Chapter 10: La Vie en Rose

80 13 92
                                    

Solo's POV

"Do you want to be my boyfriend, Solo?" tanong ni Sage habang nakatingin kami sa mata ng isa't isa.

Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin 'to pero...

(Car honk!)

"Huy! Green light na! Umandar na kayo!" sigaw ng nagmomotor na napadaan sa tabi namin.

"Aw sorry!" natataranta kong sambit at pinaandar ko na ang kotse ni Sage.

At habang nasa byahe kami at naka-focus na ako sa pagda-drive, napakatahimik lang namin ni Sage.

Tiningnan ko siya saglit at mukhang nakatulog na siya kasi nakasandal na ang ulo niya sa bintana na halos 1/4 ng ulo niya nakalabas.

Kaya naman tumigil ako panandalian sa isang tabi para ayusin ang higa niya.

Bago ako gumalaw, napailing na lamang ako nang marahan.

"Lasing ka lang siguro, Sage." sambit ko at marahan kong isinandal ang ulo niya sa ulohan ng upuan niya.

Pagkatapos ay sinarado ko na ang bintana at kumuha ng neck pillow na nasa back seat para kay Sage.

"Ayan, inom pa ah, Sage?" saad ko habang pinagmamasdan ko siya na mahimbing na ang tulog, "Wag ka lang masyadong didikit kay Lexus. Naiirita ako kapag magkasama kayo." dagdag ko at marahan kong hinawi ang buhok niya habang nginingitian ko siya nang bahagya.

(Phone ringing!)

Bigla na lamang may tumawag sa phone ni Sage kaya tiningnan ko kung sino 'to.

"Sheeet! Si Tita Bethelyn!" pag-aalala ko habang nakatingin ako sa natutulog na si Sage, "Tsk, anong palusot ko nito?" natataranta kong tanong sa sarili ko pero sinagot ko pa rin kasi baka mag-alala na naman siya.

"Hello, Sage? Nasaan ka na? 10 p.m. na ah?" tanong ni Tita Bethelyn.

"Hi po tita, si Solo po ito. Hehe!" nahihiya kong sagot.

"Solo? Nasaan si Sage? Bakit ikaw sumagot?" tanong niya at tila nakahinga siya nang maluwag dahil narinig ko huminga siya nang malalim, "Nandyan ba kayo sa kwarto mo?"

"Ano po kasi, umm, naglaro kasi kami ng basketball tapos kumain. Eh napasarap sa kwento ayun di namin namalayan ginabi na pala kami! Haha!" natatawa kong sambit, "Pero nandito na kami ni Sage sa kwarto ko. Dito daw muna po siya ulit matutulog. Di na siya nakasagot kasi nakatulog na po dahil sa pagod."

"Okay, I'm glad na nakauwi na kayo." saad ni tita Bethelyn, "Solo, is it fine for you?"

"Ang alin po ang fine?"

"That Sage is taking too much of your time. I mean baka dahil kay Sage naco-compromise na ang oras para sa sarili mo. Ayaw ko lang na baka nahihiya ka sa amin or kay Sage kaya pinagbibigyan mo siya and napipilitan ka lang." sambit ni Tita Bethelyn at napatingin ako kay Sage na mahimbing pa rin sa pagtulog habang nakasandal ang ulo sa bintana.

Marahan kong hinaplos ang bangs niya at hinawi 'to habang nakangiti nang bahagya.

"Hindi po, okay lang ako. Wala naman pong problema." sagot ko.

Love Chaser (Pinoy BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon