CHAPTER 9: Mission

570 33 1
                                    

ZANE POV

"Hindi ba talaga tayo pwede pumunta sa cafeteria dito?" Nakangusong tanong ko.

Kanina pa kami dito nakatunganga, di pa kami nakakakainin, remember bawal daw kami sa cafeteria dahil mahina daw kami kuno, like hello nagugutom din kami dito noh.

Napabuntong hininga naman ako bago mangulambaba, bukod sa gutom na ako, boring pa.

"What if maglaro tayo? Para naman hindi boring!" Nagliwanag naman ang mukha ko sa sinabi ni Erika.

"Anong game naman!" Naeexcite na tanong ko, ngumiti naman ang iba bago tumango.

Kahit ang nakaobob na si buangsammy ay napatingin samin.

"May bola ako dito!" Pinakita naman nito ang bola. "Magpapatugtog ako then paghuminto ang music at kung na kanino ang bola, kailangan nyang sagutin ang tanong or gagawin nya ang dare ng katabi nya! Gets?" Sabay sabay naman kaming tumango.

Umupo na kaming lahat sa sahig, btw ang music ay sadyang natigil na ng walang pumipindot, you know magic hehehe.

"So let's start!"

The music starts at nagstart ng ipasa ang bola, lahat kami ay natataranta na natatawa pagsamin na ipapasa ay parang napapaso kami na binibitawan at pinapasa sa katabi.

The music stop at kay Allen ang katabi naman nito ay si dom na nakangisi dito, I smell fishy sa dalawang to hmm.

Napahagikhik naman ako. "Tanungin na yan!" Excited na sabi ko na sinangayunan nila, kita ko naman ang pagsimangot ni allen.

"So may nagugustuhan ka na ba?" Seriously yan lang tanong nya, Teka balak ba nilang umamin sa isa't isa gaya ng napapanood ko, ganitong rin sa napanood ko sa k-drama e hmp.

Napatingin naman kami kay Allen, naghihintay ng sagot.

"Meron, at malabong maging ikaw yun!" Mataray na sabi nito pero di nakatakas sakin ang pamumula nito. Liar!

Kita ko naman ang pagdaan ng lungkot sa mata ni Dom, pero nawala din at inasar na lang si allen, pagibig nga naman.

Pano kaya kami ni ician hihihi.

Nagdaan ang oras at nagpatuloy ang laro, napuno ang room namin ng tawanan at asaran.

Hanggang sa sakin na huminto ang bola, masayang tumingin naman ako kay buangsammy na katabi ko, pinandilatan ko sya ng mata, ibig sabihin ay dalian lang
ang tanong sakin.

Ngumisi naman ito na ikinasimangot ko. "Do you like ician" Hindi yun tanong, Isang statement.

Wahhh halata ba na crush ko ician huhuhu, secret lang dapat ito eh.

Napasinghap naman ng iba sa narinig at napatitig sakin na inaantay ang sagot ko, napabuntong hininga naman ako, bakit ba sumali pa ako sa larong ito?

"Ahmm-" nabiting ang sasabihin ko may nagsalita na alam ko na rinig sa buong school.

Iba talaga ang nagagawa ng magic, awesome!

Pero unfairness tamang tama lang nakaiwas tuloy ako sa tanong hihihi

ATTENTION, PLEASE PROCEED TO THE HEADMASTER OFFICE, PRINCESS XYVIELLE AND PRINCESS KAYLEIGH"

"AGAIN, ATTENTION, PLEASE PROCEED TO THE HEADMASTER OFFICE, PRINCESS XYVIELLE AND PRINCESS KAYLEIGH"

ano namang kailangan ng panot na yun?

"Bakit kayo pinapatawag may ginawa ba kayo?" Tanong ni ari.

"Wala noh!" Defensive na sabi ko.

Nagdududa namang tumingin samin ang mga ito, narinig ko naman ang pag "tss" ni buangsammy bago ako hilahin.

Teka kaya nga ba kami pinatawag dahil sa nangyari kanina, pero kasalanan naman ng mga clown na yun eh!

Hmp.

THIRD PERSON POV

"Headmaster, nais ko lamang kung bakit ninyo pinatawag ang dalawa kong kapatid?" Nagtatakang tanong ni prince raven

Nagtataka ito dahil wala naman syang nababalita na may ginawang di kaaya- aya ang kanyang pinakamamahal na mga kapatid.

Bukod lang siguro sa nangyari kanina sa panig ng mga royalties at sa mga kapatid nya, nakita nya ang lahat at pasimple syang napangiti ng makita ang paglaban ng dalawa.

Dahil sa tanong ng prinsipe doon naagaw ang atensiyon ng iba pang mga royalties, maliban kay ician na tahimik lang. kahit sila ay naguguluhan kung bakit ang mga ito pinatawag, gayong may importante silang pinaguusapan, tungkol sa kanilang panibagong misyon.

"Dahil nais kong isama nyo sila sa inyong misyon!"

Natahimik ang lahat, lahat sila ay prinoproseso ang sinabi ng headmaster. Ang dalawang prinsesa, na walang ibang ginawa kundi ang landiin at mapapansin sa dalawang prinsepe, sasama sa kanilang misyon, Hindi iyon magandang ideya para sa kanila.

Kahit nakikita nila mismo ang kawalan ng interes ng dalawang prinsesa sa dalawang prinsepe at sa sinabi na nawalan ang mga ito nga alaala, Hindi nila alam kong kanilang paniniwalaan o hindi.

Pero base sa inaakto nila ay mukhang totoo, nagbago din ang mga ugali ng mga ito, Yung dating mataray at arogante ay nawalan ng pake sa nakapaligid lalo na si princess Xyvielle (Sammy) na napakalamig at walang ekspresyon ang mukha, maliban kay princess Kayleigh na may pagkaisip bata ngunit nakakakilabot tuwing nagseseryoso.

"Headmaster, I think hindi maganda na isama mo sila, ano naman ang maitutulong ng dalawang yun, baka nga maging pabigat lang ang iyun noh!" Maarteng sabi ni lady Sandra.

Sumama naman ang tingin ng mga prinsepe at prinsesa sa kanya.

"Anong tingin yan? Don't tell me kinakampihan nyo ang dalawang mahinang yun?!" Di makapaniwalang tanong nito.

"Talking nonsense to my sister's lady, they are princesses, know your damn place!" Malamig na sabi ni prince raven na ikinaputla ni lady Sandra.

"Saves your right bitch" sa isip ng mga prinsesa, kahit sila naman ay ayaw dito, dahil sa ugali nito, feeling maganda mukha namang clown.

"Stop!, Whether you like it or not isasama nyo sila and that's final!" Sabi ng headmaster sa malamig na boses it means hindi sya nasisiyahan sa nakikita at naririnig.

Napatingin silang lahat sa pintuan ng bumukas ito ng walang katok katok, Hindi man lang nila naramdaman ang prinsensya ng dalawa.

"Bakit nyo kami pinatawag!" Malamig na tanong ni princess Xyvielle, napaiwas ang lahat ng tumingin ito sa kanila, nakakaintimidate talaga ang tingin nito.

Lahat ay nagiwas maliban kay prince kairon at ician na nakatingin, nope nakatitig kay princess Kayleigh.

Napatingin naman si princess Kayleigh kay ician at nakangiting kumaway dito na ikinayuko nito kunwari ay nahihiya, pero isang ngisi ang labi nito na tila nasisiyahan sa atensyon na binibigay ni princess Kayleigh sa kanya.

Mas lalo itong napangisi ng makita ang madilim na mukha ni prince kairon.

"You have a mission with the royalties"

A/N

Busy na naman ako pero gusto ko talagang matapos ang story na to, sorry kung may mga mali mang spelling or grammar, btw If you have any concern about this chapter or this story just comment below, negative or positive tatanggapin ko hehehe and if you like this chapter,.please vote pang motivation na rin at ifollow nyo na lang din ako, sige na ha? Please...

The Two Troublemakers Reincarnated As A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon