CHAPTER 29

3K 42 0
                                    

Chapter 29: Pregnant & Sacrifice

KUNG si Alked man ang may planong gawin ito, na kung siya man ang may gusto na ipahamak ako at...

Tama, natatandaan ko na. I remembered everything. Hindi maganda ang naging trato niya sa akin nitong mga nakaraang linggo at napapansin ko ang pagpaparusa niya sa akin ng walang dahilan. Parang binababoy niya lamang ako.

Ang pagiging malamig niya sa akin. Ang pagtrato niyang hindi maganda. Pabalik-balik siya rito sa isla at palaging nagbabago ang pag-uugali niya. May mga pagkakataon din na napapansin ko na iniiwasan niya ako at buong araw na hindi niya ako papansinin. Natitiis niya ako na hindi nakakausap.

Si Loisa, palagi rin niyang kasama ito at may kung ano rin akong nararamdaman sa kanilang dalawa. Hindi kaya...totoo ang mga sinabi ni Inang? Na si Alked nga talaga...at si Loisa ay may relasyon?

Matalik silang magkakaibigan at posibleng... Si Loisa pala ang mahal ni Alked? Gusto niya lang na... mawala ako para... Para wala nang magiging sagabal sa kanila.

Nawala na ba ang pagmamahal sa akin ni Alked?

“Dumaan tayo sa bandang ‘to... May daan para makarating tayo sa bayan...”

Bago pa man kami mapansin nila ay nagmamadali na kaming umalis. Nakabibigla ang mga kaganapan at ang hirap pang paniwalaan ang mga katotohanan pero siguro... Sapat na dahilan na ‘yon... Para maniwala na ako...

Ang sakit lang malaman na kayang-kaya akong saktan ng sarili kong asawa. Ang sakit no’n at ni hindi ko naisip na...magagawa niya ‘yon. Nangako siya sa akin... Nangako siya na hindi niya ako sasaktan. N-Nangako siya...pero...

“Jam!” magkasabay na tawag sa akin nina Inang at Dainara nang bigla akong bumagsak sa lupa.

Napahawak ako sa bandang tiyan ko dahil sa nararamdaman kong pagkirot nito. Biglaan lang...

“Urgh...”

“Jam, ayos ka lang ba?!” nag-aalalang tanong sa akin ni Dainara.

Umawang ang labi ko dahil parang kakapusin na ako nang hininga. Ang sakit... Ang sakit ng tiyan--hindi sa bandang puson ko ‘yon.

“H-Hija...”

“A-Ano po ‘to... I-Inang... A-Ang sakit... Ang s-sakit po ng puson ko...” humihikbing sambit ko. Nakawawalan nang ulirat ang klaseng kirot nito.

“J-Jam...”

“M-May tao, Jam...” pabulong na saad ni Dainara at sa matataas na damuhan kami nagtago pero mahuhuli kami dahil sa mahihinang paghikbi at daing ko. Hindi ko mapipigilan iyon.

“J-Jam...”

Isinandal ni Dainara ang ulo ko sa dibdib niya at itinakip niya ang palad niya sa bibig ko para lamang hindi ako makagawa nang ingay. Naghalo-halo na ang sakit na nararamdaman ko at takot.

Dinig na rinig namin ang sunod-sunod na pagtapak ng mga sapatos nila sa lupa at tuyong dahon. Ramdam ko rin ang panginginig ni Dainara sa likuran ko. Alam kong natatakot na rin siya.

“Wala. Walang tao rito.”

“Pero nakita po namin na may anino ng isang sa bandang ito. May narinig din kami.”

“At isa pa, ang sabi po ni Ma’am Loisa ay nakatakas na ang babae. Posible pong dito sila dumaan at nagtatago na sa mga oras na ito.”

“Kung ganoon... Hanapin niyo baka nga nagtatago lang sa mga matataas na damuhan na ‘yan. Hindi siya puwedeng makawala...”

Humigpit ang pagkakatakip ng kamay ni Dainara sa bibig ko dahil sa sunod-sunod kong pagdaing. Bakit ganito?

Bakit ganito ang sakit ng puson ko? Parang hinahalukay siya ng patalim. Ang sakit-sakit niya.

The Wife's Illusion (Fortalejo Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon