Lance p. 6

4 1 0
                                    


Lance POV (6/8)


Nag usap sila sa labas. Hindi na ko naki chismis mukhang seryosong usapan yun. Saka sasabihin rin nya yun sakin mamaya.


Kaya habang nag uusap sila sa isang mas private na room, umupo na lang ako sa mahabang couch.


Maya-maya, pumasok na yung lalaki, mag-isa lang sya at hindi kasama si Lexi. Inangasan ko nga sya. H'wag syang loloko-loko sakin. Pero

bad trip! Dahil napilitan akong mag yayang kumain sa resto. For the first time, tatlo kaming magde-date. 

Sya pala si Ezekiel Malik ang step brother ni Lexi. Kaya naman pala gigil na gigil sya.


Pag tapos naming kumain... Bumalik na kami sa office ni Lexi.


Ayoko ng ikwento ang nangyari sa resto. Napahiya kasi ako.


Dapat dun ako sa office ko ngayon eh.. Kaso hindi ko maiwan si Lexi.


Mukhang mas matinding pag uusap ang ginagawa nila ngayon. Nagsisigawan na sila.


Siguro ito na yung cue ko para pumasok na sa eksena.


But damn! I hate what I am seeing. Lexi looks so pale. Parang may ginawa 'tong mokong na 'to sa kanya.


He's looking at me sharply so I gave him a sharper look. Yun bang tingin pa lang, nananapak na .


Immediately I dragged Lexi away from that @s$h0le.


Maaga pa. Pero dinala ko na lang sya sa bahay. Dun muna kami. And she told me everything that happened.


" Asar! Talagang asar! "


Hiyaw ni Lexi while yanking my hair. Naka indian sit sya sa kama while ako ay naka dapa. Ang sakit ng sabunot nya.


Ok lang naka yakap naman ako sa kanyang bewang habang nakasubsob ang mukha ko sa kanyang lap. 


"Chill Lex..." Yun lang ang masasabi ko.


"No, I can't! Ang sama ng ugali nya. Sayang kamukha pa naman nya si ultimate crush. Hay ang gwapo nya talaga. In fairness."


Loka-loka na 'to. Kanina lang galit na galit tapos binanggit lang crush nya kilig na kilig na. Bukod kasi kay Leonardo wala ng gwapo para sa kanya.


At sa dinamirami ng pwedeng makahawig ni Kiel, bakit si Leonardo pa?! Nagseselos tuloy ako.


"Oy Lexi... Si Leonardo bakla yun. Kelan ka pa nagka crush sa bakla?" Asar ko sa kanya.


Napa isip... Sumeryoso... At tumitig sya sakin...


"Simula nung... Naging crush kita."

Abstract Ka KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon