CHAPTER 3

52 23 73
                                    

CHAPTER 3

~÷~

Caella's Point of View

     Binalingan ko si Ate Kelsey bago ako naunang  umakyat sa pangalawang palapag ng mansion. Masaya na tinapunan ko siya ng tingin.

     "Kelsey, mauna na ako sa kwarto ko. Good Night." May lakas ng loob na saad ko sa kanya dahil masaya ako na naka- sabay ko siya na umuwi ng bahay.

      Thanks to Ate Jamey.

      Wala na akong sinabi pa ‘kay Ate Kelsey maliban doon. Nagpasya na ‘rin ako na talikuran siya at magtungo sa sariling kwarto ko.

      "Caella!" Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang bigla ay hinabol niya ako at inabot ang braso ko.

      Napangiwi ako. Bahagyang nasaktan ako sa pagkakahawak niya sa braso ko.

     "Kelsey, nasasaktan ako."

     "Nasasaktan ka? Caella, hindi naman mahigpit ang pagkaka- hawak ko, huwag mo akong artehan." May iritasyon na saad niya sa akin.

    Lalo pa akong napa-ngiwi. "Pero, masakit talaga, Kelsey." Sinubukan ko bawiin sa kanya ang braso ko ngunit hindi niya ito agad binitawan.

    My thoughts keep calling her ‘Ate’ but my mouth can't say that word even I really wanted to call her ‘Ate.’ That's the thing that she hate the most. Sa hindi ko malaman na dahilan ay ayaw na ayaw niya na tinatawag ko siya na ‘Ate.’

     "Kung nasasaktan ka, mabuti. Para alam mo na kaya ko talaga magalit sayo."

     "Bakit ka‘ba nagagalit?"

     "Stay away from my bestfriend, Caella. Kung kulang pa sayo ang sarili mo na mga kaibigan, maghanap ka ng iba, huwag si Jamey ang pag- interesan mo." Himutok niya bago niya binitawan ang braso ko.

     Pakiramdam ko nalamog ang braso ko sa pagkakahawak niya. Ramdam ko pa ‘rin ang pagkakahawak niya dito kahit binitawan niya na ito.

      "Kelsey, hindi ko inaagaw sayo si Ate Jamey.  Bakit ba ‘yan ang naiisip mo?" Naiiyak ko na pasarin sa kanya.

     "You're sharing secret together, right? Ano ang mga ‘yon ah?"

     Nagulat ako sa biglang sinabi niya. Narinig niya nga ‘ata ang pag-uusap ‘namin ni Ate Jamey lalo na ang huling pinag-usapan namin.

    "Ano, wala. Wala ‘yon, Kelsey." Pagtatago ko sa sekreto na pinaki- usap ko ‘kay Ate Jamey na huwag muna sasabihin sa kahit kanino, lalong- lalo na ‘kay Dad at Ate Kelsey.

    I can't tell them that I'm sick.

    "Aakyat na ako, Kelsey. Magpapahinga na ako." Nagmamadali na tinalikuran ko siya at iniwasan kasabay ang pagtatago ng aking pagdaing dahil sa biglaan na pagsakit ng upper-right belly ko.

    "Caella, hindi pa tayo tapos mag-usap!"

    I really felt sorry for keeping this illness alone, for being selfless.

    "ACK!" Lihim ko na pasarin nang maka- abot ako sa sarili ko na kwarto.

    I locked myself on my room; at sa tabi ng pinto ay nanghihinang napaupo ako at namimilipit na tiniis ang pagsakit ng itaas at kanang bahagi ng bewang ko.

    "AHH!" I almost screamed out the pain but I covered my mouth so no one can hear me scream.

    I bend over the cold tiles like an unborn child kicking a feet because of discomfort.

CAELLA'S SMOOTH GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon