CHAPTER 14: Klein

502 32 1
                                    


ZANE POV


"Wahhh buangsammy" malakas kong tili ng makasalubong si buangsammy.


Patakbo naman akong pumunta dito at niyakap ito.

"Huhuhu kala ko di na kita makikita huhuhu" napadaing naman ako ng pitikin nito ang noo ko, grabe naman ang isang ito, apaka-mapanakit.

"Oa mo tss" buangsammy

"Aray ko ah" napatingin naman ako sa likod nito at nakita ang ibang royalties, syempre kasama si sandra the witch, di naman nakatakas sakin ang pagirap nito, tusukin ko mata nya e hmp.


"Oh hi kuya!" Masiglang bati ko kay kuya raven habang may pa kaway kaway pa.

"Hi lil sis" bati din ni kuya pabalik na ikinangiti ko ng malaki

"Wait where's kuya princess Kayleigh?" Princess tasha asked, mukha ba akong hanapan ng mga taong apoy?


Sasagot na sana ako nang " hey bakit mo namam me iniwan there" speaking of apoy, napalingon naman ako sa likod at nakita ko doon si apoy, aba mabuti at naisipan nya pang sumunod kalo ko doon na sya e habang nakatulala e.


And why so conyo, at may pa nguso nguso pa ito, infairness ang cute nya, ay hindi, hindi dahil ako lang dapat ang cute sa mundong ito, period.


Inirapan ko na lang ito bago humarap sa iba, at nagtaka ako ng nakatulala ang mga ito habang nakatingin kay apoy, maliban sa isa, alam kong alam nyo na kung sino yun, Wala nang iba kundi si coldy girl buangsammy.


Nagpalipat lipat naman ang tingin ko sa mga ito, ang kaninang nakanguso na si apoy na bumalik sa walang ekspresyon ang mukha, habang may pa cold aura pa ang peg. Hmp bipolar.


"Tara na nga gutom na me e!" Sabi ko sabay kapit sa braso ni buangsammy.


"Tss saan ka naman kakain sa lugar na ito" naiiritang sabi nito at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa braso nya, pero kada tanggal nya ay binabalik ko ulit kaya sa huli ako parin ang panalo, ngiting tagumpay naman ako, na ikinangiwi nya lang.


Teka bakit ko nga ba nakalimutan na nandito kami sa ghost town, pano na ako nito, no food? Ano ba yan sana pala kumain na ako ng kumain. Wait may baon ako e.

'nasaan ba bag ko?'


Tiningnan ko naman sila isa isa at wala yung bag na dala ko kanina, nabitawan ko yun noong nahulog kami sa ilalim ng lupa ni apoy.


"Nasaan ang bag ko?" Taas kilay na tanong ko sa mga ito, katahimikan ang namayani sa amin. "Don't tell me!" Nanlalaking matang sabi ko.


"BAKIT NAMAN DI NYO DINALA! NANDOON NAKASALALAY ANG BUHAY KO!"


"Ano bang laman nun?" Namumutlang tanong ni princess dorathy. "Sorry nakalimutan ko kasing dalhin e" nakayukong dagdag nito.


"Huwahhh nandoon lahat ng pagkain ko e!" Parang batang pagmamaktol ko habang maluha luha na, grabe naghirap pa akong ilagay yun sa bag e huhuhu.


Nagdadabog naman akong umalis doon, nakakairita hmp.




SAMMY POV


napailing iling naman ako sa inasta nito, napakaisip bata talaga.


Sinundan ko naman ito, Hindi ako nagsasalita at pinagmamasadan lang ang ginagawa nito na pagtadyak sa mga bato habang may binubulong sa hangin.

Kung hindi ko kaibigan to at ibang tao ang nakakakita sa ginagawa nya ngayon ay mapagkakamalan nyo itong may sayad sa utak.


Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid, gabi na at sobrang dilim talaga sa ibang parte at kung nasa mundo talaga ng mga tao at sila ang nandito siguradong mahihimatay na ang mga iyon pagnakakita ng mga ganto.


"Arayy" mabilis naman akong napatingin kay Zane na makarinig ako ng boses, Akala ko sa kanya, pero nangunot ang noo ko ng makakita ng lalaki na nakahawak sa batok nya, na mukhang natamaan ng bato na sinisipa ni zane.


"Ayy hala sorry, di ko naman alam na may tao e" paghingi ng pasensya ni zane habang natataranta at akmang lalapitan na ang lalaki ng mabilis ko itong hinawakan sa braso.


"Ayy kabayo!" sigaw nito sa gulat at may pahawak hawak sa dibdib kahit wala sya noon tss.


"Grabe nakakagulat naman you, why nandito ba you?" Napangiwi naman ako sa kaconyohan nito, di na ako magtataka kung bakit nagaya si prince kairo dito.


"Ahm, may mga tao pala rito?" Napalingon naman ako sa lalaki sa biglaang pagsingit nito. "Akala ko kasi ako lang e hehehe"


Nakangiti ito ng malaki, kulay itim ang buhok nito at brown ang mga mata, matipuno ang katawan at pagdating sa mukha ay sadyang may maipagmamalaki.


Mas gwapo kay prince airon tss.


Totoo yun mukha syang inosente at masayahin.


Napaiwas naman ako ng pagtitig dito ng tumingin ito sa akin.


Nagtataka ako ghost town to pero bakit may tao dito? Ang sabi sabi ay wala ng nagbabalak na pumunta dito dahil sa sabi sabi na may gumagala gala daw dito na gumagamit ng black magic.


Kaya nakakapagtaka na may naglakas loob na pumunta dito, at sa unang tingin sa lalaking ito, masyadong malabo ang iniisip ko.


"Ano nga palang ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Anong pangalan mo?" Sunod sunod na tanong ni zane dito, napakamot batok naman ang lalaki and I find it cute.


Umupo naman ako sa malaking bato malapit sa kanila bago pumikit at pakinggan ang usapan ng dalawa.


"Una ako si Klein, nandito ako kasi naligaw ako at napahiwalay ako sa mga kasamahan ko" so Klein pangalan nya what a nice name.


Nagusap pa ang dalawa tungkol sa mga wala namang kwentang mga bagay, may ibang interesting sa pandinig ko kaya pinapakinggan ko, pero mas lamang talaga ang mga katarantaduhan nila na kinukwento nila tss.


Mukhang magkasunod ang dalawa, magkaugali e tss.


"Teka tulog na ba yang kasama mo?" Rinig kong tanong ni Klein


"Ayy ewan hehehe pabayaan mo na, lagi naman yang ganyan!" Zane


"Talaga! Mukhang tahimik sya gusto ko tuloy syang maging friend" ramdam ko naman na lumapit ito sa akin, ramdam ko rin ang pagtitig nito sakin.


"Tahimik talaga iyan hehehe" Zane "Sammy naman ang name nya!" Rinig kong dagdag ni zane bago humagikhik.


"Sammy pala name nya, ang ganda naman.....parang sya" rinig kong sabi ni Klein, mahina ang pagkakasabi nito sa dulo pero dahil malapit ako ay narinig ko ng malinaw.


Unti unti ko naman dinilat ang mata ko at sumalubong sa akin ang pagkakalapit nitong mukha habang may nanlalaking mata.


"Are you done staring at me?"



A/N

new character unlocked! Ano kaya ang magiging papel ni klein sa ating mga bida? Hmm?

The Two Troublemakers Reincarnated As A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon