Lance p. 5

3 1 0
                                    


Lance POV (5/8)


Kinabukasan...


Mas maaga akong nagising. Valentine's day kasi ngayon. At yearly ritual ko na ang magpadala ng bouquet of flowers kay Lexi.


Pag pasok nya sa office yun ang una nyang makikita sa kanyang table. Aamoy- amuyin. Tapos yayayain kong kumain sa favorite resto na college friends namin ang mga owner at alam na alam na ang kakainin namin pag Valentine's Day... and that will make her day.


But this time, para maiba ng konti... Personal ko ng ibibigay sa kanya. For sure masu-surprise yun.


This time, 3 red roses. Bahala na kung isipin nyang' I love you' yun. Eh totoo naman. At ok lang kung hindi nya tanggapin. Ihahanda ko na ang sarili ko.


Pag pasok ko sa office nya. Ako ang na-surprise!


Meron na syang hawak-hawak na dozen of red roses at inaamoy-amoy!


Alam kong magte- thank you na sana sya sakin pero napa kunot-noo sya habang nakatingin sa hawak kong 3 red roses waring tinatanong ako kung ...


"Definitely it's not mine." agad kong sabi sa kanya kahit wala pa syang tinatanong.


"Eh kanino yan/to galing?" Sabay naming tanong.


Biglang may tumapik-tapik sa balikat ko. Ka gwapong nilalang!


Syyyeeeeet! Ang gwapo. Nakaka bakla 'to.


Patay na! Galing ba sa kanya yung mga red roses? Bigla akong napanghinaan ng loob, kung ako nga nagwapuhan sa lalaking to, pano pa si Lexi? Ayaw kong makita ang reaction nya ngayon.


Kasi alam ko naman kinikilig sya. Ngayon na para nya ng nakita sa personal ang kanyang super ultimate crush since birth pa ata--- Leonardo DiCaprio.


Pero...


Kabaliktaran yun ng reaction ngayon ni Lexi. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit. Parang pinag sasampal na nga nya sa pamamagitan ng titig lang ang Amerikanong may pagka ngiting aso.


Abstract Ka KasiWhere stories live. Discover now