LFOM: 16

18 4 0
                                    

𝙰𝚌𝚑𝚒𝚕𝚕𝚎𝚜' 𝙿𝙾𝚅

Honors assembly namin ngayon tas ngayon din linabas ung rankings namin. Top 2 ako.

Lahat naman kaming magkakaibigan kasama sa honors. Ganda ng friendship goals namin.

"With high honors,
Achilles Ezekiel Montefalco. With an average of 97.99."

Sarap pala pakinggan ng pangalan ko. Kailangan lang nga may kasamang with high honors.

Ligaya looks pretty today.

Hindi naman sa panget sya nung nakaraan. Mas maganda lang sya ngayon compared sa other days.

Natapos na yung honors assembly kaya uwian na namin. I decided na mag cocongrats ako kay Ligaya. Nag congrats na ako kanina pero wala lang gusto ko lang batiin sya ulit.

"Ligaya!" I called her. "Congrats ulit!"

"Oh, hey. Congrats din again." She smiled.

After that umuwi na ako. Himala di nag aya mga kaibigan kong lumabas.

"Oh, Kiel. Naka uwi ka na pala. Asaan mga kapatid mo?"

"Si kuya pati Aly asa labas po may inaayos lang po."

"Ah sige. Nga pala, diba honors assembly ngayon?"

"Ah opo. With high honors po kaming lahat."

"Weh?"

"Opo."

"Oh sige labas tayo for dinner mamaya."

"Anong oras po?"

"Ewan ko. Tanong mo sa papa mo kung anong oras pwede."

Pagkatapos nun pumunta ako sa office ni papa. Nung umaakyat ako narinig kong pumasok na si kuya pati aly.

Sinabi sakin ni papa pwede na kaming umalis ngayon so sinabi ko kay mama. Pinag ayos na kaming magkakapatid.

"KUYA KIEL ASAAN UNG JACKET MONG BLACK?" Sigaw ni Aly.

"BAKIT?" Sagot ko.

"BAGAY UN SA SUOT KO EH!"

"KUNIN MO DITO BILISAN MO MAG AAYOS PAKO."

"ANG INGAY NYONG DALAWA!" Sigaw ng kuya namin.

"SORRY PO!" Sigaw namin ni Aly.

Pagkatapos namin mag ayos bumaba na kami sa sala.

Nag suot nalang ako ng puting polo tapos itim na pants.

Nung naka dating kami sa mall dumaan muna kami sa bookstore. May bibilin daw kapatid ko. Bilis neto mag basa, nakakatakot.

Habang nag iikot si Aly wala akong magawa so nag tingin tingin na din nalang ako ng mga libro.

Wala naman akong nahanap na gusto kong basahin.

May nakita akong babae kanina. Medyo familiar pero naka talikod. Naka black dress sya tas heels.

After a few minutes nakadating bumalik na yung kapatid ko. Nag seselpon lang kami kanina ni Kuya sa labas ng book store habang nag hihintay, tas sila mama nag ikot ikot sa mall.

"Kuya Kiel, kuya Kiel, kuya Kiel!" Tawag sakin ni Aly.

"Ano?" Tanong ko.

"May babae kanina sobrang ganda! Tas tinulungan pa nya ako abutin ung libro na gusto ko! She was so pretty kuya! Sayang hindi ko natanong ig nya." Sumimangot si Aly.

"Bading ka pala."

"Half half po. Half gusto boys half gusto girls. Yung girl talaga kanina kuya ang ganda nya talaga. Siguro same age lang kayo, or like one-year older ka. Basta something like that."

"Kuya, itext mo na nga po sila mama nababaliw na tong si Aly eh padala mo na din sa mental." Sabi ko kay kuya.

"Nababaliw kay ate." Sabi ni Aly. 

"Hay nako Kiel, matagal nang baliw yang kapatid natin di ka pa nasanay."

Dumating naman agad sila mama kaya pumunta agad kami dun sa restaurant.

Habang kumakain kami biglang may tinutura saakin si Aly.

"Kuya Kiel! Ayun po ung babae kanina! Ang ganda nya talaga!!" Tinuro ni Aly ung babae.

Nung tumingin ako sa tinururo nya parang familiar ung girl.

Letters Full of MemoriesWhere stories live. Discover now