Chapter 9

28 2 0
                                    

Amethyst's POV

Alam niyo yung feeling na excited at masaya na para bang pupunta ka sa gala kasama mga kaibigan mo tapos napayagan ka?

Ganyan ang nararamdaman ko ngayon mga sis. Parang panagunip lang ang lahat ng to. Grabe minor palang ako magkakakotse na ako.

Pero hindi pa ngayon tuturuan pa ako ni kuya fiore ngayon kung paano mag drive. Pero ang totoo niyan alam kona kung paano mag drive ng kotse.

Nagkakamali sila. Naiimagine kona kapag sinimulan ko ng mag drive mamamangha saakin si kuya fiore tapos papalakpak siya kase ang bilis kong matuto. Tapos agad agad na akong bilhan ng kotse oh diba ang saya.

Palabas na kami ngayon ng bahay ni kuya fiore dahil sisimulan na daw niya ang pagtuturo saakin. Pero hindi dito sa malayo niya tuturuan.

Habang nakasakay sa kotse niya ay tumingin tingin ako sa labas. Unti unti kasing hindi nagiging familiar ang lugar. At nakarating na kami dito sa mahabang kalsada na kaunti lang ang mga dumadaan na sasakyan at puro lupa lang ang nakikita. Walang bahay kahit isa.

Huminto ang sasakyan at bumamaba si kuya fiore kaya bumaba narin ako.
Luminga-linga ako sa paligid dahil sa lawak nito at kagandahan. Puro damo ang makikita mo at pahabang kalsada. Siguro ito yung sinasabi nila na gagawin nilang subdivision?

Hindi ko alam basta narinig kolang. O diba chismosa ang anti niyo.

"Are you ready to learn how to drive?"biglang tanong ni kuya fiore.

Tinignan ko naman ito ay nginitian.

"Ako pa, reding ready to no!"masiglang saad ko.

Pinag-apir niya ang kanyang mga palad. "Okay then, simulan na natin. Let's go."saad nito bago sumakay sa kotse at umupo sa inupuan ko kanina.

Kumunot ang noo ko at kumatok sa bintana. Binaba naman nito ang bintana at bumungad ang mukha nito habang naka taas ang dalawang kilay.

Mukhang manok.

"Saan ako uupo!?"masungit kong tanong.

"Tsk stupid."bulong nito at umiwas ng tingin.

"Dito ka uupo."turo nito sa driver seat."... Dahil ikaw mag dadrive. Gets?"

Napa "o" naman ako at patakbong pumunta sa kabila at binuksan ang pintuan tsaka umupo sa driver seat.

Tinuro nito sa 'kin kung paano andarin ito bago patakbuhin. Nang umandar na ito ay saka ko ito pinatakbo ng mabilis.

"Jesus christ!"gulat na saad nito.

Napangiti nalang ako ng palihim nang bigla itong kumapit sa magkabilang gilid nito at gulat na gulat ang mukha.

"Jane, hey! Stop the car! What the f'ck!"

Bumilis na nang bumilis ang kotse kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Inikot- ikot ko ang manibela dahilan para iba-iba ang direksyon nitong pupuntahan. Nataranta ako kaya naman ay pagkapreno ko ng kotse ay bigla nalang nauntog si kuya fiore.

Tanga 'di nag seat belt.

"Ouch."bulong nito habang hawak hawak ang ulo.

Napansin kong may konting bukol ang tumubo. Naawa ako bigla kaya naman ay naghalungkat ako sa kotse niya na pwedeng gamitin na kahit ano para sa bukol niya pero wala akong nakita.

"Uy okay kana?"tanong ko bigla sa kanya.

Bumaling ito sa 'kin. "Hindi, may bukol na ata ako wala na ang gwapo ko."malungkot nitong sabi.

The Only Girl In Section D (On Going)Where stories live. Discover now