CHAPTER 34

3.4K 49 1
                                    

Chapter 34: The real culprit

"GUSTO mo ring makilala kung sino ang anak ko?" tanong niya sa akin. Nanatiling mariin na nakatiklop lang ang aking bibig, hanggang sa nagsalita siya. "Si Loisa ang tinutukoy kong nag-iisa kong anak..."

"Si Loisa ang tinutukoy kong nag-iisa kong anak..." Si Loisa? Si Loisa ang kanyang anak? Pero...paanong nangyari na si Loisa ang anak niya? At bakit siya ang naging ama nito?

Inalala ko naman ang pag-uugali ni Loisa. Oo, mabait siya at sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi siya ang tipong babae na may masamang hangarin at aagawin lang ang mga bagay na hindi sa kanya.

Nang makilala ko siya ay maganda naman pakikitungo niya sa akin. Sinabi pa niya na masaya siyang nakilala ako.

Isang babae at isang lalaki ang kasama ng asawa ko. Nagulat ako dahil bigla siyang bumista sa kompanya ni Mommy Yssaven.

"Hi," he greeted me as he kissed my cheek. Niyakap pa niya ako ilang segundo.

"May kasama ka pala," sabi ko at naramdaman ko ang pagtango niya.

"Yes, and I hope hindi kami nakaabala sa 'yo, Kirsten." Nginitian ko siya at marahan na umiling.

"Ayos lang. Minsan ka lang mang-abala sa akin, Alked. Kaya ayos na ayos lang," sabi ko kaya mahinang humalakhak siya. Pinisil pa niya ang kaliwang pisngi ko bago bumaba ang kamay niya sa baywang ko at iniharap ako sa dalawang taong kasama niya.

"Hello," bati ko sa mga ito dahil kanina pa silang tahimik simula nang pumasok sila sa loob ng opisina ko.

Ngiti lang ang naitugon sa akin ng babae, samantalang seryoso at walang emosyon lang ang mukha ng lalaki pero sa akin naman siya nakatitig, kaya hindi ko maiwasan ang mahiya sa paraan nang pagtingin niya sa akin. Parang sinusuri niya ang mukha ko.

Matangkad siya at kasing laki rin ng katawan ng aking asawa. Malinis ang haircut niya at parang nasa iisang trabaho lang sila ni Alked. Makapal din ang kilay niya, malamig lang ang mga mata niya at ang hirap niyang basahin. Guwapo rin siya kaya hindi na ako magtataka pa na baka maraming babae rin ang nagkakagusto sa kanya at girlfriend niya kaya itong isa?

Casual lang ang outfit niya, puting v-neck t-shirt at itim na blazer. Brown na chinos pants at ang suot niyang panyapak ay gray na slip-ons. Kahit simple lang ang pananamit niya ay malakas pa rin ang dating niya. Dahil siguro guwapo siya.

"Loisa, Leon. She's my beautiful wife. Jam Kirsten Celestial-Fortalejo." Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa pagpapakilala sa akin ni Alked sa dalawa. Bakit kasi may beautiful pa? Nakahihiya 'yon.

Grabe lang ang compliment niya sa akin at kahit maraming beses na niyang sinasabi iyon sa akin ay hindi ko pa rin maiwasan ang mahiya at pamulahan ng pisngi.

Pinagmamasdan ko naman ang babaeng nagngangalang Loisa, ayon sa binanggit sa akin ni Alked. Pero sandali siyang natigilan sa narinig bago natauhan.

"Hi, Mrs. Fortalejo. I'm Loisa Corteza and this is my cousin, Leon Corteza. I'm glad to meet my best friend's wife," sabi niya na may ngiti pa sa labi.

Magandang babae rin siya, mas matangkad pa yata kaysa sa akin. Matangos ang ilong niya at maganda ang shape ng lips niya. Hindi ko naman siya nakikitaan ng kaplastikan dahil magaan siyang kausap. She's wearing her light orange dress above her knee and white blazer too. Siguro kaya ko nasabi na mas matangkad siya ay dahil sa suot niyang strap heels sandal, na kung hindi ako nagkakamali ay four inches ang taas no'n. Mestiza ang kutis niya at ganoon din ang isa.

The Wife's Illusion (Fortalejo Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now