CHAPTER 21: Returning to Academy

385 18 0
                                    

ZANE POV

"Dito po ang kwarto mo kamahalan" sabi ng katulong at ginaya ako papasok, ngumiti naman ako.

"Salamat" nasabi ko na lamang.

"Magpahinga na po kayo, maiiwan ko na kayo" Sabi nito bago yumuko bago umalis.

Pagkaalis nito ay pinagmasdan ko ang kabuoan ng kwarto ko masasabi ko na mas malaki ito kumpara sa kwarto ko, kulay puti lang itong plain pati ang ibang gamit, simple lang naman sya pero makikita mo na mamahalin talaga.

Mas maganda kung pink ang kulay.

Nagulat naman ako at namangha ng makita ang pagpalit ng kulay, kulay puti, napalitan ng kulay pink, kahit yung ibang gamit ay ganun din, kahit ang sahig ay ganun namangha tuloy ako sa ganda nito, parang glass yung sahig na may kulay pink sa loob na may mga glitters.

I giggled.

Pagkatapos kong magsawa sa pagtingin tingin sa nakapaligid sa kwarto ay naisipan ko na pumunta sa banyo, para maligo.

Ang lagkit na ng katawan ko, sa ilang araw ng mga paglalakbay ay yun din ang araw na wala akong ligo, ang baho ko na for sure.

Pagpasok ko ay namangha din ako, kahit dito ay kulay pink din, pumunta na ako sa parang bathtub, ang kaibahan lang ay gawa sya sa kahoy.

Meron na itong tubig, kaya naman tinanggal ko na ang damit ko at lumublob dito, maligamgam ang tubig kaya masarap sa pakiramdam.

"Ano to?" Takang tanong ko makita nag nasa tagiliran, merong lalagyan na bote, kaso wala namang nakasulat kong ano yun, meron ding pink na rose petals.

Kinuha ko yung rose petals tapos nilagay ko sa tubig, kahit yung nasa bote na hindi ko alam ay inilagay ko rin sa tubig, nagulat na lang ako ng biglang bumula ang tubig na naging kulay pink na rin, ewan amoy syang strawberry na may vanilla.

Napapikit naman ako, mga kinse minuto rin akong nagbabad ng maisipan ko ng magbanlaw para makatulog na.

Kumuha lang ako ng damit sa closet at nagbihis na tsaka humiga sa malambot na kama, tumitig ako sa sinabi kisame hanggang sa unti unti na akong napapikit at makatulog.

KINABUKASAN

"Handa na kayo?" Tanong punong tagapagpayo.

Nandito na kami sa labas ng malaking gate dahil babalik na kami sa academy, tapos na rin naman ang aming misyon.

Tumingin ako sa iba at kumpleto na din naman kami, napakunot ang noo ko kay buangsammy at klein, bakit parang sobrang na nila? Pero okay lang yun para naman magka love life na si buangsammy para hindi na mainitin ang ulo nya.

Napahagikhik naman ako sa naisip.

Napabaling lang ako sa punong tagapagpayo na gumagawa na ngayon ng lagusan, hindi kasi kakayanin kong gagamitin nila ang teleportation.

Nagpaalam na kami sa mga ito at isa isa ng pumasok hanggang sa kaming dalawa na lang ni apoy, tiningnan ko naman ito at tinaasan na kilay at nginuso ang lagusan na ibig sabihin ay mauna sya.

Kumunot naman ang noo nito, nagulat na lamang ako ng hawakan nito ang kamay ko at hinila ako papasok na ikinanguso ko.

Paglabas ay nakita namin ang iba na nagtataka na nakatingin samin hanggang sa bumaba ito sa magkahawak naming kamay, mabilis ko naman kinuha ang kamay ko, Lalo na ng makita ang ekspresyon ni ician, he looks hurt.

The Two Troublemakers Reincarnated As A PrincessWhere stories live. Discover now