CHAPTER 30

3.3K 46 2
                                    

Chapter 30: Pagtago & Daungan

NAGPALINGA-LINGA si Alked sa paligid niya. Sa mukha niya... Halata ang pagod at puyat. Ang tamlay rin niyang tingnan. Bagsak ang mga balikat niya at mahigpit niyang hinawakan ang damit na pinalitan ko.

Ano naman ang gagawin niya sa kasuotan ko? Bakit ganyan siya kung makatingin dito? Halos yakapin na niya iyon.

“Sir Alked, baka po makikita natin siya roon... Posibleng dito sila nagtungo,” sabi ng kasama niya at itinuro nito ang kanang direksyon.

“Sige. Huwag kayong titigil hangga’t hindi niyo siya nahahanap,” malamig na utos pa niya. Agad na sumunod ang mga lalaking mabibilang ko sa mga kamay, sampu silang lahat.

Nagpaiwan ang isa para siguro samahan din siya sa paghahanap sa akin. Humarap siya sa amin kaya bago pa niya ako makita ay mas nagtago na lamang ako sa likod ng mesa.

Hindi ako puwedeng makita ngayon ni Alked. May pagdadalawang isip na ako na lapitan pa siya. Hindi na... Hindi ko na gagawin pa iyon. Mas mabuting hindi na lamang kami magkikita pa.

“Mawalang galang na po, Ali...” Napatutop ako sa aking dibdib nang marinig ko ang boses niya. Nasa malapit lang siya, particular na nasa likuran lang namin ni Dainara.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Sana hindi kami nito mapapansin o huwag niya sana kaming makita pa. Dahil kapag nalaman niya na nagtatago kami ngayon ni Dainara ay wala na kaming ligtas pa.

“Ano iyon, hijo?” tanong ng tindera sa kanya. Salamat naman at hindi na siya sumusulyap pa sa amin dahil nanatiling nakatingin na lamang siya paharap. Curious lang siguro siya dahil bakit nga namin pinagtataguan ang mga lalaking ‘yon.

“Nakita niyo po ba ang babaeng ito?” Napayuko ako at itinago ko lalo ang mukha ko. Alam kong may ipinakita siyang litrato ko sa ginang para madali niya akong mahanap kung sakali man na may makakikita sa akin sa bayang ito.

Isa na lang ang dapat kong katakutan. Sana lang ay ililigtas kami ng ginang. Sana lang ay wala siyang sasabihin o kahit ano pa man. “Jam...” pabulong na tawag sa akin ni Dainara. Umiling ako sa kanya.

“Ay, hindi. Hindi ko siya nakita.” Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ng ginang.

“G-Ganoon po ba...” sabi niya. Bakit nasa boses niya ang lungkot? Hindi, Jam... Huwag mong paniwalaan ang mga nakikita at naririnig mo ngayon. Mas mistulang pipi at bingi ka na lamang... Ilusyon lang ang lahat ng mga nakikita mo at naririnig mo. Ilusyon lamang...

Hindi ko naman sinasadyang masagi ang mansanas sa tabi ko. Nakalagay iyon sa karton at gumulong siya palayo. Narinig ko ang marahan na yabag ng sapatos. Palapit sa direksyon namin. Hindi ako gumalaw at hinintay lang ang mangyayari. Pigil na pigil ko pa ang pahinga dahil feeling ko maski ang paghinga ko ay maririnig niya.

Hanggang sa may tumalon na pusa at nilapitan nito ang mansanas. “Hay, naku naman!” sigaw ng ginang. “Wala na... Puwede na kayong umalis diyan...” Tiningnan muna ni Dainara kung wala na ba talaga rito si Alked.

“Wala na, Jam...” I stood up at pinagpagan ko ang pantalon ko. “Maraming salamat po sa ginawa niyo, ginang.”

“Ikaw ang hinahanap ng lalaking iyon, tama?” Hindi ako umimik. “Pinagtataguan mo siya? Mukhang nag-aalala sa ‘yo ang binatang iyon,” sabi niya at mapait na ngumiti ako. Walang katotohanan iyon.

“Hindi po,” sagot ko at nagpaalam na kami ni Dainara sa kanya.

Maraming tao sa bayan kaya hindi kami agad mapapansin ng mga taong naghahanap sa amin. Madali lang kaming nakihalo sa kanila.

The Wife's Illusion (Fortalejo Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon