LFOM: 9

23 3 0
                                    

𝙰𝚌𝚑𝚒𝚕𝚕𝚎𝚜' 𝙿𝙾𝚅

Nung nakita ko si Ligaya agad kong binilisan mag ayos ng gamit at pumunta na sa parking para kunin na ang kotse, si Seth naman ay sumunod na saakin agad. Nakakahiya pang kausapin sya.

"Seth." Tawag ko.

"Ano?" Tanong ni Seth.

"Diba marunong ka din mag drive? Ikaw naman dito." Sabi ko.

"Oh sige umalis ka na jan." Utos nya sakin.

"Naknamputa pinalayas ako."

"HAHAHAHAHA!" Tawa nya.

Nang nagka palit na kami ni Seth ng upuan sa kotse nagsulat na agad ako nung letter ko para kay Ligaya.

"Bro. Right now? Really?" Sabi sakin ni Seth.

"May naisip na ako eh, bakit ba." Sabi ko.

Dumaan muna kami ni Seth sa bahay nila at pagkatapos nun sinundo ko na si Alyna. Sakto yung pag text nya sakin na nag papasundo na. Pagkatapos kong sunduin ang aking kapatid umuwi na agad kaming dalawa. Mag gagabi na kasi at baka hinahanap na kami ni mama.

"At bakit ang tagal nyong dalawa umuwi?!" Sigaw ni mama saaming dalawa ni Alyna.

Sabi na nga ba.

"Traffic kasi po pauwi ma. May banggaan po dun sa daan." Biglang sabi ni Alyna.

"Hala weh!?" Sabi ni mama.

"Opo. May nagkabanggaan na motor pati kotse. Biglang dumating kasi po yung motor eh sobrang bilis, ayun po bumangga sa kotse." Tumahimik si Alyna bago mag salita ulit. "Diba po kuya?" Tanong nya saakin.

"Ah, oo." Sabi ko.

"Sige po ma panik na po kami." Sabi ni Alyna.

"Oh sige nak."

"Lyns." Tawag ko sa kapatid ko.

"Oh?" Tanong ni Alyna

"Thanks."

"Aba. May utang ka na po sakin. Ilibre mo po ako after test week."

"Kapal mong punyeta ka ah. Pero sige."

"Ezekiel! Wag mong tawaging punyeta kapatid natin! Kahit totoo wag! Baka sermonan ka ni mama! " Sigaw sakin ng kuya namin.

"Ay sige po!" Sigaw ko pa balik.

Pagkatapos namin kumain ng hapunan lahat kami ay nagsi puntahan na sa mga kwarto namin. Mag rereview nalang sana ako para sa upcoming test namin pero biglang may nag text sa gc namin.

Hexagon

Dia(mond):
Tif may alam ka bang pwede maging crush ni Kiel para magka jowa na sya😔

Tif(not fany):
Unfortunately wala😔😔

Kiel:
Putangina?

Seth:
NAKNAMPUTA ANG KULIT NETONG DALAWA SHABAHAHHAHAHAHAH

Caleb:
TANGINA MGA RAULO
GC TO PRIV CHAT ATA DAPAT YAN

Dia(mond):
AY PUTA😟😟😟

Tif(not fany):
GAGO KA DIA BAT DITO KA NAG TEXT

Tristan:
AMPUTA SHAHBAHAHAHHAGAH

Kiel:
HSHAHAHAHAH
BAHALA NA KAYO JAN TINITIGNAN KO UNG SPOLIARIUM PAINTING PARA SA ART CLASS

Seth:

Diba kanta yun pano mo titignan yun?

Dia(mond):
Are you joking? Or tatanga tanga ka
lang?😟

Kiel:
Sino sya? Di ko po sya kilala
Hahahahahaha

Seth:
No like srsly diba kanta un?

Tif(not fany):
Seth naman😭
may painting na titled Spoliarium, yung gawa ni Juan Luna pero may kanta na Spoliarium yung sa Eraserheads😭
Nakita na natin un sa field trip dba😭

Seth:
Ay oo nga pala😍😍😍
Sorry lutang😔😔😔😔

Tristan:
Ang lutang ni punyeta

Letters Full of MemoriesWhere stories live. Discover now