Chapter 2: Phone Booth

97 16 46
                                    

Solomon's POV

Gabi na nang makarating ako sa bahay namin at nagulat si mama na umuwi ako.

Madalas kasi hindi ako dito natutulog sa bahay. Doon ako sa dorm nina Skylar at Jameson nakikitira.

May mga oras kasi na gabi na kami natatapos sa basketball practice o kaya kapag may shift ako sa part time job ko sa isang convenience store at pagod na ako para umuwi.

Akala nga ni mama na may ka-live in ako na girlfriend at doon ako nakatira kaya di na ako umuuwi. Haha!

"Oh? Solo? Himala umuwi ka? Hingi ka ng baon?" pabirong tanong ni mama sa akin.

"Ma, may trabaho ako kaya di ko kailangan humingi ng baon." sambit ko.

"Alam ko, Solo. Nagulat lang ako na umuwi ka ngayon. May food na ako na hinanda pero di ko alam kung sapat sayo. Di ko naman alam na uuwi ka di mo sinabi." saad ni mama.

"Ma... natatandaan mo pa 'yung kababata ko? 'Yung anak nina Tita Bethelyn at Tito Dave?" tanong ko kay mama.

"Ay! Oo! Muntik ko na makalimutan! Umuwi pala si Sage dito sa Pinas! Sabi ni Bethelyn dito na daw siya magstay kasi namatay daw ang lola niya sa Australia. Nako, kapag nakita mo napakagwapong bata! Tingin ko maraming babae na ang napaibig ni Sage! Halatang ibang lahi talaga siya! Hinahanap ka niya kahapon pero sabi ko wala ka." natutuwang sambit ni mama.

"Sheeet!" sambit ko.

"Wag mo ko ma-sheeet sheeet, Solo! Mukha lang tayo magtropa kung makipag-usap sa isa't isa pero nanay mo pa rin ako ano! Dito ka nanggaling at lumabas sa keps ko!" natatawang sambit ni mama.

"Ma! Ano ba! Kadiri ka naman eh!" saad ko, "Sandali lang! Puntahan ko lang siya! Di ko sinasadya na makuha 'yung bag niya!" dagdag ko at mabilis akong tumakbo palabas ng bahay at papunta sa residence nina Sage.

Panay pindot ko sa doorbell nila nang may nagbukas sa pinto, si Tita Bethelyn, ang mama ni Sage.

"Oh? Solo? Good to see you here! Nalaman mo ba na umuwi na si Sage? Hinahanap ka niya yesterday kaso wala ka." saad ni Tita Bethelyn.

"Tita, nandyan po ba si Sage?" gulat kong tanong.

"Okay ka lang? You seemed to be tensed?" saad ni Tita Bethelyn, "Anyway, Sage isn't here yet. It's a little bit late pero wala pa siya. Baka siguro naglilibot pa siya? I tried calling him but he is not answering. Though pumunta siya sa university today para makita ito."

"Sheeet!" nasabi ko na lamang na ikinagulat ni Tita Bethelyn, "Siya nga!"

...

...

...

Sage's POV

"F*ck! What will I do now? My phone's battery has died and I do not have my wallet with me! That c*nt who grabbed my tote bag have it right now!" I exclaimed while I'm inside the university garden and I haven't left yet.

I'm afraid I don't want to go outside since I'm not familiar with the place yet.

I wanted to call my parents number but since my phone has died, I can't even check it.

Love Chaser (Pinoy BL) Where stories live. Discover now