Lance Luna p. 2

8 1 0
                                    


Lance POV (2/8)



Isang pinong kurot na naman ang naranasan ko sa kuko ng babaeng 'to kaya napahiyaw ako ng umaatikabong 'araayy!!'


Kaya ko napagkakamalang bading eh aside sa wala pa kong gf eh, napapatili ako kapag kinukurot nya ko.


Hoy, Alexandra!


Sigaw ko rin sa kanya.


" Hindi mo ko pinapasweldo ha. Sinuswerte ka? May personal masahista?"


"Oy, sino kaya ang taga kamot pag hindi ka makatulog"


"Ah ganun, sumbatan pala ito. Sino laging nagbabayad ng bill sa resto pag kkb? Ha ha patawa, kkb daw."


"Eh ikaw naman maraming inoorder saka malakas kumain. Busy nga sa gym pag tapos naman tambay sa resto. Ha ha

Sino mas patawa ngayon?"


"Sige, seryosohan na. . ." hamon ko kay Lexi.


Mukhang seryoso rin sya. Naku, maraming sumbat 'to kapag seryosohan na ang usapan.


"Sinong bumili nung ice cream nung naglilihi ka?"


Tahimik sya bigla. Napikon yata.

Sorry naman. Wala kasi ko maisip.



"So, napakalaking bagay pala ng pag bili ng ice cream. Oy Lando, nagke-crave ako nun hindi naglilihi. Magka iba yun. Maalala ko nga pala, 

Di ba may starlet wannabe na habol ng habol sayo, tapos para tantanan ka, ako yung pinakilala mong gf. May pagka engot yun ha, akalain mo ba naman na maniwala, umiyak pa! As if naman na magbo- boypren ako ng isip-bata. At in-fairness talaga, wala akong natanggap na talent fee."


Yeah you heard her right...


Kahit pangit ako( paulit-ulit?) Habulin naman ako ng chicks. Madalas ngang magselos si Lexi... Ramdam ko namam yun.


Ako rin naman, mas madalas pa nga eh. Marami kasi syang suitors. Pero hindi na nakakalapit sa kanya.


Sakin pa lang hindi na pasado. Kapag gwapo binabagsak ko kagad sa screen test. Tinatakot ko.


Kapag mukhang tukmol pasado

Pwede nyang maka date. Mas pangit mas the best. Yun bang mayabang, maraming kapintasan sa ugali. Yung alam kong hindi nya magugustuhan.


Kaya hindi ko na kelangan pang ligawan sya. Para naman kaming mag bf na. Sa katunayan madalas kaming matulog na magkatabi, minsan sa bahay ko pero madalas sa bahay nya.


College pa lang kami independent na kami. Ako ulilang lubos pero may older sister akong model sa Thailand.


Si Lexi naman, anak ng Amerikanong sundalo na hindi man lang nya nasilayan. Tanging ang Williams na last name nya lang ang naiwang alaala nito sa kanya.


Ang naalala na lang nya meron na syang mabait na stepdad na Amerikano rin. Naiwan sya dito sa Pilipinas para mag aral.


Kaya eto, kami lang talaga ang nakaka unawa sa isa't isa.


Madalas pinag luluto nya ko. Pinag huhugas. Pinag lalaba, ng libre. Kasi nga painter ako, mapapasma ang aking kamay. Kaya kung utang na loob, marami ako sa kanya nun. At wala akong maisusumbat.


Kaya handa akong magpa alipin sa pag ibig sa kanya habambuhay


Ang matino ko lang magagawa para sa kanya ay masahiin sya. 

At eto nga hihirit pa ng whole body massage.


" Please, masahiin mo naman ako sa bahay mamayang gabi para masarap tulog ko."


" Ayaw. Kahit anong pilit mo. Kandado susi."


Ayaw ko talaga. Baka kasi medemonyo ako eh. Hindi ko alam kung paano mako-control ang sarili ko kapag minasahe ko sya ng dalawa lang kami at sa loob pa ng kwarto nya. Nung last ko kasing ginawa yun. Muntik na talaga eh.


" Sige na please?"


Hay ang cute nya mag makaawa. Pero hindi. Para yun sa ikabubuti nya.


" Sige. Kung ayaw mo talaga, kay Panchong na lang."


Anak ng! Si Panchong? eh manyak yun.


"Sige na. Kahit biro wag mong maisip na magpa massage dun ha. Baka anong gawin sayo nun."


Tinawanan nya lang ako. Alam ko naman na hindi rin nya yun gagawin.


Ewan ko ba. Yung thought na may ibang lalaking humahawak sa kanya, really makes me feel mad. Feeling ko, ako lang ang may karapatan sa kanya.


Nakaka awa naman talaga sya. Sobra na syang stressed sa kaka kayod para sa kumpanya nya.


Medyo ma pride din eh. Kayang kaya ko naman syang suportahan. Lahat naman ng pag sisikap ko ay para sa kanya rin.


Sya lang ang may ayaw, gusto raw nyang palaguin ang business na ito sa sarili nyang sikap. Para walang masabi sa kanya ang kanyang wicked step brother.

Abstract Ka KasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon