Lance Luna

438 19 4
                                    

Lance POV (part1/8)



Lance Luna is my name...


Sounds like Juan Luna.


Nagkataon lang naman na painter din ako.


I have a girl best friend, her name is Lexi, isang novelist pero mas kilala sa pagiging children book author.


Kahit na siguro mamuti ang kilay ni Lexi sa pag susulat para makabuo ng isang libro, isang painting ko lang ang katapat na halaga ng isang buwan nyang pagpupuyat.


Kahit nung grade schoolers pa lang kami, mas nag excel na sya kesa sakin. She's far way better than me in everything; mas magaling mag drawing, mas matalino, what more can I say... mas humble, at super bait.


Kahit sa itsura we're exact opposite. Para kaming kape't gatas.

Hindi man lang nya ko napapansin kahit na sobra na akong pa pampam kasi alam kong hindi naman ako kagwapuhan gaya ng mga nanliligaw sa kanya.


But I know,hindi talaga sya tumitingin sa pisikal. Sadyang bff lang ang tingin nya sa sakin.

Pangatawanan ba naman ang salitang forever sa bff...


Kaya kung hindi ko nakuha sa itsura, dinaan ko sa katawan. Nagpaka busy sa gym, trying hard super bod.


Pero wa-epek pa rin sa kanya. Yung iba pa ang naka pansin. Sobrang manhid.


Hindi naman sa pagmamalaki, although literal na malaki talaga


Ang aking katawan... E ipagyayabang ko na rin.


Kung payabangan lang din, marami ako nyan.


Kahit na isa akong ulilang lubos, rich kid naman ako. Nakapag tapos ng Cum Laude. May sariling tatag na art school. Well-known painter.


Pero hindi ko yun maipag mayabang kay Lexi. Kasi Magna Cum Laude yun eh. Tapos may sarili rin syang publishing company. Although namana nya lang yun sa stepdad nya pero sya ang nagpa unlad at sumagip sa pagka lugi nito.


Ang mata nya na nangungusap... May mahabang eyelashes at hindi false... Ang kanyang mga labi na parang ang sarap i-kiss.

But more than any lustful things about her, Talagang nakaka in love sya.


Can you blame me kung ma in love ako sa best friend ko? Bukod sa araw-araw kaming magkasama, talagang she's every man's ideal girl. Walang ka hassle hassle kasama.


We share this same passion, ang pagpi-paint.

Fine arts ang kinuha naming course nung college.


Kahit na lalaking lalaki ako, gusto ko talaga syang sabunutan sa inis ko dahil nag shift ba naman sa Journalism nung 2nd year. Mas passion daw nya ang pag susulat.


At ang passion nyang yan ang nagpapa loka sa kanya ngayon.


Gusto kong maawa at matawa habang tinitignan ko sya ngayon, gulo-gulo ang buhok, may naka sukbit na ballpen sa tenga, habang inuuntog ang ulo sa monitor ng kanyang pc.


Well, maybe it's typical for writers pag may writer's block.


Kaso, gusto nya yan eh... Bahala sya.


Pero hindi ko naman talaga sya matiis.


At kapag ganyan ang itsura nya, ito ang gustong-gusto nyang gawin ko...


Hagurin ang kanyang sentido ng aking mga hinlalaki, paikot-ikot, dahan-dahang bababa sa kanyang batok,careful sa part na ito. Pababa na ng balikat.



Oooohh....


Her moan... Sounds like music in my ears. Pareho kaming napa pikit... Sya dahil sa relaxation... Ako naman dahil pumapantasya...


Lance,harder...


Kasi naman, pang bedroom voice ang boses nya pati na rin ang mga bulong nya. Tinawag pa ko sa totoo kong pangalan. Madalas kasi Lancelot o Lando. Ah Ewan.


Wala naman kasing nakakarinig.


Kung meron man, si Shiela yun, ang kanyang secretary/super close friend/ fan. Pero wala yun pakelam kapag busy ang mam nya sa pagsusulat.


I said harder!


Aba! Kung maka utos kala mo boss.


Edi sige harder! Nanginginig pa.


Whew! Sobrang intense. Pinagpapawisan na ko ng malamig.


Kasi naman, nasasalat ko na yung lock ng bra nya. Sobrang tempted na kong i-unhook!


Kaya bago pa dumating sa puntong tuluyan na kong mademonyo. Tinigilan ko na ang pagpa-fantasize este pagmamasahe pala.


Oy Landooo!


Yan na, nagalit ata. Actually, laging ganyan. 

Pag minamasahe ko sya tapos nasa climax na, bigla ko na lang ititigil. Kaya madalas syang nabibitin.


Hindi ko naman kasalanan di ba?


Ang hirap kaya ng sitwasyon ko. Lagi na lang panakaw ang lahat.


Hindi ko kasi maaming in love ako sa kanya. Sayang naman ang ilang taon naming "pagkaka-ibigan" kung dahil lang sa confession ko sa kanya eh layuan nya ako...


Kuntento na ko sa ganito. At least wala syang boyfriend.

Abstract Ka KasiWhere stories live. Discover now