CHAPTER 39: Pride

1 1 0
                                    


"Bubuhatin na kita, iuuwi na kita sa condo." sabay hawak niya sa braso ko at tinabig ko ito.

"H'wag na! Kaya ko na ang sarili ko." I said and slowly stand up in front of him.
"Ahh, uhm!" pag-atungal kong muli at ipinikit ko ang mga mata ko habang nagtatagis ang mga bagang ko. Ibinuka ko ang mga labi ko at lumanghap muna ng hangin at isinandal ang ulo ko sa pader.

Muli kong hinimas-himas ang tiyan ko at tiningnan siya ng diretso. Tumaas-baba ang kilay niya habang tinititigan ang paraan ng paghimas ko sa aking tiyan. Halos hindi siya kumurap sa kakatingin sa akin, tila ba parang binabasa ang laman ng isip ko.

Iniwaglit ko ang paningin ko sa kanya at dahan-dahang tumalikod at maingat na naglakad patungo sa exit door. Narinig ko ang malalakas na yabag niya sa likuran ko at laking gulat ko ng paglingon ko ay walang kahirap-hirap na binuhat ako nito.

"Ahhhh, aray! Dahan-dahan naman!" reklamo ko at sinulong niya ako ng tingin.

"Napakatigas ng ulo mo! Sige, magpumiglas ka at hindi ako magdadalawang isip na bitawan ka at ibagsak sa sahig!" bulyaw niya kaya natakot ako at napatikom ang bibig. Paano nga kaya kung totohanin niya ang sinabi niya, masasaktan 'yong baby ko sa sinapupunan ko.

Wala akong nagawa kun'di ang manahimik na lang. Karga-karga niya ako hanggang sa makalabas kami ng NOBLE BUSINESS INDUSTRY BUILDING. Nakasimangot lang akong tinititigan siya habang buhat-buhat ako.

Pagkarating namin sa kotse ay maingat niyang inilapag ang mga paa ko sa semento at binuksan ang pintuan ng kotse.

"Sige na, pasok ka na. Dahan-dahan lang ha." saad niya at muli ko siyang nilingon at tiningnan. Kahit papano medyo nabawasan ang inis ko sa kanya kanina, hindi niya pa rin ako kayang tiisin.

Sumilay ang pagpigil ngiti nito at tumaas-baba pa ang isang kilay nito, na sinundan pa ng kindat. Gusto kong mapangiti sa ginawa niya pero pinipigilan ko lang. Hindi ko maitatangging kinilig ako sa ginawa niya. Bahagya pa itong lumapit sa akin at siniil ako ng halik na siyang ikinatulala ko.

"Ano? Tatarayan mo pa rin ba ako Mrs. Noble?" he said and I sniffed. I pouted my lips over him while he smiled at me so annoying. Ibinagsak ko ang kamay ko habang hawak-hawak ang dala-dala kong slingbag at tinalikuran siya pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kotse.

He lower her head over me at ikinabit ang seat belt. Pigil ngiti siyang sinulyapan ako at halatang inaasar ako nito. Inirapan ko siya at iniwasan ng tingin ngunit nanatili pa ito at umupo sa tabi ko. Iniakbay pa niya ang kamay niya sa likod ng batok ko at kinabig ako palapit sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero umarko lang ang magkabilang kilay nito. Pinasadahan niya ng hintuturo niya ang ilong ko at ibinukaka pa ang pang-ibabang labi ko gamit ang hinlalaki niya.

"Pinagtitripan mo ba ako?" pasiuna kong salita sa kanya at umiling ito.

"No." tipid niyang saad at napalunok laway ako.
"I missed you." banggit niya kaya namilog ang mata ko.
"Na miss kita, lahat-lahat ng meron ka." sambit niya na kasabay ang malamlam nitong titig. Nagpakawala ako ng buntong hininga.

Alam kong hindi maayos ang approach namin kanina, dahil sa sobrang inis ko sa kanya ay nasaktan ko siya. Nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya. Pero kahit na ginawa ko 'yon hindi niya pa rin ako tinigilan. Ganito ba talaga ang pinakaudlot ng ugali niya?

Kinuha niya ang isang kamay ko at inilapat iyon sa dibdib niya. Napatingin ako sa kanya at naramdaman ko ang biglang paglakas ng tibok ng puso ko.

"Natatandaan mo ba 'to hmn?" tanong niya at napasingap ako sabay tango.

"Hmm!" tanging sagot ko.

"Dito nagsimula ang estorya ng ating mga damdamin Shun, I'm sorry sa mga nasabi ko, pero nasasaktan rin ako sa mga binitawan mong salita." he said while staring at me seriously. Na touch ako sa sinabi niya, at malamlam ko siyang tiningnan.

"Ako lang ba ang mahal mo Kris?" seryoso kong tanong na ikinakunot noo niya.

"What kind of question is that?"

"Sagutin mo ang tanong ko." again I asked at napasandal siya sa upuan ng front seat.

"Syempre naman, ba't mo ba kasi kailangan pang itanong mo 'yan, hanggang ngayon ba pinagdududahan mo pa rin ako?" tanong niyang muli at sinulyapan pa ako.

"I'm sorry kung marumi ang utak ko. Na pe-pressure na ako, hindi ko na alam kung kanino ako magtitiwala. Gusto ko lang malaman ang totoo, ayokong mag-mukhang tanga sa harapan ng lahat. Dahil sa pag-o-overthink, naapektuhan na ang kalusugan ko lalong-lalo na doon sa....." pagputol ko at diing ipinikit ang mata at napasapo sa noo. Muntik na namang madulas ang dila ko.

"Tungkol saan?" kunot noo niyang tanong at napabuntong hininga pa.
"Ibig bang sabihin, ang cancer ba ang dahilan ng pagsakit ng tiyan mo?" malungkot nitong tanong at tumango ako. Hindi ko na napigilang hindi maging emosyonal at itago ang hirap na nararamdaman ko sa loob.

Binawi ko sa kanya ang isang kamay ko at sabay ko itong itinakip sa mukha ko habang napapahikbi sa iyak. Kinabig akong muli ni Kris patungo sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"Gagawa ako ng paraan para gumaling ka Shun, hindi ako papayag na iiwan mo ako. Pag sumakit pa lalo 'yan hindi na ako papayag na pigilan mo pa ako sa gustong gawin mo. Sa ayaw at sa gusto mo, mapipilitan ka talaga kaysa naman pati ako nahihirapan diyan sa sitwasyon mo. Asawa mo ako Shun, nagawa ko ngang panindigan ang pagpapatakbo at pagsusuporta sa lahat ng kinakailangan sa kompanya, ikaw pa kaya. Isa kang hiyas sa akin na 'di pwedeng masira. Tandaan mo 'yan!" salaysay niya at pinahid ko ang mga luha ko pagkatapos tinitigan siya ng maayos.

"Kung ako ba ay tatanungin ka tungkol sa isang bagay na nais kong mabigyan ng liwanag, kaya mo bang sagutin?" tanong ko at nanlaki mata niya. Napahingos pa ako at hinawi ang buhok ko.

"Is it important?" he asked and I nodded.

"Naungkat ko ang photo album mo sa kahon sa ibaba ng closet. Masaya ako habang tinititigan ang mga litrato niyo noong maliliit pa kayo. Ang kukyut niyo kasi, lalong-lalo ka na." sabi ko at tahimik lang siya.
"Noong una okay lang ako dahil maayos naman ang nakikita ko, pero noong buklatin ko ang 5 huling pahina ng album na'yon, na surprise ako." dagdag ko pa at namilog mata ni Kris.

"Baby!" banggit ni Kris habang malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

"Ano ba talagang nakaraan niyo ni Patty?"
"Ang sabi mo, childhood friend mo lang siya." tanong ko rito at napapakibot labi habang pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Nakita ko ang reaksyon ng mukha niya at napailing siya.

"Baby!" sabay hablot niya sa kamay ko at iniwasan ko siya.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!"

"Shun, please!"

"I just need your answer only Kris. After this hindi na ako mangungulit sa'yo."

"Baby naman." saad niya at halos mapaluha at hindi alam kong anong sasabihin.

"Hindi totoong childhood friend mo siya, kun'di ex-girlfriend mo!" sabi ko at halos mangatal siya sa sinabi ko.

"O-oo." sagot niya kaya napapikit ako at napasimhot ng hangin.

"Mabuti!" banggit ko at muli ay niyakap niya ako, isinubsob pa niya ang mukha niya sa pagitan ng leeg ko. Naramdaman ko pa ang paghimas ng kamay niya sa tiyan ko at ang paghikbi nito.
"It's okay! Naiintindihan ko." dagdag ko at napabuga ng hangin sa bibig. Pinahid kong muli ang luha ko at hinawakan ang mukha niya. Kahit masakit at parang dinudurog ang puso ko, nagawa kong magbalatkayo para pagtakpan ang sakit na nararamdaman ko.

Gusto kong makita ang mukha niya kaya pinilit kong mapaharap dito at marahang iniangat ang mukha niyang nakasubsob sa balikat ko. Bakas na bakas ang pamamasa ng mga mata nito dulot ng pagluha niya. Nginitian ko siya at siniil ng halik pagkatapos ay niyakap siya.

"Umuwi na tayo, gusto kong magpahinga kasama ka." I loved you so much, at miss na miss na miss na rin kita!" usal ko at napailing-iling siya sabay hingos at nginitian ako.

THE ALPHA'S SECOND CHANCE (Moon To Someone Who Admires Dark)Where stories live. Discover now