CHAPTER 21: Your body say's something different to me

6 2 0
                                    


"KRINGGGG! KRINGGGG!" tunog ng phone ko habang nasa out dinner kaming tatlo. Tiningnan ko ang screen ko at nakalagay don ang unknown number. Agad ko itong pinulot at tinitigan muna. Natigilan din ang dalawa at parehas silang nakatingin sa akin. Napangiti nalang ako sa kanila at ibinalik sa pagkakalapag ang phone ko.

"Why don't you answer the call?" ani ni Kris habang nakafocus lang ang mga mata sa akin.

"Hi--hindi ko kasi kilala kung sino yong tumatawag. Wala kasing nakalagay na pangalan." sagot ko kaya hindi na siya umimik.

"KRINGGGG! KRINGGGG!" muling pagtunog ng phone ko at napatingin sa akin si Kevin, at di lang yon, pareho pala silang nakatitig sa akin. Napalunok ko ang nginunguya kong pagkain at inirapan ako ni Kris pagkatapos hinablot niya ang phone ko.

"Uyy... ba't mo kinuha ang phone ko?" tanong ko sabay hablot yun sa kanya, pero iniiwas niya ito sa akin at sinagot ang tawag.

"Hello! Who is this?" saad ni Kris habang magkasalubong ang mga kilay nito. Maya't maya inabot niya sa akin ang phone.
"Ikaw ang gusto niyang makausap." ani ni Kris at tinanggap ko ang phone ko para sagutin.

"Hello! This is it, Mrs. Noble." at muli akong napatingin kay Kris.
"Now na ba?" muli kong sagot sa katawag.
"Okay, okay."
"Sige, thank you!" huli kong saad bago ko pa patayin ang call. Napabuntong hininga ako at inilapag ang phone sa mesa.

"I never expected that you and Mr. Stanford, having a communication." Kris said on his low toned voice, habang pinaikot-ikot ang tinidor na nakatusok sa ulam.

"Yeah! I have an urgent meeting with him this coming Tuesday. May mahalagang bagay lang siya na sasabihin daw sa akin." i said but he stared at me badly.

"That was really necessary huh? For what?"

"I'm not sure." at napailing ako.

"You said it was an urgent meeting, and now your saying that your not sure?" mariin niyang sabi at narinig ko ang pag-igting ng kanyang panga.
"Are you hiding something from me baby, huh?" saad niya at napakurap-kurap ang aking mata habang pinagmamasdan siya.

"No Kris. Wala akong itinatago sayo." pagrarason ko kaya inilapit niya ng bahagya ang mukha niya, at sinulong ako ng titig. Naiilang ako kaya di ko siya matitigan ng maayos. Natatakot ako baka mag iskandalo siya dito, marami pa namang tao, nakakahiya.

"Kuya? Not here." ani ni Kevin habang nakahawak sa braso ng kapatid. Buti naman ay nakinig si Kris at huminahon ito. Sinamaan ako muli ni Kris ng tingin at ibinaling muli ang mga mata sa pagkain niya.

"Make it faster, I want to go home." sabi pa ni Kris. Kaya minadali ko na rin ang pagsubo ng kakainin ko. Kevin smiled at me sarcastically while shaking his head. I released a little deep breath before continued to eat.

After a lunch, lumabas na agad kami sa restaurant.

"Kris, sandali lang, hintayin mo ako." tatakbo-takbo ako ng habulin siya. Pero di ako pinansin nito, sinumpong yata o kaya sumama ang loob dahil naglihim ako sa kanya. Hayst! Ngayon ako na naman ang manunuyo dito, dahil ako naman ang may kasalanan.
"Kris ano ba, sinabing....AHHHHH!" sigaw ko ng matapilok at natanggal ang heels ng sapatos ko, mabilis akong bumagsak sa semento at namilipit sa sakit.
"ARAYYYY!!! AHHHHHH...ang SAKITTTT!" muli kong sigaw habang hawak-hawak ang paanan ko.
Agad akong nilapitan ni Kevin at hinawakan ang paa ko.

"Shun??? Ayos ka lang ba? Bakit, masakit ba?" pag-aalala niya.

"Mukha ba akong okay? Namimilipit na nga ako sa sakit tapos magtatanong kapa kung ayos lang ako! Ang sakit-sakit na nga eh, huhu!!" mangiyak-iyak kong saad sa kanya.

Mula sa kalayuan kitang-kita ko ang anyo ni Kris. Nakatayo at nakapamulsa pa ito habang panay lang sa panunuod sa amin.

"Hayaan mo siya! Nagdadrama lang yan!" sigaw niya na biglang ikinagulat ko. Napaawang mga labi ko ng marinig ang sinabi niya. Para akong binagsakan ng isang sakong bigas.

THE ALPHA'S SECOND CHANCE (Moon To Someone Who Admires Dark)Where stories live. Discover now