Making his Moves

6 5 0
                                    

.

💟  Kabanata 14  💟

.

Nakatulog ang dalaga sa dalawang katagang naglalaro ng paulit ulit sa utak niya . Una ng sabihin ni Vince na gusto siya nito nung gabi pa lang at ang ikalawa ay ng sabihin nito na ayaw niyang masaktang nag babaeng mahal niya at siya yun.

Nakatulog ng mahimbing si Samantha ng may ngiti.

Lumipas ang mga araw kina Samantha at Vince, hindi man araw araw pero dinadalaw siya madalas ng binata at paminsan minsang hinahatid o minsan ay sinusundo. Pero mas madalas gawin ng binata ang magpalipas nang buong araw kasama si Samantha tuwing day off niya

Minsan ay nanunuod naman sila ng sine o kumakain sa labas pero mas madalas ay sa simbahan sila tumutungo kapag natatapat na linggo ang day off ng dalaga.

Naging masaya at makulay ang buhay ni Samantha sa loob ng halos isang buwan bagamat pakiramdam niya na may kulang pa din pero ganun pa man para kay Samantha ay maligaya

na siya.Sadya nga lang talagang hinihintay niya ang isang tanong na hindi man lang nababanggit ni Vince magmula noon. Kung tutuusin ang samahan nila ay kakaiba pakiwari nga niya ay para na silang magkasintahan ng binata. Pero talagang may kulang sa isip isip ng dalaga.

"Ano na ba kami? Kami na ba? Ganun na ba talaga yun?wala ng tanungan o confirmation''

tanong ni Samantha habang nagwawalis ng sala, day off niya, hindi nagtext si Vince kung darating ito pero si Andrei na hindi na niya inaasahan ang ngayon ay kumakatok sa kanilang gate.

Matagal na ang huling pagkikita nila ng binata noon pang dinalaw niya eto noon at magmula

Nga noon ay naging abala na ito, Pinuntahan niya ang huli isang araw matapos ang pagdalaw ni Vince.Nakapag desisyun na kase ang dalaga na kay Vince na lang muna makikipagkita upang matahimik na din siya total din naman si Vince ang madalas niyang naiisip.

Bagamat hindi sigurado si Samantha kay Vince at sa Feeling nito sa kanya ay susugal siya hindi rin kase tamang

Pag aantayin niya si Andrei. Kailangan kase niyang mamili sa dalawa, hindi tama ang paasahin ang isa o lalo namang gawin itong reserba sa oras na hindi ka maging tagumpay sa una.

Kung susuriing maigi wala naman itulak kabigin si Samantha, parehong mabait ang dalawa , parehong maalaga, parehong pilyo, parehong guwapo, at pareho ang built ng katawan at magkahawig pa nga. Ang tanging kaibahan lamang ay mayaman ang isa at ordinary ang isa

Pero di naman issue kay Samantha ang katayuan sa buhay nila. Ang naging batayan na lang talaga ni Samantha ay ang bulong ng kanyang puso. Ang binubulong nito ay si Vince.

Tinungo ni Samanhta ang gate matapos magmuni muni at pinagbuksan si Andrei at pakatapos ay inalok na tumuloy sa tahanan ng dalaga.

"Naku, pasensiya ka na Andrei, kasalukuyang katatapos ko lang magwalis, upo ka muna at ikukuha kita ng maiinum" malambing na sabi ni Samantha sa binata na noon ay papaupo na ng sofa. Pumasok naman ang binata at inaabot sa kanya ang flowers and chocolate na bitbit nito

Nagitla ang dalaga, nag atubi itong tanggapin ang iniaabot ni Andrei subalit kalaunan ay tinanggap na rin dahil inisip na mapapahiya ang binata, Ngayong ito na mismo ang dumalaw sa kanya ay naisip ng dalaga na sabihin na dito ang naisasaloob.

Malago ang mga bulaklak at infairness favorite niya nagh mga vito , sa katunayan ay may tatlong uri siya ng ganuong bulaklak sa kanyang hardin. Mukha ding mamahalin ang chocolate na nakalagay sa clear na plastic box bilog bilog ito na kulay gold, hindi siya pamilyar sa mga chocolate, para sa kanya masyado itong matamis pero kung may pagkakataon naman na makakain eh why not.

My Mysterious Neighbor (Complete )Where stories live. Discover now