Chapter Six

1.3K 42 9
                                    


LINGGO at nasa bahay niya si Karen. Dalawang araw matapos siyang samahan ni James sa Divisoria.

"Break na naman kayo ni Tony." She rolled her eyes. "Hay, naku! What else is new? Bukas bati na uli kayo. Pang isandaang beses na ninyong galit ito, 'di ba?"

"You are exaggerating," wika nito na humiga nang pahalang sa kama niya. "Sa pagkakataong ito'y final na talaga. Ayoko nang makipagbati sa kanya. Hindi niya ako sinipot sa date namin dahil nahila raw siya ng boss niya na sumama rito at hindi niya natanggihan."

"Iyon naman pala, eh. May rason naman."

"Lagi na lang ganoon. Mas importante pa ang trabaho kaysa sa akin." Nasa tinig pa rin nito ang matinding hinanakit sa kasintahan.

"Karen," ani Mackenzie sa tonong tila bata ang kausap. "Men are not like us. Tayo, twenty-four hours na in love sa kanila na kahit na ano ang ginagawa natin ay sila ang iniisip, ang priority. But men are normally not like that."

"So, twenty-four hours tayong in love sa kanila. Dapat ganoon din sila sa atin, 'di ba?"

"Must be. Pero karamihan nga sa lalaki ay hindi ganyan, Karen. Maraming mga bagay ang higit na umoukopa sa isip nila. For instance, ang trabaho nila. Pero hindi nangangahulugan iyong wala nang pagtingin sa atin. So why not give allowances?"

"Are we talking about you and Perry here?"

Hindi agad nakakibo si Mackenzie. Sinabi ba niya iyon dahil unconsciously ay gusto niyang bigyan ng katwiran si Perry?

"I am talking in general," sagot niya subalit iniiwas ang mga mata.

"Let's forget about my boyfriend," ani Karen at dumapa sa kama. "You've been here four days. How have you been doing? May kakilala ka na ba?"

"Alam mo bang magkasama kami ni James noong isang araw...?" dumulas sa bibig niya bago pa niya naawat ang sarili.

"Magkasama kayo ni James?" Napabangong bigla si Karen. "Saan?"

"Sa Divisoria. Sinamahan niya akong bumili ng telang pangkasal. H-hindi kasi available si Perry..." Umiwas siya ng tingin sa bahaging iyon. "At paluwas naman si James upang official na mag-file ng leave. So..." Inilahad niya ang mga kamay, sabay kibit ng mga balikat.

"So you had a date with another man, ha?" nakangising tukso nito. "At sa Divisoria..." Tuluyan nang natawa ang dalaga. "Of all places, huh?"

"It wasn't a date, Karen!" protesta niya.

"So hindi. Bakit ka tumitili?" natatawang sabi nito. Pagkatapos ay pumormal. "Sana nga'y maka-recover na ang kaibigan kong iyon."

Sinasabi niya sa kaibigan ang pagtatagpo nina Sheila at James sa bangko nang tumunog ang doorbell niya. Si Karen ang nagboluntaryong lumabas upang tingnan kung sino ang nasa labas.

Si James.

"Hello... Karen!" bati ni James na bahagyang nagulat pagkakita sa dalaga.

"Hi. Halika, pasok ka. Kanina pa akong umaga rito."

Nasa loob na ito nang lumabas si Mackenzie. Kasabay ng ngiti ang malakas na kalabog ng dibdib.

"Hi, James. Napasyal ka."

"Well, actually, gusto kong sabihin sa iyong nakakita na ako ng restaurant kung saan maaaring ganapin ang reception ninyo. Hindi mahal pero disente at masarap ang pagkain," wika nito na pinaghali-halili ang tingin sa dalawang babae.

"Oh, that's great," she said happily. Nawala ang pagkailang. "One problem down. Thank you."

Nilinga ni James si Karen. "And since it's nearly eleven, I am inviting you both for lunch. Sa mismong restaurant na sinasabi ko. Para makausap mo na tuloy ang may-ari."

All-Time Favorite: Mackenzie & JamesWhere stories live. Discover now