CHAPTER 44: Caught up!

2 1 0
                                    


Maingay, mainit at maalinsangan ang labas na siyang sumalubong sa akin habang bumababa ako ng sasakyan ni Jane. Pinagmasdan ko ang paligid at napahangad na rin sa matayog na gusaling kaharap ko.

"Are you okay?" tanong ni Jane at nilingon ko siya sabay tango.
"Now call him." napaawang labi ko sa sinabi niya. Kinindatan pa ako nito at pilyong nginitian.

"Why should I do that?" tanong ko rito at dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"Come on do it! Malalaman natin 'yan kung hindi ba talaga siya nagsisinungaling sa'yo." napakibot labi ako at hinablot ang phone ko pagkatapos napatitig dito.
"Argh! Akin na nga 'yan!" pag-atungal niya sabay hablot ng phone ko. Wala akong nagawa kun'di ang panuorin siya. Pagkatapos agad na niyang hinanap ang number ni Kris at dinial call niya ito pagkatapos iniabot pabalik sa akin.
"Do!" napabuntong hininga ako at tinanggap ang phone ko. Agad ko na itong idinikit sa tenga ko habang panay ring ang tone nito. Mayamaya sinagot na ang tawag ko at unang nagsalita si Kris.

"Baby!" tinig ni Kris.

"Nasaan ka?" tanong ko rito sabay lingon kay Jane. Sumenyas pa ito sa akin na maglakad na kaya tumango na rin ako at sumunod sa kanya. Patuloy pa rin ako sa pakikipag-usap sa phone hanggang sa makapasok kami sa isang sikat na restaurant sa loob ng building na kilala sa pangalan na 'SECRET GARDEN'.

Napalingon-lingon pa ako at hindi namamalayang mababangga ko na si Jane.

"Hoy!" bulyaw niya na ikinagulat ko. Agad naman akong napasenyas sa kanya na h'wag mag-ingay kaya napahawak ito sa bibig niya at umirap.

After the call ay pinatay ko na ang phone at napatingin kay Jane. Nakacrosshands pa ito sa harapan ko at mayamaya sumenyas ito gamit ang hinlalaki niya sa pagturo sa likuran niya sa ibabaw ng balikat niya at tumaas ang isang kilay.

"Are you ready? Now see it!" sabi niya kaya ikiniling ko ang ulo at balikat ko upang silipin iyon, nanlaki ang mga mata ko at muntikan pa akong masubsob sa sahig ng makita ko ang ibig niyang sabihin.
"Are you okay?" she asked me while I was fast breathing. Para akong hindi makagalaw at nanginginig ang kalamnan ko sa mga sandaling ito.

"Yeah, I'm okay!" pagkukunwari ko kahit ang totoo, parang gusto ko ng magwala ngayon pa lang. Muli akong tumingin sa itinuturo ni Jane kanina, halos lumaki na ang butas ng ilong ko dahil sa sobrang inis kaya hindi ako nakapagpigil at walang pahintulot na sumugod. Pinigilan pa ako ni Jane pero hindi ko siya pinansin.

Halos takbuhin ko na ang patutunguhan ko at tanaw na tanaw ko ang hubog ni Kris na nakaupo sa mesa kasama ang babae niya. Nang mapalapit na ako sa gawi nila ay dahan-dahan na akong humakbang 'yong tipong hindi nila ako mapapansin. Pagkarating ko agad na akong pumwesto sa likod ni Kris at maingat na hinila ang upuan sa tabi niya.

Hindi man lang nila napansin ang paglapit ko kaya dahan-dahan na rin akong naupo. Halos matigilan si Patty sa pagsubo ng kakainin niya ng makita ako ngayong nakaupo sa harapan niya. Napatingin din si Kris sa kanya at nagtaka. Sumenyas si Patty sa kanya gamit ang bibig niya kaya gayon na lamang ang reaksyon ni Kris ng makita niya ako sa tabi niya. Agad itong napabalikwas at napatayo ng bigla.

"Shun!" bulyaw niya na siyang matiim kong tinitigan, nakatunghay siya sa akin kaya pagkatapos ay inilipat ko ang atensyon kay Patty. Hindi ito makadiretso ng tingin sa akin, siguro alam niya kung bakit nandito ako ngayon.

"Akala ko ba nasa office ka, 'yon ang sabi mo 'di ba?" tanong ko kay Kris sabay sulong ko ng tingin.

"Baby, I...."

"Stop it, you cheater!" I shout to him and he begun panic.
"Isa ka pa!" turo ko kay Patty at napayuko ito.
"Ang kakapal ng mukha niyo pareho! Do you think hindi ko alam na may relasyon kayo?" halos mapaluha kong sumbat ngayon sa harapan nila.

THE ALPHA'S SECOND CHANCE (Moon To Someone Who Admires Dark)Where stories live. Discover now