Chapter 12

29 3 0
                                    

A/N: sorry late update:) nung undas pa to hehe.



Amethyst's POV

May naamoy akong hindi maganda. Oo meron! Kakaiba siya ngayon! Hindi gaya noon at kahapon na napaka sungit niya sa 'kin!

May mali ba? May sakit ba siya? Omg.

Simula kase nung nag-away sila ni david ay kakaiba na siya. Hindi na siya yung dating lucas na masungit at redflag.

Parang naging green flag siya bigla. Kanina pa niya kase ako kinukulit tapos ang bait niya sa 'kin. Oo sa 'kin lang.

Kaya nga nagtataka yung mga mokong dito sa balmond na 'to dahil sa inaasta niya.

Naglalakad kami ngayon dito sa hallway galing sa cafeteria. Kanina pa niya kase ako sinusundan tapos nilibre pa niya ako ng pagkain. Seryoso. Ikaw ba talaga yan balmond?

Tumigil ako sa paglalakad at ganon din siya. Kumunot ang noo at humarap sa kanya.

"Alam mo, nakakahalata kana."

"Why?"saad nito habang nakataas ang dalawa nitong kilay.

"Kase hindi ka naman ganyan dati a . Noon ang sungit sungit mo sa 'kin tapos ngayon ang bait mona, nilibre mopa ako. Ikaw ba talaga yan?"

Tumawa naman ito habang naktitig sa 'kin. Pero teka may kakaiba sa titig niya. Kakaiba talaga.

"Masama bang bumawi sa nagawa ko sa 'iyo kahapon?"

"H-hindi naman pero naw-weirdohan kase ako sayo pati yung mga mokong na kagaya mo nagtataka na sa inaasta mo."nawala naman ang ngiti nito at kumunot ng noo.

"What did you say? Mokong?"hala nadulas ako sorry. Hindi dapat niya kailangan malaman yun siguro ako magagalit to.

Cge magalit ka. Ilabas mo yung tunay na ugali mo. Huwag mong itago!

Napalunok nalang ako sa umiwas ng tingin at naglakad palayo. Bahala na kung susundan niya ako. Charot.

Nakarating na nga ako dito sa room namin at umupo sa upuan ko. Tumahimik agad si xian nang pumasok sa loob si balmond.

May sapi ata.

Naglakad si balmond sa harap at hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Galit siguro dahil sa sinabi ko kanina.

Yan nagalit. Ipakita mo kung sino ka.

Kakainin kona sana ang hawak kong pagkain nang bigla nalang dumating si Ma'am Kizzel. Tinago ko nalang ito sa bag ko at kakainin nalang mamaya pag nagutom.

Kung ano-ano lang ang diniscuss nito na hindi ko naman naiintindihan kase naman tong katabi ko ang tahimik hindi ko tuloy maiwasang ma curious.

Bahagya akong lumapit kay jayvie dahil may itatanong ako dito.

"Anong nangyayari kay ian?"bulong na tanong ko kay jayvie.

Kumunot naman ang noo nito at takang tumingin sa 'kin.

"Sinong... ian?"

"A-a i mean si xian."saad ko at ngumiti.

Pasimple namam itong tumingin kay xian at tumingin sa 'kin.

"Hindi ko alam, simula kahapon ganyan na siya."

Tinignan ko si xian ngayon na nakatalikod at nakatitig kay balmond at nakakunot ang noo. Ang totoo? Galit ba siya kay balmond o di kaya may nakikita siya na hindi ko nakikita? Kaaway kaya? Baka naman multo!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now