Lance p. 4

4 1 0
                                    


Lance POV (4/8)


Lancelooot!


Nangarag ako sa sigaw nya. Napabalik ulit tuloy ako sa reality. 


"Oy Lance. Uwi na tayo."


Gabi na nga. Hindi ko namalayan ang oras. Parang kaka dinner lang namin kanina tapos 10:12pm na pala.


"Sige, hatid na kita. "


"Tama. Kasi ihu-whole body massage mo pa ko eh. Wala ka namang pininta ngayon saka hindi ka rin nag turo. Mag hapon ka nga nandito di ba? Kaya hindi ka mapapasma. "


"Oo na nga di ba? Di ba? Atat na atat? "

Sabi ko. At syempre as usual dun ako matutulog. Matic na yun.


Pag labas namin ng office nya. Naabutan namin si Shiela na natutulog sa desk nito at naalimpungatan ata dali-daling napatayo.


Super loyal nitong secretary nya. Hindi umuuwi hanggat nasa Office pa si Boss.


"Halika na. Sabay ka na samin."


Yaya ko sa kanya.


" Yeah, Shiela. Ihahatid ka na namin." Sabi naman ni Lexi. 


After naming ihatid si Shiela, derecho na kami sa bahay ni Lexi. Ewan ko ba. Lagi naman akong nandito sa bahay nya pero this time, kinakabahan ako.


Pag ka tapos kong ipark ang kotse sa garage, bigla na lang syang sumalabay sa likod ko na parang bata. Yun bang tulad ng napapanuod sa koreanobela na pasan-pasan ng lalaki yung babae sa likod nya. Piggyback ata yun. Ang cheesy daw ng meaning nun.


Para sa akin, pagpapahirap ang meaning nun. Kasi ba naman hanggang sa pagbukas ng pinto, (may duplicate ako ng lahat ng susi ng kwarto sa bahay nya) hanggang sa pag akyat ng hagdan, buhat buhat ko sya.


Pag dating namin sa master's bedroom dun lang sya bumaba sa likod ko.


Sa pinto dun na namin tinanggal ang mga sapatos. Sinuot ko ang pink na slippers. Akin yun eh. Kay Lexi yung blue... Hate kasi nya yung pink. 


Wala naman akong reklamo kahit tingin ko masagwa ang pink sa kayumanggi kong balat. Sabi kasi nila real men wear pink.


Anyways... Eto na si Lexi biglang nag dive sa kama nya. Mukhang pagod na pagod.


Magpapahinga lang daw sya saglit at magsha- shower na.


Napalunok ako... Dumudumi na naman ang isip ko.


Then bigla syang bumangon and uttered a prayer...


Siguro, pinag pray nya ko... Kasi Parang biglang luminis yung pag iisip ko.

Abstract Ka KasiWhere stories live. Discover now