CHAPTER 13

2.3K 43 0
                                    

Chapter 13: Father's approval

"Astralley..." nambabantang sambit nito sa pangalan ng pinsan at seryoso siyang tinitigan.

Gusto ko rin sabunutan ang buhok nito, eh. Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi niya. Ang daldal talaga ni Astralley, sarap tahiin ng bibig niya.

"Biro lang, Kuya," wika niya at nag-peace sign pa.

Tumingin sa akin si Alked at mag-iiwas sana ako ng tingin sa kanya. Kasi naman, bakit ang umaamo ang mukha niya kapag nakatingin siya sa akin? Ano ba talaga ang mayroon sa akin na napapansin niya?

"Puwede ba kitang makausap?" tanong niya sa marahan na boses. Tumango ako bilang pagsang-ayon at pinihit ko ang ulo sa direksyon ni Alley. Ang babaeng 'to oh, nakangiti na naman siya. Halatang nang-aasar na naman siya.

"Mauna ka na sa loob ng opisina ko, Astralley," utos sa kanya nito. Parang ang tanga niya sa sobrang lapad ng mga ngiti at ilang beses na tumango.

"Saan pala kayo magdi-date, Kuya Alked?" pahabol na tanong pa niya. Mariin na napapikit ako.

"Puntahan mo na nga lang si Tatay, Alley. Ang kulit-kulit mo," ani ko. Tawa lang ang isinagot niya at hindi na siya dumiretso pa sa opisina ng pinsan niya.

Iginiya na lamang ako roon ni Alked at tahimik na sumunod din naman ako sa kanya.

"Have a sit," sabi niya at inaya akong umupo sa sofa niya.

Ano kaya ang pag-uusapan naming dalawa, 'no? Tungkol kaya sa deal ng kapatid niya? Gusto na niyang umatras? Pero buo na rin naman ang desisyon ko na pumayag, eh.

Kahit hindi ko pa kilala ng lubos si Alked Herran ay nararamdaman ko naman na mabuti siyang tao. Mabait kahit mukha siyang suplado pero tahimik at seryoso lang din siya. Pero kung hindi nga siya ganoong klaseng tao ay bakit niya ako tinutulungan ngayon? Bakit pati ang kapatid niya ay kinakalaban din niya para lamang makuha namin ang hustisya para kay Tatay Jasper?

Saka... kung puwede naman... Kung posible nga na may magbago sa amin ang lahat ay bibigyan ko iyon ng oras, ng pagkakataon na magustuhan siya.

Pero mukhang hindi ako mahihirapan sa bagay na iyon. Napasapo ako sa aking dibdib. Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok nito. Naalala ko ang unang beses na makita ko siya.

Hindi ako naniniwala sa love at first sight. Dahil naisip ko noon na sobrang napakaimposible pero ngayon... Mukhang maniniwala na ako. Naramdaman ko na kasi ito bigla, ng hindi ko inaasahan.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin, may bahid na pag-alala sa kanyang boses. Tumango ako at kumuha pala siya ng bottled water. Binuksan niya ang takip no'n at ibinigay niya sa akin. Sa simpleng gesture niya lang ay nagwawala na agad ang sistema ko.

Hindi ako nagdalawang isip na kunin iyon sa kanyang kamay at napapitlag pa ako dahil dumikit pa ang balat niya sa akin. Mabilis tuloy nag-init ang mukha ko.

"S-Salamat," nauutal kong saad. Natataranta pati ang kaibuturan ko. Wala pa siyang ginagawa sa lagay na'yan. Pero sobra-sobra na kung mag-react ang puso ko.

"I have a deal, too, Kirsten," sabi niya. See? Second name basis na agad siya. Feeling close siya pero napaka-natural naman no'n. Parang sanay na ako agad na iyon ang itatawag niya sa akin. Wala kasing tumatawag sa second name ko at kung hindi lang galit sa akin ang tatay ko, na buong pangalan ko ang itatawag niya. Pero minsan lang naman nagagalit sa akin ang aking ama.

"M-May deal ka rin?" kinakabahan na tanong ko pa. Siyempre sa presensiya niya ako kinakabahan. Ano ba...

"Dalawa," tumatangong sabi niya. Napahawak pa siya sa batok niya. Ano'ng nangyari? "Puwede ka rin naman na hindi sumang-ayon sa deal ko," dugtong niya.

The Wife's Illusion (Fortalejo Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon