CHAPTER 32: Sekreto

3 2 0
                                    


Namayani ang katahimikan sa hapagkainan, tila nag susulyapan lang kami rito at pati si tita Belle nagtataka na rin. Palipat-lipat rin ang paningin niya sa aming dalawa at ino-obserbahan ang kilos namin. Walang isa pang sa amin ang nagsasalita kaya inunahan na ni tita Belle.

"Ehem! Kris, iho may pasok ka ba bukas?" pasimula ni tita at pansin nito na ayaw kumurap ng mga mata habang nakatitig sa akin.

"Meron po, kaso lang kailangan ko muna sigurong mag-leave for even how many days, even meetings I've appointment necessary ko pang e-posponed, tatawagan ko ang sekretarya ko pagkatapos kumain. Kailangan kong manatili dito ng ilang araw, mukhang nagiging lack of time quality na ako sa asawa ko." salaysay niya at matiim ko siyang tinitigan.

Mahinang dabog ng kutsara at tinidor ang ginawa kong paglapag nito sa plato ko at ipinatong ko ang dalawang siko ko sa ibabaw ng mesa at pinagsalikop ang dalawa kong daliri habang nakapatong dito ang baba ko.

"Hindi mo naman kailangan pang mag-leave sa trabaho mo para punan ang oras at panahon na hindi tayo nagkasama. 'Yong pag-intindi mo sa akin ayos na ako, h'wag mo lang ipamukha sa akin na wala akong kwentang asawa." sagot ko at napanganga siya.

"That's not true!" habol pa niya at tumayo ako sa pagkakaupo.

"O, anong ginagawa mo iha?" tanong ni tita Belle habang nakahangad at nakatingin sa akin.

"Nawalan na po ako ng ganang kumain tita. Doon na lang po muna ako sa labas." sabi ko at mabilis na nilisan ang hapagkainan. Hindi nakagalaw si Kris sa kinalalagyan niya kaya napatanong si tita Belle sa kanya.

"Ano ba...!" pagtigil niya at napahilot sa sintido.
"Iho? Anong nangyari doon? Nag-away ba kayo?" kunot noong tanong ni Kris at napakurap-kurap siya.

"No tita, hindi naman po." sagot ni Kris at napatakip bibig pa ito.
"Baka sinusumpong na naman po tita, alam niyo naman po ang ugali ng pamangkin niyo po."

"Hays!" nagpalinga-linga na lamang si tita Belle.
"Hindi pa rin siya nagtatanda sa paalala ng doktor sa kanya. Matigas talaga ang ulo!" dagdag pa ni tita at napalinga-linga na naman.

"Tungkol ho ba ito doon sa sinasabi niyong bawal siyang ma stress." taas kilay niyang tanong kay tita.

"Oo iho, makakasama kasi sa kanya lalo na doon sa ba...." naputol ang pagsasalita ni tita Belle ng barahin ko ito.

"Uunahan niyo ba talaga akong ibunyig ang sekreto ko tita?" napaigtad si tita Belle at nanlaki ang mata nito.

"I-iha?" dahan-dahan akong lumapit sa kanila at napahugot ng hininga. Natigilan lang si Kris habang kunot noo akong tinitigan.

"A-anong sekreto?" tanong ni Kris at napahawak si tita Belle sa braso ko.

"Apo, pasensya na. Akala ko kasi sinabi mo na sa kanya." wika niya at sinulyapan ko lang siya.

"Naalala niyo ba ang sinabi ko sa inyo tita? Na h'wag na h'wag kayong magsasalita hangga't wala akong sinasabi." usal ko at natahimik si tita.

"I'm sorry iha. Pasensya ka na." napatango lang ako at sinalubong ang mga matiim na titig ni Kris. Alam kong asawa ko siya at mataas ang respeto ko sa kanya pero pakiramdam ko at paningin ko ibang tao ang kaharap ko ngayon.

"Ayaw kong tanungin mo pa ako at si tita ng paulit-ulit. Kaya sasabihin ko na sa'yo ang totoo."

"What is it?" seryusong tanong ni Kris at sarkastika ko siyang nginitian. Napasingap muna ako at nagtagis bagang. Mas lalong sumeryoso pa ang mukha niya ng marinig iyon.

"May sakit ako! It's cancer, stage 2. Ngayon masaya ka na?" pagsisinungaling ko at napaawang ang labi niya. Hindi siya nakasagot at napailing-iling pa ito.

THE ALPHA'S SECOND CHANCE (Moon To Someone Who Admires Dark)Where stories live. Discover now