CHAPTER 43: Deal

2 1 0
                                    


Iika-ika akong umuwi ng condo, hawak-hawak ko pa ang tiyan ko at tiniis ko 'yon hanggang sa makarating ako sa unit namin. Kumatok ako ng malakas upang pagbuksan ako ni tita Belle.

Dinig ko ang sunod-sunod na yabag na paparating sa pinto hanggang sa may pumihit sa door knob at umiingit pa ang pinto ng magbukas ito.

"Shun!" gulat na turan ni tita Belle lalo na ng makita niyang hawak-hawak ko ang tiyan ko. Agad niya akong hinawakan sa magkabilang braso at inayos ang buhok kong magulo pati ang mukha kong natuyuan na ng mga luha.
"A-anong nangyari?" pag-aalala niya at ngumiti lang ako.

"Ayos lang ako tita, wala po kayong dapat ipag-alala." sagot ko naman na halatang may pagtataka ito sa tinuran ko. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa aking tiyan kaya hindi siya nagdadalawang isip na hipuin ito.

"Sumakit na naman ba?" she asked and I got nodded.
"Sinabi ko naman kasi sa'yo na h'wag magpapagod at maggalaw-galaw ng sobra. Matigas din kasi ang ulo mo." aniya na siyang ikinahikbi ko.

"I'm sorry po tita, masakit po talaga! Sobrang sakit!" sambit ko at bumakas sa hitsura niya ang pagtataka.
"Pwede po bang mayakap kayo tita?" pakiusap ko habang nagsisismula ng maglabasan ang mga luha ko. Napakunot noo siya na alam kong gusto nitong tanungin ako sa mga nangyari lately, pero hindi niya ginawa.
"Tita please!" pakiusap kong muli at tumango siya.

"Oo naman iha." sagot niya at agad ko naman siya sinunggaban ng yakap na mahigpit na mahigpit. Sa mga sandaling ito ay hindi ko na talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko, at parang sasabog ang dibdib ko kaya napahagulhol ako ng iyak.

Ramdam ko ang paghagod ng mga palad ni tita Belle sa likuran ko, tahimik rin siya at walang binitawang salita. Bumilis ang paghagod niya ng humihikbi na ako ng iyak, upang ilabas lahat ng hinanaing sa looban ko.

After 3 minutes parang naibsan na ang kirot sa puso ko kaya dahan-dahan na akong kumawala sa pagkakayakap kay tita at napahingos pa ng pahiran ko gamit ng mga palad at daliri ko ang mga luha kong namilisbis sa pisngi ko.

Sumimhot ako ng hangin habang naka pikit mata kasunod doon ay napabuga rin upang ikalma ang sarili ko. Napatitig ako kay tita pagkatapos noon at napangiti ako rito.

"Salamat po tita, ayos na po ako." sabi ko at napailing-iling siya.

"Maari mo bang sabihin sa akin kung bakit ganon na lang ang pag-iyak mo?" tanong ni tita at napakibot labi ako. Mas maiiyak pa talaga ako pagtinanong pa niya akong muli, nakakapagod na kasi ang magpaliwanag. Ayaw ko rin naman kasi na makisali si tita Belle sa problema naming mag-asawa.

"Tsaka na lang po tita, pagod na po ako. Gusto ko po munang magpahinga." I said kaya kumimi siya at hinimas ang braso ko pagkatapos sinuklay ng daliri niya ang buhok ko.

"Sige, take your time. H'wag ka ng magpapagod pa, baka mapaano pa 'yang bata. Uminom ka ng vitamins mo at 'yong para sa baby bago ka matulog."

"Opo tita. Sige!" sagot ko at hinalikan ko siya sa pisngi. Tahimik ko siyang iniwan sa gawi niya at walang ka imik-imik na pumasok mag-isa sa kwarto.

_
_
_

"Hello! Jane can we meet tomorrow? Aren't you busy?" i said while calling Jane through phone in the middle of the night.

"Of course not. What's the matter?"

"Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?"

"Yeah, let's meet tomorrow, may ipapakita ako sa'yo. Don't worry I have a car, para hindi ka mapagod sa lalakarin natin."

"Sige, salamat!"

"Your welcome!" sabay patay ng phone.

Napasingap ako habang minamasdan ang tanawin sa labas ng condo. Tinanggap ko lahat ng pagsadsad ng malamig na hangin sa kabuuan ko. Napatunghay din ako sa kahabaan ng building na ito dito sa terrace, habang pinapanuod ang iba't ibang kulay ng mga ilaw sa paligid.

THE ALPHA'S SECOND CHANCE (Moon To Someone Who Admires Dark)Where stories live. Discover now