Chapter 8

27 4 0
                                    

Amethyst's POV

"Kuya bakit ba kasi?"saad ko habang hawak hawak niya ang kamay ko mapunta sa parking lot.

Potek nagkotse pa eh malapit lang naman ang bahay dito sa seven eleven.

Sayang gas.

Hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang siyang pupunta dito at sunsuduin ako. Nakakapagtaka lang kase ang laki ng mga hakbang niya. Parang makikipagsuntukan to.

Nang makarating kami sa kotse ay sumakay na ito sa driver's seat at ako naman sa passenger seat. Kahit nagtataka ay sinuot ko nalang ang seat belt ko.

Pinaandar na ito ang sasakyan tsaka pinatakbo ng mabilis. Oo beh mabilis. Mas mabilis pa sa flash.

Tang inuh feeling ko mamamatay na ako ng di oras dito. Lord patawarin niyo ako sa mga kasalanan ko. Sorry dahil maganda ako. Sana tanggapin niyo ako diyan sa langit.

Napapikit nalang ako habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa upuan. Hindi ko namamalayan unti unti nang bumagal ang takbo nito.

Dinilat ko ang mata ko at ganun nalang ang kunot ng noo ko nang makita kung asan kami.

Airport.

Ganito ba talaga ako kabusy sa lovelife para hindi malaman na aalis na kami dito sa pinas?

Wala pala akong lovelife.

Nang ihinto ni kuya ang kotse ay bumaba na ito. Tinanggal ko ang seat belt ko bago bumaba.

Naglakad papunta sa 'kin si kuya habang may katext sa selpon. Ilang saglit pa ay binulsa na niya ito at hinawakan ang kamay ko at naglakad papunta sa loob ng airport.

Ano ba talaga ang gagawin namin dito? Tng inuh naman wala akong kaalam-alam ha. Isama na narin yung kamay ko na namumula na dahil sa mahigpit na paghawak ni kuya dito.

Aray ko shet!

Tumigil si kuya sa paglalakad at ganon din ako. Inis akong tumingin sa kanya nang bitawan niya ang kamay ko.

Kinuha niya ang selpon niya sa bulsa at nag dial. Inirapan ko ito at tumingin sa kawalan.

"Hey where are you?"rinig kong saad nito sa selpon.

"... yeah. Okay. Kasama ko si jane. K."

Binaba na ito ang tawag at pagkakataon na ito para kausapin ko siya. Magsasalita na sana ako nang bigla nalang may lalaking sumigaw sa malayo.

Napatingin ako dito at nakangiti itong papalapit sa 'min. SA 'MIN?

Nagtataka akong tumingin sa kanya at ngayon ay magkayakapan na sila ni kuya. Wew.

Blanko parin ang utak ko kung sino tong lalaking to. Pero aminin gwapo siya may kahawig ngalang.

Si fiore na mukang manok.

Bumaling ang tingin nito saakin habang nakangiti.

"Hey jane, kumusta?"tanong nito. "... laki mona ah!"patuloy nito.

Kilala niya ako? Pero hindi ko siya kilala. Tumaas ang isang kilay ko at nag cross arm.

"Excuse me? Hindi kita kilala."mataray kong sabi.

Kumunot ang noo nito at tinuro ako sabay tingin kay kuya.

"Tinatarayan ako?"sumbong nito kay kuya. Tsk parang bata.

Tumawa naman si kuya at paulit-ulit na umiling.

"You don't remember him?"tanong nito saakin at umiling naman ako.

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now