CHAPTER 18

2.4K 31 0
                                    

Chapter 18: Touch & Kiss

WARNING: R-18. READ AT YOUR OWN RISK.

ISANG yate pala ang sasakyan namin kaya na-excite ako lalo. Itong klaseng barko lang ang hindi ko pa nasasakyan. Curious kasi ako kung ano ang mga nasa loob nito. Sa mga nababasa ko ay kompleto ang mga gamit at may kuwarto talaga siya.

“Hey, be careful!” natatawang sigaw niya sa akin dahil nang mabuksan niya ang pinto sa side ko ay patakbong lumapit ako sa yate at talagang iniwan ko siya roon. “Kirsten.” Mabilis naman siyang nakasunod sa akin at may mga crew ang bumaba mula sa yate.

Lumapit sila sa amin at yumuko pa para lang batiin din ang asawa ko. “Magandang hapon po, Sir Alked,” sabay-sabay na bati ng tatlo.

Bumaba ang braso ni Alked sa baywang ko at hinapit pa niya ako palapit sa katawan niya. “Good afternoon, she’s Jam Kirsten, my wife,” pagpapakilala niya sa akin. Parang may bulate na naman sa tiyan ko dahil nagkakagulo na naman sila. Ganito pala talaga ang kiligin, eh.

“Magandang umaga po, Mrs. Fortalejo,” they greeted me, dahilan na nag-init na naman ang magkabilang pisngi ko. See? Ang matawag lang akong ganoon ay may impact na agad iyon sa akin. Mrs. Fortalejo.

“Magandang araw rin po,” nakangiting bati ko pabalik sa kanila at saglit pa silang napatitig sa akin. Hindi ko mawari kung may nakita ba silang dumi sa pisngi ko kaya magtatanong na sana ako nang magsalita na ang asawa ko.

“Kayo na ang bahala sa bagahe namin. Mauuna na kami.” Nabigla naman ako nang mabilis akong inilayo roon ni Alked at maingat niya akong inalalayang umakyat sa yate.

“Wow, ang ganda pala rito...” namamanghang sabi ko at kakalas na sana ako mula sa pagkakahawak niya sa akin sa baywang nang hindi niya ako pinakawalan. Hinigpitan niya iyon at niyakap niya ako. Sumubsob ang mukha ko sa matigas na dibdib niya. “Alked...” sambit ko sa pangalan niya. Hindi siya kumibo at sumiksik sa leeg ko.

Nanlaki pa ang mata ko dahil naramdaman ko ang paghalik niya roon at tumaas pa iyon sa batok ko. Kaya dahilan na tumaas na naman ang balahibo ko sa katawan. Mabibingi pa yata ako sa malakas na kabog sa dibdib ko.

“Be careful, okay? Titingnan ko lang ang suite natin kung nakahanda na rin ba,” paalam niya sa akin at masuyong hinalikan pa niya ang pisngi ko. Saka niya ako pinakawalan.

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. He smiled at me, too after he turned his back on me.

Masayang lumapit naman ako sa deck ng yate. Sobrang laki niya at tama nga ang mga nababasa ko sa nobela. Maganda rito at naka-re-relax. Idinantay ko sa ere ang magkabilang braso ko at pumikit para lumanghap ng sariwang hangin.

Napaigtad naman ako nang may yumakap sa akin from behind. Naibaba ko ang mga kamay ko at tumingin sa likod ko. “Alked?” I called his name, kasi alam ko naman ang asawa ko ang yumakap sa akin at sino naman kasi ang maglalakas loob na yakapin ang isang babae na hindi mo naman kilala?

“Come on, I will show you our room. Ayaw kitang iwan dito. pakiramdam ko ay may aagaw sa ‘yo,” he said at hinawakan na niya ang kamay ko. Pinagsiklop din niya ‘yon saka niya ako hinila. Nagpatianod na lamang ako sa kanya. Napapailing na rin ako sa naiisip niyang ayaw niya akong iwan dahil baka may umagaw sa akin? Tsk.

Pagdating nga sa kuwarto namin ay mas namangha ako sa loob. Mas maganda pala rito. Malaki siya at parang kasya ang sampung tao sa loob. Ang laki rin ng bed niya at may bintana pang pabilog na natatakpan ng kulay pulang kustina.

Umupo kami sa kama at pinasadahan ko lang nang tingin ang apat na sulok ng silid na ito. May mga petals sa gilid at alam kong sinadyang ikalat iyon.

“Ang ganda rito,” ani ko.

The Wife's Illusion (Fortalejo Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now