko, Karen. Hindi ko kailangang makadama ng ganito. It doesn't make sense!"

Huminga nang malalim si Karen. "Love is insensible most of the time."

"Lalo lamang akong nalilito sa sinasabi mo," wika niya na napahikbi.

"Ano ang gusto mong sabihin ko, Mack?" Nasa tinig din ni Karen ang kalituhan at simpatiya. "Pero kung ako ang papipiliin mo, mas gusto ko si James para sa iyo. Hindi ko lang sinasabi sa iyo ito dahil kaibigan kita at ikaw ang higit na nakakakilala sa fiancé mo. But I don't like him. He is already taking you for granted, hindi pa man kayo ikinakasal. Para bang sa tingin ko'y pinagbibigyan ka lamang niya. Tutal naman, ikaw ang interesadong makasal na kayo kaya ikaw ang kumilos. Ganoon ba."

"Oh, please, don't say that." Tuluyan na siyang napaiyak. "Mahal ako ni Perry!" she said vehemently.

"Baka mas angkop sabihing mas mahal niya ang kapatid niya. O ang sarili niya," patuloy nito. Uncaring kung nasasaktan o hindi ang kaibigan sa sinasabi. "Binulag mo ang sarili mo sa ugali ng nobyo mo. Una'y gusto niyang sikilin ang hilig mong magpinta. Pagkatapos ay pinatahian ka ng wedding gown sa kapatid niya na natitiyak kong hindi mo gustong isuot kung may pagpipilian ka. Then there's the cheap wedding ring.

"I'll bet my ass kung hindi mababang uri lang ng ginto ang singsing ninyo. Tapos sasabihing mas mahalaga ang sinisimbolo ng singsing kaysa halaga. Totoo naman. But that's bullshit dahil kaya niyang bumili ng disenteng wedding ring. Nagtataka nga ako kung bakit hindi singsing sa apa ang binili niya, eh," she said angrily, sarcastically.

Nang hindi kumibo si Mackenzie ay nagpatuloy si Karen. "Lahat, gustong tipirin. Pati presensiya niya sa paghahanda sa kasal ninyo'y tinitipid niya," she snorted. "Can you imagine the life you would be sharing with him?"

She was staring at her friend with a shocked expression on her face. Ipinamukha nito sa kanya ang mga bagay na noon pa niya pilit isinisiksik sa sulok ng kaisipan niya.

All-Time Favorite: Mackenzie & JamesWhere stories live. Discover now