Lance p. 3

4 1 0
                                    

Lance POV (3/8)

Oo wicked step brother. Kung si Cinderella may wicked step sisters, si Lexi brother naman.

Hindi naman talaga sila related by blood. Anak yun ng stepdad nya sa una nitong asawa na allegedly inagaw daw ng nanay ni Lexi.

Chismis lang yun. Kilala ko yung nanay ni Lexi. Super bait nun. Sya ang yaya namin ni ate. Sya nag alaga sa amin ng Ate ko nung naulila kami.

Mabalik tayo sa wicked step bro nya.

Nagparamdam ito kay Lexi sa e-mail a month ago. Ang sabi babawiin ang kumpanya at bahay na pinamana sa kanya dahil hindi naman talaga sya tunay na anak.

Since then, sunod-sunod na ang gulong dumating kay Lexi. Nariyan, huminto na ang supplier sa pag supply ng materials. Tapos itong linggong 'to hininto naman yung subscription sa kanya. At cancelled orders. Malaking kawalan yun sa kanya.

Para talagang may gumigipit.

Sakin lang sya umiyak habang nilalabas ang lungkot, desperation at kung anu-ano pang emotion.

" Lance. May mali dito. Sobrang mali! Kinancel yung order??? Eh textbooks yun! Something's fishy talaga. This is sooo wrong! Ugh! Gonna die..."

Kaya nga mas napatagal yung tambay ko sa office nya para ma-relax naman sya. Buti na lang at stable yung gallery ko at art school kaya petiks na lang.

I'm the boss!

Tinatawagan lang ako ng bagong assistant ko kapag kelangan ako sa gallery/ art school.

Like nung isang araw. Pinuntahan ko dito sa office si Lexi at himala wala sya. Pinuntahan yata yung bagong supplier.

Eksakto namang tumawag yung assistant ko. May nag apply daw na nude model para sa one day- nude painting session, hired kagad kahit walang permission ko, na type-an ata ng loko kong assistant.

Demanding daw, porke maganda at sexy. Ayaw mag all the way. First timer yata. Saka gusto matapos agad agad. Ang sabi ng assistant ko dun sa model hintayin ako kasi ako yung teacher. Aba! ayaw daw.

Kaya pumunta na ko sa art school ko. Malapit lang naman sa office ni Lexi.

Whatta surprise!

Oo, si Lexi! ang demanding na model!

Feeling ko lumuwa ang mata ko nang makita syang naka pose ng fierce na tanging manipis na puting tela lang ang nakasapin sa kanya kaya labas na labas ang hubog ng kanyang katawan. 

Feeling ko rin, tumaas ang dugo ko paakyat saking ulo dahil tinitignan sya ng mga estudyante ko.

Mga ugok na 'to uunahan pa ko sa perslab ko! Ni hindi ko nga tinitignan yan kapag nagbibihis sa kwarto ko.

At lintik talaga! Isang oras na silang nag pi-paint, mata palang ang nagagawa? Yung iba buhok pa lang? Walanjo talaga halatang nag eenjoy sa nakikita.

Agad kong tinakpan ang kanyang kahubaran at binuhat papasok sa private painting room ko.

"Lance! Ano ba? Put me down!"

Sigaw nya. At wala akong pakelam. Mas galit ako kesa sa kanya.

Inupo ko sya sa upuan ko. Balot na balot ang kanyang katawan at hindi makatingin ng derecho sa mga mata ko.

At ngayon pa sya talaga nahiya, nakakapikon talaga. Samantalang pinag pyestahan na sya ng mga estudyante ko kanina sa labas.

"Arnie!" Sigaw ko sa assistant ko.

Agad din naman syang tumugon.

"Paki kuha naman yung mga damit nito.

Nga pala, bakit mo hinire 'to? Hindi mo ba sya kilala? Bestfriend ko 'to!"

"Sorry po sir. Hindi ko po alam eh. Mapilit saka qualified naman. Alam kong pasado sa taste nyo."

Kukutusan ko sana buti naka pag pigil ako. Saka bagong hire ko lang na assistant sya. 

"Lancelot!"

Tawag ni Lexi sakin. 

"Pinagbibihis mo na 'ko... So, hindi pala ko hired? Isang oras na 'kong naka pose dun. Ang hirap kaya. Tapos ganun lang."

"Anong gusto mo? Bumalik dun? Are you that desperate?!"

"Oo. Alam mo yun." Napayuko sya.

Parang gusto ng umiyak. Naawa naman ako.

Pumasok na si Arnie dala ang mga damit nya. At agad ding lumabas.

Magbibihis na sana si Lexi nang hinawakan ko ang kamay nya.

I looked into her eyes, oo na, with lust so tender. Dahan-dahan kong hinubad ang manipis na telang tangi nyang suot.

Hindi naman nya tinutulan. She's trembling. I assume nilalamig sya. So, bibihisan ko na sana sya nang hinawakan nya ang aking kamay.

Handed me her clothes. Niyakap nya ko. And she's naked! Ramdam ko yung ...

Sht! Am I dreaming?!

Hindi eh! Tumulo yung pawis ko sa mata ko.

Then she whispered softly in my ear. "I want you to paint me wearing this... Wearing only this."

Grabe na. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, nanlalambot na naninigas. At anong sabi nya? Parang familiar yung sinabi nya ah.

Arraaaay!

Bigla akong napa hiyaw sa kalmot nya sa likod ko.

"Ang slow mo." Sabi nya habang tumatawa. At takip ang dibdib. " Nakalimutan mo na? Famous lines yun ni Rose sa Titanic."

Bigla syang tumayo na sinapinan ang sarili ng tela. At naka kibit-balikat pa. 

"Ano, ayaw mo ba?" Tanong nya.

"Teka lang!" Awat ko sa kanya nang mag sink in na sa utak ko yung tinatanong nya kung itutuloy pa ba yung nude painting session. " Lulubusin ko na yung talent fee mo. Sige umupo ka na. But hindi dun sa labas. "

"You mean private? It's my pleasure na i-paint ng isang sikat na painter. "

"And it's an honor to paint you."

At yun nga ang nangyari.

At yung nude painting? Nandun sa office ko. At ako lang ang pwedeng makakita nun.

Abstract Ka KasiWhere stories live. Discover now