Lance p. 7

4 1 0
                                    


Lance POV (7/8)


Parang pumu-push up yung puso ko sa sinabi nya. Tahimik ako bigla.


"Hala ang slow... Ang ibig kong sabihin---"


"Bakla ako. Oo na, bakla ako. Whoohu. Echoserang 'to."


Ako naman ang nababad trip. Lakas kasi nya mang asar. Umasa pa naman akong crush nya na ako. 


"Si Kiel, kamukha ni Leonardo? Ang layo ha."


"Edi ni Jude Law na lang." Sabi nya.


Eh isa pang crush nya yun eh. Maka alis nga muna. Ka bad trip eh.


"Oy, san ka punta Lando?"


"Sa CR, maliligo. Sama ka?"


Inirapan nya lang ako. 

Saglit lang ako naligo at pag balik ko, naabutan ko syang ipinapasok ang susi sa doorknob...


Sht! Susi yun ng mysterious room ko. Kaya agad ko yun binawi. Wala naman na syang angal.


Matagal ko ng pinaliwanag sa kanya na nakakatakot dun kasi nandun yung ashes ng parents ko kaya masyadong private ang room na yun. Ngayon lang sya uli na curious dahil sa cute kong keychain. 


Nag paalam akong pupunta muna sa art school. May klase pa kasi akong tuturuan. Ilang oras lang naman.


Ilang araw sya sa bahay ko mag i-stay. Nandun kasi si Kiel sa bahay nya.


I advice her na mag leave muna sya sa work. Kelangan nya yun.


Pag balik ko galing sa art school...


Binalita ko kagad sa kanya na sold na yung abstract painting ko. Ayaw ko sana ibenta kaso doble ang binayad sakin. Hindi ko maresist. Next month pa naman kukunin. Pero nagbayad na ng cash!


She just smiled.


Parang may nag bago sa kanya... Ang sweet sweet nya ngayon. Parang nakalimutan nya bigla si Kiel.


Buong mag hapon lang naman syang naka harap sa laptop. Napaka workaholic, kahit saan dinadala ang trabaho.


Meron syang pinakitang email sakin. Galing sa isang unknown sender.


"Alam nyang on the rocks ang kumpanya ko at meron syang offer. Babayaran nya ko sa malaking halaga. Enough to save my business. " She told me.


So yun pala ang dahilan kung bakit sya masaya.

" Oh... Anong gagawin mo? Indecent proposal ba yan?" Tanong ko.


" Parang ganun eh. Sabi nya gawan ko raw sya ng adult book. Matured. Alam mo na. Rated SPG. Eh pano ko gagawin yun eh, children book ang forte ko. "


" Ang laki ng problema mo. Edi mag search ka sa internet. Marami dun."


"Ang gusto nya orig. Yung mismong experience ko. Eh hello, alam mo namang kahit first kiss wala ako."


"Edi, iturn down mo na lang."


"No. Sayang eh. Saka parang inamin ko na rin sa sarili ko na wala akong kwentang writer na hindi marunong mag sulat. Hindi kaya kay Kiel galing to?"


" Siguro... So ano ng gagawin mo?"


Tumingin sya sakin... Dahan-dahang lumapit.


"Gusto ko tong challenge na to... Ikaw lang ang makakatulong sakin."


Abstract Ka KasiWhere stories live. Discover now