CHAPTER 28

2.9K 41 2
                                    

Chapter 28: Escaping

“I-INANG... Hindi po...hindi po iyan totoo,” umiiling na saad ko. Hindi ko maiwasan ang masaktan sa sinabi ni Inang Yanel sa akin. Hindi ganoon klaseng tao ang asawa ko.

Alam kong hindi niya magagawa ang bagay na iyon sa akin. Hindi niya ako sasaktan at hindi niya ako ipagtutulakan sa sarili kong kamatayan. Hinding-hindi niya magagawa iyon.

Kilala ko na ang pagkatao ni Alked. Mabuting tao siya at hindi siya gagawa ng bagay na posibleng ikasasakit ko. Kaya hindi ako naniniwala. Baka may ibang tao...

May ibang tao ang nasa likod ng pangyayaring ito. Hindi ko puwedeng pagbintangan ang asawa ko. Malaki ang tiwala ko sa kanya.

“J-Jam...” sambit ni Inang sa pangalan ko. Marahas akong umiling at nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Maiiyak na ako nang wala sa oras.

Sumisikip ang aking dibdib at hindi ko matanggap iyon. Hindi... I do believe that he can’t do that. Never...

“J-Jam, w-wala na tayong oras... T-Tayo na... U-Umalis na tayo...” pag-aaya sa akin ni Dainara, may pangamba ang tinig niya. Mahigpit niya akong hinawakan sa aking kamay upang alalayan nang makatayo. “Jam...” Ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko. Hindi kami makakaalis sa bahay na ito kung ganito ang sitwasyon ko.

Pero ginigiit ko pa rin ang paniniwala ko na inosente si Alked. “I-Inang... Napakaimposible po ang sinasabi niyo--”

“Makinig ka sa akin ngayon, Jam! Si Loisa... Si Loisa ang nakita ko kanina... N-Nagtaka ako kung bakit siya bumalik sa isla gayong kaaalis lamang ni Leon... Bakit siya bumalik na may kasamang maraming tauhan na may dala pang mga baril... Jam? Kilala ko ang tatlong magkapatid, ni hindi sila nagsama ng mga tauhan nila na armado. Maingat sila sa bawat kilos nila pero bakit? Bakit iba ang kutob ko nang makita ko silang lahat? Ikaw ang habol ng mga iyon, gusto nilang patayin ka. Jam, maniwala ka sa sinabi ko,” paliwanag sa akin ni Inang at parang may bumara lang sa lalamunan ko.

Ang hirap huminga. Parang hindi naman kapani-paniwala iyon. Ang hirap tanggapin ang imposibleng bagay. Nagkamali na ba ako sa pagkakakilala ko sa kanya? Paniniwalaan ko na ba si Inang dahil lang sa nakita niya si Loisa?

Pero mas kapani-paniwala pa kung si Loisa ang pagbibintangan namin kaya bakit si Alked?

“P-Pero bakit... Ang sabi niyo ay si Alked? Na ang asawa ko ang gustong pumatay sa akin, Inang. Hindi po iyon gagawin ni Alked! Pulis po siya, Inang! Pulis po siya!” umiiyak na sigaw ko. Nag-uunahan na nga sa pagpatak ang mga luha ko. Marahas ang aking pag-iling. “Mas kapani-paniwala po na b-baka si... Na baka po si Loisa ang may pakana nito...” ani ko.

Umaasa pa rin ako na si Loisa lang ang may kagagawan nito. Na sana siya lang pero hindi ko rin alam ang dahilan na kung bakit niya ito ginagawa sa akin.

“Iyon din sana ang paniniwalaan ko, Jam. Lalo pa na ramdam ko na may galit siya sa ‘yo, lalo na kapag nakikita ka niya na kasama mo ang asawa mo.”

“Ha?” gulat kong tugon kay Dainara. May galit? May galit sa akin si Loisa? Pero naging mabuting kaibigan siya sa akin. Sila ni Leon.

“Basta ang alam ko ay mainit ang dugo ng babaeng iyon sa ‘yo. Isa siya sa dapat mong iwasan at saka n-narinig ni Inang kanina na utos iyon ni Alked, Jam... P-Pakiusap... s-sumama ka na sa amin at umalis na tayo rito... Sige na... Sige na, Jam...” pamimilit ni Dainara sa akin.

“D-Dainara...”

“W-Wala na tayong oras... Sumama ka na, Jam...” Ramdam ko sa boses ang takot at pangamba ni Dainara, na maging si Inang Yanel ay ganoon din. Ako man na ganoon din ang nararamdaman pero may kaguluhan pa rin sa puso ko. May pag-aalinlangan pa rin.

The Wife's Illusion (Fortalejo Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon