Chapter Five

1.4K 51 8
                                    


MAKALIPAS ang kulang tatlong oras na biyahe mula San Matias hanggang Quezon City ay ipinarada ni James ang sasakyan sa parking space nito sa harap ng bangko.

Hindi agad bumaba si James pagkapatay sa makina ng pickup. Tumiim ang mukha nito at huminga nang malalim. Naintindihan ni Mackenzie na hindi madaling humarap sa mga kasamahan nito pagkatapos ng nangyaring hindi pagsipot ni Sheila sa kasal nito.

"D-do you want me to come with you inside?" aniya. Kung makakatulong dito ang pagpasok nito sa opisinang kasama siya'y bakit hindi?

Nagsalubong ang mga kilay ni James na nilingon siya. "Alam ko kung ano ang iniisip mo," he snapped. "And I am capable of meeting my officemates. Hindi ko kailangan ng assistant. At wala akong natatandaan sa buhay kong nanggamit ako ng tao para lang isalba ang pride ko."

"A simple 'yes' or 'no' is sufficient, James,"

mahinahong sabi niya kahit na nanggagalaiti ang loob sa pagsiklab ng lalaki. Huminga siya nang malalim at isinandal ang sarili sa sandalan ng upuan. "Okay, I'll wait here."

Sandaling natilihan si James. Pagkuwa'y, "I'm sorry."

Isang tango lang ang isinagot niya pero hindi tumingin.

Huminga ito nang malalim bago, "All right, halika na sa loob."

"I'm staying."

"Huwag kang parang bata," naiiritang sabi ng binata.

"Then don't treat me like one," she hissed. Pagkuwa'y itinaas ang dalawang kamay at sa naguguluhang tono'y, "I don't know why I am fighting with you. I am sorry. But thanks for the ride, anyway." Binuksan niya ang pinto sa tagiliran niya at bumaba.

Mabilis na bumaba rin si James at nagmamadaling umikot sa tagiliran niya.

"Where do you think you are going?" Hinawakan nito sa braso ang dalaga na napaatras at napasandal sa pickup.

"James, please—" Sinisikap niyang maging mahinahon ang tinig. "May lakad akong sarili at mayroon ka rin. Let's part ways here and thank you."

"Ang sabi ko'y sasamahan kita sa Divisoria at magkasama rin tayong uuwi. At iyon ang masusunod."

"Hindi mo obligasyong samahan ako sa pagbili ng tela, James," wika niya at binawi ang brasong hawak nito. "Hindi ko kailangang mag-impose sa iyo. We hardly know each other. Ito ang pangatlong pagkakataong nagkita at nagkasama tayo."

Muling huminga nang malalim ang binata. Isinuklay ang mga daliri sa buhok at tumingala sa langit. Pagkatapos ay muli ring bumaba ang tingin sa kanya.

"How come we're arguing if we hardly know each other?" he asked softly. His eyes moved down to her face.

Biglang nakadama ng pag-iinit ng mukha si Mackenzie. He was too close for comfort. Pero bakit ba naapektuhan siya sa pagtitig nito gayong alangan namang sa iba tumitig si James, eh, siya ang kasama at kausap?

Tumikhim ang dalaga at umiwas ng tingin. "H-hindi ako nakikipagtalo sa iyo. And I am trying to be reasonable."

Tumaas ang sulok ng bibig ni James sa isang tipid na ngiti. "Tara na sa loob kung ganoon, and get ready for the consequences. Iisipin nilang agad akong nakakita ng kapalit ni Sheila." Nawala ang ngiti at humalili ang seryosong anyo. "Ikakasal ka na, Ken. Ayokong pagmulan pa ito ng hindi ninyo pagkakaunawaan ni Perry."

Unti-unting nag-relax si Mackenzie at gumanti ng ngiti. "I've done nothing wrong. At isa lang ang ipinag-aalala ko. Karen said that your ex-fiancée's stunningly beautiful. Baka sabihing sa sama ng loob mo'y namili ka ng inferior ang physical appearance kaysa kay Sheila." She joked about it pero may bahagi ng dibdib niya ang sumasang-ayon sa sinabi.

All-Time Favorite: Mackenzie & JamesWhere stories live. Discover now