Chapter 22 (Ending Chapter) PART 1: Love Chaser

118 11 131
                                    

Third Person POV

Ngayoy pinagdiriwang na ang intramurals ng University of St. Benedict kung saan naglalaban-laban ang bawat colleges para magtagisan ng galing sa iba't ibang sports.

Dahil sa insidenteng nakulong si Lexus at expelled na rin siya sa University of St. Benedict, ay pumalit na sa kanya ang Vice president nito na si Tara na nagmula sa College of Mass Communication.

Pinakaabangan rin ngayon ang tapatan ng College of Engineering at College of Information Techonology Basketball match kung ang saan ay nakatungtong na sa finals at marami na ang naghihintay para malaman kung sino ang mananalo this year.

Nasa closed court gym ang halos lahat ng mga estudyante at naghihintay na magsimula ang laban sa pagitan ng dalawang teams.

Para sa College of Information Technology, lahat ng basketball team nila ay nakapabilog habang naguusap-usap, at si Gio, bilang team captain ang nagsasalita.

Tiningnan niya nang seryoso ang bawat team members ng College of Information Technology at huminga nang malalim.

"This is it, guys. It is our final match and I just wanted to say thank you for all your efforts. I don't care anymore if we win or not but I want us all to enjoy. Kung dati nape-pressure pa ako na kailangan manalo ulit ang I.T. this year, now, it is different. Kalaban natin ang College of Engineering and this time, this will be a very healthy match and I want us both to enjoy the game. So, let's get out their and bring out our very best." saad ni Gio.

"Mag-eenjoy ako at ipapanalo ko 'to! Takte! Buhay ko nakatayo dito gagi! Hindi ako pwede matalo sa pusatahan  namin ni Skylar!" sabat ni Lars.

"What's your bet with Skylar, Lars?" bulong ni Sage.

"Secret!" nakangiting saad ni Lars, "Go Team I.T.! P*ta! Panalunin natin 'to! Hindi ako pwede maging nanay!"

...

...

...

Samantala, sa Engineering team...

"Ngayon na lang ulit tayo nakapasok ng finals at sobrang nagpapasalamat ako sa effort ng lahat ng players natin." sambit naman ni Jameson na siyang team captain ng College of Engineering Basketball, "Gusto ko lang sabihin na manalo o matalo, masaya na ako na umabot tayo dito. Basta i-enjoy na lang natin 'to at magpakasaya."

"Hindi! Mananalo tayo p*ta yan! Hindi ko kaya isuko ang..." sambit ni Skylar nang bigla siyang mapatigil dahil nakatingin na sa kanya ang lahat.

"Isuko ang? Bataan mo?" pang-aasar ni Solo.

"G*go! Basta dapat manalo tayo!" sambit muli ni Skylar.

"Tama! Kailangan manalo tayo! May kukuhanin pa akong puso." nakangising sambit ni Solo, "Awu awu awu!"

At doon ay umalulong ang lahat ng team members nila na parang mga asong umuungol sa gabi.

...

...

...

Love Chaser (Pinoy BL) Where stories live. Discover now