CHAPTER 30: Blame

219 18 8
                                    


Third Person POV

Nagkakagulo ang lahat dahil sa nangyari, Ang iba ay di makapaniwala sa kanilang nakikita. Kitang kita nila kong paano tumama ang pana sa prinsesa na si kyleigh at ang pagbagsak nito sa bisig ng prinsepe kairo. Napatingin sila sa di kalayuan kung saan nang galing ang pana, nagimbal sila sa nakita. Si xyvielle na may hawak na piraso ng pana, nang makita nila kung sino ang pumana ay napasinghap sila, sa lahat ng tao na pwedeng maging salarin ay bakit sya pa.

Ang babaeng di nila aakalaing magagawa ito sa prinsesa kyleigh na kanyang kapatid, wlang iba kundi ang prinsesa xyvielle.

Sa kabilang banda, ang mga royalties ay nagaalalang lumapit kay princess kyleigh, nang makita nila ang itsura nito ay nagkaroon ng matinding galit sa kanilang puso, gusto nilang pagbayarin ang nasa likod ng paghihirap ng kanilang kaibigan.

"Leigh lapit lang, padating na yung healer!" Naluluha na sabi ni prinsesa Tasha dito.

Kahit na hindi naging maganda ang ekpresyon nya at pakikitungo dito nung una ay nagaalala pa rin sya dito, simula nung magbago ito sila ng kapatid nya, napalagay ang loob nya dito, di nya akalain sa pagiging maarte at panlalandi lang sa kapatid nito ang inaatupag ay may tinatago pala itong bubbly at masayahing attitude.

Si trevan na di maiwasang maawa sa kalagayan ng kapatid, nakaramdam sya ng kirot dahil sa kalagayan nito ngayon, aaminin nya na di maganda ang trato nya dito dahil Hindi nya gusto ang asal na pinapakita nito noon, ngunit nakita nya ang pagbabago nito.

"buangsammy" nanghihinang Sabi ni prinsesa kyleigh.

Kahit na nahihirapan ay nasabi nya parin ito, kitang kita nya ang lahat at di sya makapaniwala na sa lahat ng tao ay di ko naisip na magagawa nya yun, tinuring nya itong kaibigan at kapatid, di nya akalaing magagawa nya ito sa kanya.

Tiningnan nya ito mula sa kinatatayuan nya, nagaalala siyang tumingin dito bago umiling.

Sumidhi ang kirot na kaniyang nararamdaman, parang humihiwalay sya sa kaniyang sariling katawan, ni hindi na niya man lang maramdaman ang katawan nya sa sobrang sakin, sumuka sya ng dugo, habang unti unting pumikit, naririnig nya pa ang mga sinasabi nila, kahit ang kaniyang kuya trevan na naikinangiti nya ng maliit.

Kahit ganyan ka kuya trevan, mahal parin kita, kapatid ko.


Mula sa pagkakaiyak ng mga prinsesa at prinsepe ay napalitan ito ng galit nang lumingon sila sa kinaroroonan ng prinsesa xyvielle, di nila mapaliwanag ang nararamdaman nung oras na yun, pagkadismaya, takot, lungkot ngunit lamang ang galit, kita nila ang hawak nitong pana habang nakatingin lang ng malamig sa walang malay na prinsesa.

Mabilis silang pumunta dito at malakas na sampal agad ang ibinungad ng prinsesang si Tasha dito, dinuro nya ito habang nangingilid ang luha, halatang nasasaktan.

"Anong ginawa mo!" Pasigaw na tanong nito, habang unti unti nang bumagsak ang kaniyang luha, hanggang sa nagsabay sabay nanitong nagsibagsakan.

"Wala akong ginawa" malamig na sabi nito.

Walang kabuhay buhay ang mata nito at malamig pa sa yelo ang boses nito.

Nagpantig ang tenga ni trevan sa narinig mula sa kapatid, kinuwelyuhan nya ito at halos sakalin dahil sa sinabi.

"Wala kang ginawa?" Nanguuyam na sabi nito habang mas humihigpit ang kapit nito sa leeg. "Kung wala kang ginawa hindi magkakaganito ang kapatid ko" madiin na sabi nito.

"Wow may pake ka pala?" Sarcastic ang pagkakasabi nito na ikinatigil ng prinsepeng si trevan. "Naaalala mo pa ba ang pinaggagawa mo sa kanya? Ninyo?" Nakangising sabi nito na ikinatigil nilang lahat.

Bumalik sa kanila ang ginawa nila dito, ang pagpapahiya at pagtataboy nila sa dalawa ay malinaw parin sa kanila ngunit pinagsisisihan nila ang mga bagay na di maganda na ginawa nila sa kanilang magkapatid.

"Di kayo makaimik no?"

"Pinagsisisihan na namin yun xyvielle" mahinang tinig ni Tasha.

"Eh? Talaga? Ni kahit kailan di kami nakarinig ng kahit anong sorry dahil sa ginawa nyo?"

"Baka nakakalimutan nyo" lumapit si prinsesa xyvielle sa mga ito. "Na muntikan nyo na rin kami mapatay"

Natuod silang lahat dahil sa sinabi nito, Tama sya sila ang maykakagawan kung bakit sila nacoma ng matagal.

"Anak, ang anak ko!"

Napatingin silang lahat sa reyna na di alam kung alin ang unang hahawakan sa anak, humahagolgol din ito.

"Sino ang may kagagawan nito sa anak ko!" Mabagsik na tanong ng hari na dumagungdong na may kasama pang pagkidlat.

Lahat ay natakot at walang sabing tinuro ang prinsesa xyvielle. Nang tumingin dito ang hari ay di ito makapaniwala, sari saring emosyon ang nararamdaman nito, ngunit mas lamang ang paniniwala nya di ito magagawa ng kaniyang anak sa kapatid nito.

"Anong pinagsasabi nyo!...Hindi iyan magagawa ng anak ko!" Galit na sabi nito.

"Ama, totoo ang sinasabi nila!" Nang narinig iyon sa bibig ng kaniyang panganay na anak ay nanghina ang hari, muntik na itong matumba buti ay naalalayan ng mga kawal na nasa likod.

"Ano?" Nanghihinang sabi ng Reyna. "Elle anak, Hindi naman iyon totoo hindi ba?" may pagasa sa mga mata nito.

Minuto ang pumipas at hindi sumagot si prinsesa xyvielle na ikinaiyak ng Reyna.

Hindi, Hindi sya makapaniwala na magagawa iyon ng anak nya sa sarili nitong kakambal, nakita nya ang tinginan ng dalawa sa isat isa, mahal nila ang isat isa, kaya napakalabo na magawa nila ang bagay na ito sa isat isa.

"Totoo nga!...Wala na akong magagawa, kailangan mong harapin ang parusa sa ginawa mo"

Malamig man at walang emosyon iyon na sinabi ng hari bago tumalikod at sundan ang reyna at ang mga healers na buhat buhat para dalhin ang katawan ng prinsesa pagbalik sa palasyo.

Pagkatalikod ay doon muling bumagsak ang luha ng hari.

"Hindi parin ako naniniwala sa kanila, mahal kong anak"

The Two Troublemakers Reincarnated As A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon