Chapter 11

33 2 0
                                    

Amethyst's POV

Ang sakit sa tenga 'yung bunganga ng mga mokong na 'to. Bakit ba kase dito sila naglaro tsng ina naman oh. Imbes na magpahinga ako para may lakas pumasok mamaya tapos babadtripin lang ako ng mga 'to.

Meron diyang naka higa sa sahig, nakataas ang dalawang paa sa upuan, nakaupo sa sahig, nakatayo na parang baliw. Jusme naglalaro lang naman ang mga 'yan sa cellphone nila, kailangan pang mag-ingay.

Nakakabadtrip na kanina pa ang mga yan simula nung recess. Hulaan niyo hindi sumulpot sa klase ang mga yan para lang mabantayan daw ako! Grabe ba.

Ginawa pa 'kong excuse ang mga mokong na 'to tapos maglalaro lang naman pala dito. Akala koba babantayan nila 'ko eh bakit sila nakatutok sa cellphone!

Selos na 'ko! Charot!

"Tsng ina naman max galingan mo naman mamamatay na tayo dito oh!"galit na sabi ni clyde.

"Gago sandali lang kase ang hirap kaya, tignan mo ang daming kalaban gago."saad naman ni max.

"Tsng ina niyo ako papatay sa inyo."saad naman ni samuel.

"Mag concentrate nga lang kayo mga punyeta pareho tayong mamamatay lahat kung daldal kayo ng daldal."saad ni gavin.

Wala ng nagsalita sa kanila at nagpokus nalang sa paglalaro. Pero Pare-parehong natigil ang tatlo nang may tumawag sa cellphone ni kaizer. Sandaling sinagot ni kaizer ang tumawag at pinatay din ito agad.

"Tsng ina naman kaizer kanina pa tawag ng tawag yang gf mo talo na tuloy tayo."saad ni samuel.

"Malay ko bang tatawag, eh miss na 'ko ng gf no.1 ko."pasimple akong tumawa sa sinabi nito.

Gf no.1 daw ibig sabihin meron pang kasunod? Grabehan buti ba siya may love life. Samantalang ako kahit isa wala.

Natigil ang pagtatalo ng apat nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito ang nurse na may hawak na isang tray na may lamang basong tubig at gamot.

"Nakapag meryenda kana ba?"tanong nito sa 'kin.

"Opo."tipid na sagot ko.

"Dito ka muna hanggang alas tress gagamutin pa natin mamaya yang sugat sa labi mo at para makapagpahinga ka narin."

Tumango naman ako bilang sagot. Inilapag nito ang tray sa lamesa at kinuha ang basong tubig at gamot tsaka binigay sa 'kin. Kinuha ko naman ang mga ito at tsaka ininom.

Pagkatapos ay ibinigay ko sa kanya. Nginitian naman ako nito kaya nginitian kodin. Tumalikod ito at nilagay ang hawak sa tray.

"Tawagin molang ako kapag may kailangan ka, huwag kang mahiya. Tsaka kung may ginawa tong mga apat na body guard mo may injection ako don."saad nito sa 'kin at ngumiti.

Kumunot naman ang noo ng mga kaklase ko at tinignan ng masama ang nurse. Isa-isa din silang tinignan ng nurse at nginitian.

"Grabe naman to, body guard agad."bulong ni max.

"Naririnig kita Eren Max Janckson."

"Wow kailangan talaga full name?"iritang saad ni max.

Napamewang naman si ateng nurse at salubong ang kilay nitong tumingin kay max na nakaupo sa sahig.

"Eh anong gusto mo Mr. Janckson? Mr. Max? Mr. Eren?!"

Nangasim naman ang mukha ni max at umiling ng paulit-ulit.

"Ano bayan nakakadiri naman yung Mr. Eren... Pwede namang..." tumingin ito sa baba at hinarangan ang gilid ng kanyang mukha gamit ang kanyang palad. "Baby."

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now