CHAPTER 12

2.4K 43 7
                                    

Chapter 12: The marriage proposal

"BAKA may iba pang paraan? A-Ako ang naiipit dito, eh..." Nag-iwas ng tingin sa akin si Alked, dahil maski siya ay wala na rin talagang ibang maisip pa. Kundi ang makipag-deal na lang talaga kay Keo Herron Fortalejo.

Noong una ay may galit talaga ako sa kanya dahil sa pagnanakaw rin nila ng mga sculpture ni tatay pero bakit mukhang siya pa ang tutulong sa amin? Kung tatanggapin ko nga ba ang deal niya? Saka offer na ba iyon?

"What's your deal then, Keo? Siguraduhin mo na makatutulong itong deal mo," saad ni Alked. Keo tilt of his head towards me then he flashed his smirk. Nakakainis na talaga siya.

"That's an offer actually. If you're going to agree with my deal, Miss. Tutulungan kitang mahanap ang impostor at makalalabas ang tatay mo mula sa kulungan. Hindi lang iyon, kukunin ko ang tatay mo as official artist of the team. Ibabalik ko ang 50 percent ng income ng production na na-release namin last two months but in one condition..." sabi niya at sinadya niya talaga na ibitin ang mga salitang iyon.

"Let's get straight to the point," I uttered as I clinched my teeth. May paligoy-ligoy pa siya. Ibibitin pa talaga niya. Mas gusto ko ang diretsahan na niyang sabihin talaga. Paiikutin pa niya ako, tsk.

"Be my brother's wife," he said at diretsahan na nga niyang sinabi iyon na halos hindi pa mag-sink in sa utak ko ang pinagsasabi niya.

What? Be my brother's wife? Sino'ng kapatid niya? Ano'ng...

"What the heck, Keo!" hysterical na sigaw ni Alked at napatayo pa siya sa gulat. Hayan na naman ang malakas na tawa ng lalaking ito.

"Chill, Alked. Ang tinutukoy kong kapatid ko ay ikaw," natatawang sabi pa ni Keo at bakit tuwang-tuwa pa siyang paglaruan kami?! "You can do that, Ms. Celestial? I will set your father free in exchange you need to marry my brother. That's my offer and my deal. Take it or leave it."

Halos mag-init ang magkabilang pisngi ko dahil talagang inulit pa niya. Sa dami ng kapalit ay bakit iyon pa? Bakit ang pakakasalan ko pa ang kapatid niya? Wala na ba siyang ibang naisip na paraan? Kundi ang kasal?!

"Ginagawa mo lang ba na isang laro ang pagpapakasal, Mr. Fortalejo? Alam mo na napakaimposible ng pinagsasabi mong kasal. Hindi ko kilala ang kapatid mo at--"

"Naniniwala ka sa love first before marriage? Ms. Celestial, puwede mo namang mahalin ang isang tao kahit kasal na kayo," putol niya sa sasabihin ko sana. Okay sana kung kilala ko na talaga ang kapatid mo, eh. Epal mo masyado.

"Imposible," sabat ko. "Maliban ba sa pagpapakasal na iyon ay may iba ka pa bang puwedeng pagpilian ko?" Pasimple ko pang pinagdikit ang hintuturo ko. Umaasa na mayroon pa talaga siyang puwedeng i-offer sa akin.

"There is, Ms. Celestial," sabi niya.

"Ano?" tanong ko.

"If you can't marry Alked, then marry me instead," he said. Kung makapagsalita siya tungkol sa kasal ay akala mo naman napakadaling gawin iyon!

Imposible talaga ang pinagsasabi niya at ginawa pa niyang komplikado! Pareho lang naman iyon, ah! Ang pakasalan ang kapatid niya o siya mismo!

"Wala na bang iba? Paano mo nasasabi 'yan? Puwede mo namang ibigay sa akin ang sketching book, eh. Para tapos na ang problemang ito. Pinapa-stress mo lang ang sarili mo at ginagawa mo lang din na komplikado ang lahat," utas ko.

"Wala. Iyon lang ang maitutulong ko sa 'yo. Pareho lang naman tayo ang makikinabang dito, Ms. Celestial," wika niya na sinabayan pa nang pag-iling.

"Ang pakasalan ang isa sa inyo? Wala pa sa isip ko ang magpakasal sa isang..." I looked at Alked na naghihintay rin na dugtungan ko ang mga kataga ko. "Sa isang tao na hindi ko pa lubos na kilala," pagtatapos ko at umiwas ulit ako ng tingin sa kanya.

The Wife's Illusion (Fortalejo Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now