My Every Morning

9 6 0
                                    


 💟  KABANATA 7  💟

.

Naramdaman ni Samantha ang masarap na haplos sa kanyang pisngi, masarap ito sa pakiramdam niya at parang gusto niyang hawakan ang mga kamay ng kung sino man iyon,

Subalit saglit lamang ang haplos na iyon naghinayang pa ang dalaga ng lumayo kaagad ang kamay na humahaplos.

Malambing na tinig ang sumunod na narinig ni Samantha na tila ginigising siya, nang dumilat si Samantha ay malamlam na mga mata ni Vince ang nabungaran niya kanina pa pala siya ginigising nito, mabigat pa din ang mga talukap ni Samantha at masama pa rin ang pakiramdam

"Sorry, kailangan mo kaseng kumain Sam para hindi humilab ang tiyan mo pag uminom ka ng gamot" malambing na sabi ng binata" Gustuhin man ni Samantha ang kumilos, umupo at kumain ay hindi niya makaya nahihilo siya at mabigat talaga ang kanyang mga talukap pero kahit papaano ay pinilit niyang gumising.

Tinulungan siya ng binatang umupo halos yakap na siya nito. Pawis ang lalaki naamoy niya ang naghahalong amoy pabango at natural ng amoy ng isang pawisang lalaki, pero masarap pa rin sa ilong. Pagkatapos ay kinuha naman nito ang mangkok at unti unti siyang sinusubuan ng sopas.

Hindi malaman ni Samantha kung nababato balani sila sa lalaki, naiilang sila sa sobrang lapit nito sa kanya, naguguluhan siya kung bakit ganito siya asikasuhin ng lalaki , kelan lang naman niya ito nakilala, oo medyo nagkakabiruan nga sila pero hindi mo pa din masasabing close na sila." ano bang problema mo Swamantha Cristobal, eh kung si Andrei nga di ka din pumalag eh"

Nagambala sa matamang pagiisip si Samantha nag abutan sila ni Vince ng tubig at punassan pa nito ang bibig nya. Hinayaan na lang ni Samantha ang mga nangyayari, bahala na sabi nya sa sarili. Total masarap sa pakiramdam ang may nagaalaga ng ganito.

Ilang taon na ba siyang magisa, ilang tao na ba na sinasarili niya ang sakit at lungkot, ilang taon na b amula ng huli niyang naramdaman ang may magalala at may amg alaga.

At kung ngayon lamang lahat ng ito at paggising niya bukas ay panaginip lang ang lahat

o patikim lang sasamantaahin na niya lahat.

Muli siyang tinulungan ng binata na mmahiga sa kama ng mailapat ni Samantha ang kanyang

Likod sa malambot na kama ay sinadya niyang makabig ang binata dahilan para mapa urong itong lalo sa kanya, tumagilid ang dalaga paharap sa binata at halos magdikit na ang kanilang mukha.

Nakapikit ang mata ni Samantha pero ramdam niya ang hinhinga ng binata malapit sa may ilong

Niya kaya alam niyang magkatapat ang mukha nila ng lalaki. Isang galaw pa ang ginawa ng dalaga at naipit ng mukha niya ang braso ng binata kung kayang hindi ito makaalis. Masayang ipinanatag ng dalaga ang sarili, kung magpipilit ang binata na tanggalin ang kamay nya ay ok lang masaya na siyang napalapit muli dito.

Pero kung mananatili ang binata sa tabi niya hanggang masiging siya ulit ay siya na ang pinaka masayang babae sa balat ng Quezon City. Kitang kita ni Vince na hirap pa si Sam kumilos malamang nahihilo pa ito dahil ilang ors pa lang bumaba ang lagnat, alam niya kung gaano kahirap sa katawan at kung gaano kasakit sa ulo ang may trankaso at lalong pang naantig ang puso ng binata dahil sa katotohanang magisa lang ito.

Paano pala kung hindi sila pumuntaq ni Andrei kahapon, ano kaya ang sitwasyun ng dalaga.

Halos mapamura si Vince nang maisip kung ano ang posaibleng mangyari sa dalaga. At lalong

Na kumpirma ng binata gustong guston niyang alagaan ang dalaga.Tulad nga ng gusting mangyari

ni Andrei he wanted to take care of this woman.

My Mysterious Neighbor (Complete )Where stories live. Discover now