Caught Between Flowers and Chocolate

12 6 0
                                    

.

💟  Kabanata 9 💟

.

"Jesus, anong hitsrta mo Vince" malago ang buhok niya kaya alam niyang magulo ito kapag bagong gising samahan pa na hidi pa siyanag mumumog man lang, kamot na lang sa ulo ang ginawa ng binata , mabilis itong sumibat papuntang bayo at naghilamos, palatapos ay lumabas ng laundry area at kinuha ang tshirt na pinahanginan.

Nakaramdan ng ilang at akwarness ang binata pero kaiagnan niyang maging normal , kase yun ang ipinakita ng dalaga. Kung baliwala lang dito ang nangyari kagabi o baka dahil ngdedeleryo ito ay wala halos ito matandaan.

Tama baka dahil nagdederelyo ito kagabi ay hindi nito matandaan na hinalikan niya ito at magkayakap silang nakatulog kagabi.

Pereo bakit siya hinalikan sa labi ng dalaga kaninang umaga kahit dampi lang ito ay ramdam na ramdam niya at gising na siya nun so hindi un panaginip. Baka paraan ng pasasalamat ng dalaga yun.Lumapit muli si Vince para kunin ang ginagawa ni dalaga.

"Sam ako na magtutuloy niyan, baka kase mabinat ka, kung maige na pakiramdam mo mgelax ka muna para magtuloy tuloy ha" pakiusap ni Vince.

Tahimik na umalis ang dalaga sa lababo hindi para maupo kundi para magluto naman ng maaalmusal ng binata. Naibabad na niya sa tubig ang frozen food, nagsangang si Samantha at ng prito ng itlog, ilang pirasong hotdog at may Nakita rin siyang bacon bits, Salamat sa sponsor niyang si kapitbahay na Andrei.

Hindi na nakapalag si Vince nang makitang nagluluto si Samantha, bukod kase sa abala siya maghugas ay Nakita niya ang magandang ngiti ni Sam. "Parang smile mol ang almusal ko na Sam eh " bulong na binata.

Naunang matapos maghugas ng mga plato si Vince kung kayat tinulungan niya na lang si Samantha maghain sa lamesa.

Parang bagong magasawa ang eksena ng dalawa. Kulang na lang ay magsubuan sial ng pagkain.

Tulad agabi ipinagsandok ni Sam s Vince ng sinangag at ulam, vice versa ganun din ang ginawa ng binata sa kanya.Tahimik na nairaos ng dalawa ang almusal

Si Vince pa din ang nagligpit at deretso nag hugas ng mga ginamit nila. Si Sam naman ay tiningnan ang sahod na lata sa tulo ng bubuong nila, ganun din ay inalis sa labas ng kusina ang mga sinampay Mabuti na lang pala at hindi nabasa nang anggi .

Umakyat sis Samantha sa kuwarto para iligpit ang tinulugan nil ani Vince, Inamoy muna niya ang kumot na pinagsaluhan nila ng binata bago ito itinupi. Binuksan ang kutina at inwang ng kunti ang bintana ng makapasok ang fresh air.

Kasalukuyang nagtutupi ng mga damit si Samantha ng dumungaw si Vince may Dala itong isang bagong baso ng tubig.

"Sam kaialngan mong uminom ng gmot" sabi nito sabay pasok sa silid at inabot sa kanya ang tubig. "yes Doc" pabirong sabi ni Samantha.Ngumiti ang binata sa sinabi niya.

Namayani ang katahimikan . nagtanggal ng bara sa lalamunan si Vince, hindi niya kase alam paano sisimulan at hindi niya gusting gawin ang sasabihin niya pero yun ang tama.

"Sam maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Vince na halos ayaw lumabas sa

Bibig niya. Bumalatay sa mukha ng dalaga ang lungkot at takot. "ano isasagot niya,

Kapag sinabi niyang magaling na siya ay malamang iwan na siya ng binata , malaking abala naman na talaga siya dito, kapag sinabi naman niyang hindi pa para pigilan ito at manatili pa sa tabi niya OA naman na , heto nga at nanunupi na siya eh! Ginawa ni Samantha ang tama, kung aalis na ito ay wala siyang magagawa.

"Okey na ako Vince, wag ka nang magalala. Alam kung may trabaho ka at alam kung napakalaki ng naging abala ko sayo, Pasensya ka na ha, hayaan mo babawi ako." Malumanay na sagot nang dalaga.Nahimigan ni Vince nang kakaibang lungkot ang boses ng dalaga.

My Mysterious Neighbor (Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon