CHAPTER 07: The smile

10 3 0
                                    


>>>3 YEARS LATER<<<

"TOK! TOK! TOK!" katok mula sa pinto kaya dali-dali kong pinuntahan ang pinto upang pagbuksan ito.

"K--Kevin, anong ginagawa mo dito?"

"Ah kasi, may favor sana ako sayo eh." ani nito habang hawak-hawak ang isang pirasong notebook.

"Alam ko na yan. Sige pasok ka."

"Pasensya ka na, eh talagang hindi ko kayang gawin ang mga assignments natin."

"Bakit? Saan ka lang ba magaling? nilapitan ko siya.
"Sa babae? O sa porma."

"Grabe ka naman. Sige h'wag nalang, aalis nalang ako."

"Ay h'wag, h'wag kang umalis. Ikaw naman di ka naman mabiro eh. Akin na nga yan!"

"Alam ko naman na di mo ako matitiis eh." ani niya na nakangiti sa akin kaya napangiti narin ako.

"Kilala na kita Kev! At kabisado ko narin ang pag-uugali mo. Kaya di na ako magtataka, sa 3 taon ba naman nating nagkasama dito sa inyo, paano ba kita hindi makikilala."

"Yon naman pala eh. Buti nga nandyan ka. Alam mo ba sa tuwing nahihirapan ako sa mga homework, report at project natin, si kuya lang naman ang masasandalan ko at syempre ikaw."

"Ayy, talaga ba? Sa bagay, nabanggit din yan sa akin ni mang Daniel dati. Matalino daw kuya mo, kaya lang daw masungit."

"Hindi naman yan siya ganyan dati eh. Nagsimula lang yan mula ng magkahiwalay sila ng nobya niya." bigla akong natahimik sa sinabi niya.
"Simula 'non, iniiwasan na niyang wag magmahal ulit, niloko kasi siya eh."

"Kev? Ilang taon na ba kuya mo?"

"27 na si kuya, ba't mo naitanong?"

"Wala lang!"

"Type mo?"

"Uy hindi ah. Aaminin ko mas gwapo yung si Mr. Sungit kaysa sayo. Humanga ako sa ka tyasrmingan niya, pero wala akong pagnanasa doon."

"Eh paano sa akin?" naitaas ko ang isang kilay ko ng tingnan siya.

"Haa?"

"Ha! Hahalikan kita diyan eh."

"Anong sabi mo? Napakamanyak mo talaga, kahit kailan wala kanang ginawa kundi ang asarin ako." sabay hampas ng unan sa inuupuan naming sofa.

"Ano ba! Nananakit ka na ha...." bigla nitong inagaw ang unan na hawak ko at di ko inaasahang mayakap niya ako at nagkatitigan kaming dalawa.

"S--Shun?" ani niya habang nakatitig sa mga mata ko at di kalaunan lumipat ang mga titig niya sa labi ko.

"K--Kev?" ani ko habang nakatitig rin sa kanya.

"May gusto akong aminin sayo."

"A--ano 'yon?" unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko, at sa palagay ko balak niya akong halikan. Nakaramdam ako ng takot at panghihina, biglang nanigas ang katawan at nahihirapang huminga lalo na't nasasagap ko ang mabangong hininga niya mula sa kanyang bibig. Hindi ko alam ang aking gagawin, napapikit ko ang aking mga mata ng bigla nalang nag ring ang phone niya.

*KRINGGGG! KRINGGGG!" tunog ng phone niya kaya naman napabitaw siya sa pagkakayakap sa akin at sinagot ang tawag.

"Hello."

"I'm back, I'm home na bro. Nasan ka ba? Hindi mo ba e wewelcome older brother mo."

"Kuya! Were are you?"

"I'm here, magkita nalang tayo sa pool."

"Sige, papunta na ako diyan." agad niyang binaba ang tawag sa phone niya.
"Ahm Shun?" ani niya habang inaayos ko damit ko mula sa pagkakakusot.
"Kuya is back na. He's in the house na, kailangan ko na siyang puntahan ngayon."

THE ALPHA'S SECOND CHANCE (Moon To Someone Who Admires Dark)Where stories live. Discover now