CHAPTER 22: Shrielle

343 21 2
                                    


ZANE POV


Naalimpungatan ako sa di malamang dahilan, nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko, hapon na ng magising ako, Hindi ko nga alam kong bakit ako nagising gayong ramdam ko na pagod na pagod ako at ang gusto ko lang ay ang matulog.


Napabuntong hininga ako ng hindi na ako muling dinatnan pa ng antok, bumangon ako sa kama at lumabas tsaka pumunta sa kusina para uminom ng tubig.


Mukhang natutulog pa si buangsammy, ang sama ko naman kung gigisingin ko sya, total hapon na naman at alam ko na kakaunti na lang ang mga estudyante sa labas, maglilibot na lang ako sa buong academy.


Bumalik muna ako sa kwarto para kumuha ng jacket kung sakaling abutin ako ng gabi para hindi ako lamigin.


Pagkalabas ko sa dorm ay nagiisip ako kung saan ang una kong pupuntahan, at naisip ko na sa cafeteria, alam ko na di pwede dahil alam nyo na yun, pinagbawalan kaming nasa lowest section na kumain doon.


Dahil ako ito, Wala akong pake, gagawin ko kung anong gusto ko hmp.


Ano sila gold para sundin ko tss.


Alam ko na naman kung saan ang papuntang cafeteria dahil sinaulo ko yung mapa para di ako mawala at baka sabihin pa ni buangsammy patanga tanga ako, Minsan lang hehehe


Pagpasok ko sa cafeteria na parang sa mga five star hotel yung kainan sa sobrang laki at mukha talagang yayamanin, yung theme nya ay parang korean vibe, aesthetic sya mga mhie.


Simple white lang sya na may silver lining, yung mga upuan at lamesa ay may mahaba at may pabilog, may chandelier na malaki din sa gitna na kulay gold, sa sahig naman ay makintab na parang kahoy ganun, may naglalakihan ding bintana kaya kita kita yung labas pagmalapit ka doon o doon ka pumwesto, pero pag sa labas ay tinted.


Pumunta naman ako sa counter, mukhang nagulat pa nga ito ng makita ako.


"Ahm ano pong order nyo prinsesa Kyleigh?" Magalang na tanong nito, ngumiti naman ako dito.


"Isang beef steak, barbeque then strawberry cake at strawberry shake yun lang thank you!" Ngumiti ako dito ng matamis na ikinatulala nito saglit.


"Hey, are you okay?" Tanong ko habang kinakaway yung kamay sa harap ng mukha.


"Ahh... Opo ihahanda ko lang po ang pangkain nyo" natatarantang sabi nito, nagkibit balikat lang ako at humanap ng mauupuan, kakaunti lang naman ang tao at napili ko doon sa malapit sa bintana.


Umupo lang ako at nagintay, mga sampung minuto din akong nagintay bago dumating ang inorder ko.


"Enjoy eating princess" sabi nung waiter bago yumuko, ngumiti lang ako dito, umalis na din ito, kaya nagsimula na akong kumain.


Masasabi kong masarap ang mga pagkain dito, feeling ko babalik balikan ko ang strawberry cake at strawberry shake nila dito hihihi


Nang matapos akong kumain ay umalis na rin ako, hanggang sa napadpad ako sa library, pagpasok ko ay nalula ako sa laki nito at sa daming libro sa mga nagtataasan na bookshelf, grabe ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaki na library, nahiya library ng campus namin dito, bukod sa malinis dito ay maganda din yung mga lamesa, makakapagbasa ka talaga dito ng tahimik at matiwasay.


Nilibot ko lang ang paligid, nakahanap din ako ng libro na nakaagaw ng pansin ko, gusto kong mabasa mukhang exciting eh.

kinausap ko na rin yung nagbabantay ng library kung pwede kong mahiram ang libro, pumayag naman ito.


The Two Troublemakers Reincarnated As A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon