CHAPTER 15: SPG! Status relationship 'ON'

8 2 0
                                    


WARNING ⚠️ SPG content ahead!!!
>>> STATUS: Relationship 🔛<<<

Inabot ng 3 months ang pagpapagaling ni Lola, and thank you lord! Gumaling siya, masigla na siya ngayon at nanumbalik ang kasiyahan niya. Nagrelease na rin ng discharge papers ang ospital at agad ko naman ikinilos yon. Pagkatapos ng lahat-lahat ng mga proseso ay nakalabas na kami. Bumiyahi narin kami pauwi kasama si Kris. Siya ang umalalay sa lahat-lahat ng mga kinakailangan kahit ngayon na nasa labas na kami ng ospital. Pagkarating namin sa bahay, buong ingat naming inalalayan si Lola sa pagbaba ng sasakyan hanggang sa makapasok na kami ng tuluyan sa bahay. Sa wakas HOME SWEETIE HOME.

"Finally, makakapagrelax na din ako!" pabagsak kong inilaglag ang katawan ko sa couch at dahan-dahan kong ipinikit mga mata ko matapos kong titigan ang aming kisame.

"Ehemm!!! May nakalimutan ka yata iha?" saad na tita Belle kaya ibinuka ko ang isang mata ko para tingnan siya, pero si Kris ang nakita ko. Mabilisan kong ibinangon ang sarili ko mula sa pagkakahiga at inayos ko ang sarili.

"Kris! Pasensya na, nakalimutan kong magkasama pala tayo." inabot ko ang kamay niya at hinila siya paupo sa couch.

"It's okay! I know your tired." mahinahon niyang saad at hinipo ang kabilang pisngi ko. Ipinatong ko ang aking baba sa kanang balikat niya at tinitigan ang mukha niya.

"Baka nagugutom ka, igagawa kita ng meryenda. Alam kong pagod kana rin." inalis niya ang pagkakapatong ng baba ko sa balikat niya at inilibot ang kamay niya para akbayan ako.

"You don't need to take time for that, not now! You need to rest, to gain a strength." at ibinaid nito ang ilong niya sa ilong ko. Napakagat labi nalang ako habang tinitigan siya sa mga mata.

"Iha?!" sambit ni Lola kaya na udlot ang paglalambingan naming dalawa.

"Lola bakit po?"

"Ihatid mo nalang muna ako sa aking silid para makapagpahinga." agad naman akong tumayo at nilapitan siya.

"Sige po la." at tinulungan ko siyang tumayo, umalalay narin si Kris para di ako mahirapan.

"Let me do it!" inagaw siya sa akin ni Kris at dahan-dahan sa paglakad papunta sa silid niya. Bago paman ito humakbang ay nilingon niya ako.

"Iha? Hayaan mo na siya na maghatid sa akin sa kwarto ko. Magtungo kana sa iyong silid, at ayusin ito para naman makapagpahinga rin itong nobyo mo." nagulat ako sa sinabi ni Lola.

"La po?"

"Bilisan mo na. At anak Belle, ikaw nalang bahala sa kusina para sa hanapunan mamaya, magluto kana rin ng meryenda para sa bisita natin.."

"Sige po Inay!" agad nilisan ni tita Belle ang sala at nagpunta sa kusina.

"Tara na iho, ihatid mo na ako sa kwarto ko."

"Sige po Lola." ani ni Kris at nagpunta na sila patungo sa silid ni Lola. At ako naman ay nagtungo na sa kwarto ko para maglinis.
"Nakaayos na ang higaan niyo la, pwede na po kayong magpahinga."

"Salamat iho!" dahan-dahan itong naglakad papunta sa kama niya at inalalayan ito ni Kris sa paghiga.
"Anak Kris?" umupo si Kris sa tabi nito at hinawakan ang kamay ni Lola.

"What is it grandma."

"Salamat sayo ha? Dahil sa tulong mo, nadugtungan pa ang buhay ko. Hindi ko na sana makikita sina Belle at Shun."

"You don't need to say thank you grandma. Ginusto ko po ang tulungan kayo. Mahal ko si Shun, kaya mahal ko rin ang pamilya niya."

"Wag na wag mong pababayaan ang apo ko ha? Wag mo siyang sasaktan. Kahit kailan hindi pa yan nakaranas na magkaroon ng kasintahan. Mas inuuna niya ang kapakanan namin kaysa sarili niyang kaligayahan. Kaya paaalahanan kita iho, wag na wag mong paglalaruan ang damdamin niya, hindi niya deserve na mangyari yun." ani ni lola at di nagdalawang isip si Kris na sagutin ang tanong niya.

THE ALPHA'S SECOND CHANCE (Moon To Someone Who Admires Dark)Where stories live. Discover now