Chapter 10

30 3 1
                                    

Amethyst POV

Kakarating kolang ngayon sa skwelahan. Sakto namang papasok na si xian sa gate at buti nalang nakita niya 'ko kaya sabay na kami ngayon papasok sa classroom.

Bigat na bigat panga ako sa bag ko dahil sa mga chocolates na dala ko.

Baka pasalubong yan!

Bibigyan ko kase yung mga kaclose ko o di kaya sa mga may gusto nalang. Papapahawak ko sana kay xian kaso wag nalang nakakahiya naman.

Tanaw na namin ang classroom namin pero natigilan kami sa paglalakad nang makita naming nagkakaguluhan doon. Pareho kaming tumingin sa isa't-isa ni xian pero parang siya wala ring alam sa nangyayari.

Malamang nagkasabay kayo!

Tumakbo na 'ko papunta don. Pagkarating ko ay nakisiksik ako sa mga tapng nanonood para makita ang nangyayari. Pagkarating ko sa harap ay nagulat na lamang ako nang makitang nagsusuntukan si david at si lucas.

Natamaan sa suntok ni lucas si david kaya sa sahig dumiretso si david. Dumodugo narin ang gilid ng labi nito pero may lakas parin siyang tumayo at sinuntok si lucas.

"Uy tama nayan!"

"Mga gago mamaya guidance na naman 'to."

"Awat na tama nayan!"

"Tawagin niyo na si Sir Melvin o si Ma'am Kizzel."

"Hindi pwede, lagot tayo kapag tinawag natin sila."

"Awatin niyo nalang kung ayaw niyo!"

May umaawat narin sa kanila pero hindi parin tumitigil ang mga ito. Nakisiksik narin si xian at tumabi sa 'kin at nakinood.

"Jane awatin mo sila."saad ni xian. Kunot noo ko naman itong hinampas sa braso.

"Bat ako? Mamaya madamay pa 'ko diyan."inis na sabi ko.

Mahirap na baka mamaya uuwi akong maraming pasa. Ipapatransfer pa 'ko tang inuh. Ano bang pwedeng gawin sa mga 'to! Hayst bwisit.

"Cge na jane, ikaw lang ang pwedeng makapag pigil sa mga yan...  Bahala ka, kung ayaw mo guidance na naman 'to at pati ikaw madamay."

Oo nga no. Kapag nakita to ni Sir Melvin lagot na naman kami nito, another bad records na naman. Hayy nakakastress ano ba pwede kong gawin bwst. Tsk bahala nanga!

Bahala na si batman!!

"Hoy itigil niyo na 'yan!"sigaw ko sa kanila pero patuloy parin ang mga ito sa pagsusuntukan. Tinignan ko si xian habang naka kunot ang noo.

"Ayaw parin tumigil xian anong gagawin?"

"Edi sigawan mo ulit o 'di kaya lumapit ka sa kanila at awatin mo."

"Pa'no kung pati ako nadamay ha?!"

"Edi kasalanan mona 'yun."

"Gago ka pala eh."

Minsan masarap 'tong kutusan eh, pasalamat siya gwapo siya kung hindi matagal ko nang nasampal to.

Itong dalawang lalaki naman kase agang-aga nagsusuntukan tang ina. Hindi ba pwedeng mamaya nalang nilang gawin 'to?

Ano ba kaseng pinag-awayan nila at nagsusuntukan sa ganitong oras! Nakaka stress na jusko lord!

Wala akong choice kundi ang lapitan sila at awatin sila. Pagkalapit ko ay bigla nalang may tumama sa mukha ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Hinawakan ko ang pisngi ko dahil sa sakit.

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now