Chapter 4

37 4 0
                                    

Amethyst's POV

limang araw nadin ang nakalipas simula nung dumating ako sa section D.

Alam nadin ni kuya na nasa section D na'ko. Ako sana ang magsasabi kay kuya kaso lang inunahan na'ko ni Sir Melvin.

Juskoo parang papatayin ako ni kuya non kala kase niya nag-aaral ako ng mabuti, akala din niya hindi ako natutulog sa klase pero nung nalaman niya ang lahat ng totoo parang papatayin na ako ni kuya non.

Nagiging dragon siya beh.

Buti nalang nandiyan si mama, hindi ako maaapi ni kuya.

Nandito na ako sa gate ng skwelahan namin. Habang naglalakad ako, nagtitinginan ang mga estudyante saakin at naririnig korin ang mga bulungan ng mga ito.

"Diba siya yung babaeng napunta sa section D."

"Ang ganda niya pero bakit siya napunta don?"

"May kasalanan siguro siya kaya siya napunta don."

"Sigurado akong pahihirapin siya ni lucas."

Yan yung mga naririnig kong bulungan nila.

Ewan koba kung bakit ang hilig nilang mangielam sa buhay ng ibang tao. Hindi ba nila kayang ichismis ang sarili nilang buhay?

At isa pa bakit naman ako pahihirapin ni luca- este yang si Mr. Balmond nayan? Wala akong pake kung ano ang gawin nila saakin, kaya ko namang lumaban.

Gusto mo labanin kita? Jwk.

Pagpasok ko palang dito sa classroom laking gulat ko nang biglang sumulpot si xian.

Siya yung katabi ko na nasa kanan at si jayvie naman sa kaliwa.

Ang dalawa pang mokong katulad nung boss daw nila na si Mr. gwap-este si Mr. balmond pala sorry.

Oo balmond ang tawag ko sa kanya kase trip kolang hehe.

Umupo na ako sa upuan ko at nilabas ang notebook ko para sulatin ang mga  hindi kopa nasusulat. Malapit na kase ang exam kailangan may mga nakasulat dito sa notebook ko para may pang review ako diba.

Hiniram ko na muna ang notebook ni jayvie. Medjo makulit din ito, pareho sila ni xian kaya minsan napapagalitan din ako dahil sa kanila.

Buti nalang mababait tung dalawang to hindi katulad ng mga iba naming kaklase juskoo para silang bulateng naasinan ang kukulit nila at ang iingay.

Tapos yung boss nilang si Mr. Balmond  naka upo lang na parang walang nangyayari sa paligid niya.

Tapos yung presidente nila si david my bebekez ganun din ang ginagawa. Hindi ba sila  kumakain? Wala kase silang energy para silang namatay tas muling nabuhay jwk.

*

Kringggggggggg.

Meryenda time na kaya naman bumaba na'ko at tumungo sa cafeteria. Nang makabili na'ko ng makakain lumabas na'ko. Habang naglalakad ako biglang may bumangga saakin at nahulog ang hawak kong pagkain.

Tinignan ko ang bumangga saakin pero hindi kona makita kaya pinulot ko nalang ang pagkaing nahulog at ipapakain nalang ito sa sao.

Buti nalang may aso dito sa likod ng cafeteria.

Aso ni Mr.Guard yung masungit kala mo naman principal juskoo.

Habang pinupulot ko ang ang mga nahulog na pagkain biglang may lumapit saakin at nakipulot din.

Tinignan ko ito kung sino.

Si max isa sa mga mokong, kaklase ko.

"Tulungan na kita."sabi niya. Tumango lang ako at ngumiti.

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now