Chapter 2

53 4 0
                                    

Amethyst's POV

Uwian na buti nalang hindi na ako pinagalitan ni Sir Melvin kanina kundi tatalon na ako sa building charot.

Baka mamatay ako nasa fourth floor pa naman kami. Baka paggising ko pinaglalamayan na ako tapos cause of death ko PINAGALITAN NI SIR.

Nakakahiya naman sa mga dadalo sakin.

Nakalabas na ako ng school at nandito na ako sa waiting shed. Dito ko kase hintayin si kuya, baka pagalitan na naman ako nun kung saan saan na naman ako pupunta masungit pa naman yun.

Adam Rafael Serrano nga pala ang pangalan ni kuya ang pinakamalaking dragon sa buong mundo hehe.

Mga ilang minuto na ako naghihintay wala parin si kuya kaya tinext ko nalang siya.

To:KuyangDragon
Message:kuya nasan kana?

From:kuyangDragon
Message:OTW. Wait for me.

Hindi kona sinagot ang text ni kuya at umupo nalang dito para hintayin siya.

Hindi naman nagtagal at nandito narin ang dragon ay este si kuya.

Huminto na ang kotse at sumakay na ako passenger seat. Sinarado kona ang pinto at sinuot ang seat belt ko.

"How's your school?" Tanong ni kuya habang nagmamaneho.

"Okay naman."sabi ko.

"Kuya."

"Huh?"

"Tsk. Marami namang asin sa bahay amethyst."ano daw?anong kinalaman sa asin sa pinag-uusapan namin ni kuya, baliw na siguro siya.

"Anong connect don sa pinag uusapan natin?"

"Stupid." bulong niya.

Akala naman niya hindi ko narinig hmm.

"Pinalaki tayo ni lola na maging magalang amethyst."ay oo nga pala gets kona. Ang tanga tanga mo talaga amethyst.

Sorry naman, tao lang. Lahat naman tayo nagkakamali diba.

"Hehehe sorry kuya nakalimutan ko lang."sabi ko sabay peace sign.

Wala na siyang sinabi pa at tanging pag-iling nalang ang ginawa niya. Sinandal ko nalang ang ulo ko at humarap sa bintana.

Naalala ko tuloy si lola. Patay na kase siya, dahil nadin sa sobrang tanda nya, halos hindi na makalakad at nanghihina na. Yayain ko sana si lola noon sa kwarto niya para kumain pero hindi niya ako sinasagot. Kaya pinuntahan ko siya sa kwarto niya at nakita ko doon si lola na naka higa na sa sahig at walang malay. Kaya bumaba ako para tawagin si mama para dalhin siya sa hospital. Ilang araw ding nandon sa hospital si lola bago siya binawian ng buhay.

Hayst. Tama na baka maiyak ako.

Habang nagbabyahe kami ni kuya, may nakita akong nagtitinda ng ice cream.

Gusto ko ng ice cream. Baka naman kuya.

Hindi pa kase ako kumain kanina kaya nagugutom ako. Bwiset naman kase si Sir Melvin pina office ba naman ako, tapos yung lalaking gwapo na masungit kanina pinahiya pa ako yan tuloy hindi na ako naka kain.

Hindi na ako nakatiis at sinabi kona kay kuya ang gusto kong sabihin.

"Kuya gusto ko ng ice cream."

"I have no money."ano bayan ngayun lang ako magpalibre kay kuya wala pang pera.

"Cge na kuya please." pagmamakaawa ko kay kuya.

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now