CHAPTER 23: Moonfest

306 17 0
                                    

ZANE POV

"So anong ganap sa section natin?" Pagkapasok ko sa classroom ay yun agad ang bungad ko.

Nakaupo lang ang mga ito at nakabusangot, parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga mukha ng mga ito kung makasimangot.

"What going on to all of you? Wala bang may balak na sagutin ang tanong ko?" Taas kilay na tanong ko sa mga ito.

Si Dom ang tumayo at lumapit sa akin.

"Kasi naman kasi Zane eh" nagmamaktol ito. "Si kelvin kasi ayaw sumali sa amin para mabuo na ang team natin sa basketball" dagdag pa nito at nagpapaawa na tumingin sa akin, tumingin naman ako kay kelvin na tahimik lang na nagbabasa at parang may sariling mundo.

"Vin, ayaw mo ba talaga sumali?" Tanong ko dito habang may malungkot na mukha.

Tumingin naman ito sa akin, tinitigan pa ako nito bago umiling.

Napasimangot naman ako. "Ayaw nya guys eh, Wala tayong magagawa" malungkot na sabi ko. "Sayang yung price, may kasama pa naman yun na chocolate cake" naluluhang dagdag ko, wahh gusto ko yun eh!

"Gusto ko yun eh!" Nagpapadyak padyak ako ng paa

Just imagining na mapupunta sa iba yung chocolate cake ay naiiyak ako, meron naman sa cafeteria pero sure ako na mas masarap yung magiging price hmp.

"Fine!" Napatingin naman ako kay vin ng magsalita ito. "Sasali na ako sa team" dagdag nito habang nakatingin kay dom.

"Talaga!" Excited na tanong ko at lumapit dito, tango lang ang naging sagot nito, ngumiti naman ako ng malapad at dinambahan ito ng yakap.

"Yeheyy, thank you vin" masayang pasasalamat ko habang nakayakap pa rin dito, I feel him flinched.

Sinilip ko naman ang mukha nito at nakita ko na namumula ang pisnge nito, nagtataka ko naman itong tiningnan at sinundot sundot ang pisnge nitong parang kamatis sa pula.

"Bakit ang pula ng mukha mo?" Tanong ko dito.

Napapasong lumayo naman ito sakin at kinuha ulit ang librong binabasa at bumalik sa pagkakaupo.

He's weird

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko.

"Nagbabasa"

"Pre, baliktad" natatawang binaliktad ni dom ang libro ni vin, nagtawanan naman ang iba, mas lalong namula si vin dahil sa pagkapahiya.

"Napaghahalataan kana eh" napahalakhak naman ang iba sa sinabi ni cleus.

"Mukhang ang saya ninyo ah" napatingin naman kami sa bagong dating na si Elle.

"Nakakatuwaan lang" sagot ni mika.

"Teka, may naisip na kayo para sa booth natin?" Tanong nito at lumapit sa amin.

"Wala pa pala tayong booth?" Takang tanong ko sa mga ito.

"Wala pa eh, Wala pa kasi kaming maisip" sabi ni Erica

"What about wedding booth?" Napalingon naman kami sa pinto, nakita namin si buangsammy na prenteng nakasandal doon, ang cool nya tuloy tingnan.

Napakunot naman ang noo ko ng makita si Klein, may something talaga sa dalawang ito eh, lagi ko na lang sila nakikita na magkasama.

"Saan ka galing buangsammy?" Takang tanong ko dito noong magising kasi ako ay wala na ito sa dorm, natigilan naman ito.

The Two Troublemakers Reincarnated As A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon