CHAPTER 9

72 22 61
                                    

CHAPTER 9

~÷~

Kelsey's Point of View

     "Sobrang thankful ako sa gabi na ito, Kelsey." Malambing na saad ni Caella sa akin kasabay ang pagtutubig ng mata niya.

     Mukhang umiyak talaga siya. Ngunit, sinikap niya ngumiti sa harapanan ko na tila pilit tinatago ang lungkot niya.

     Great, pretender.

     "Thank you for protecting me against my male friend." Sa halip na mainis sa paninira ko sa kanilang pagkakatuwaan ay nagpasalamat pa siya at inisip na pino- protektahan ko siya, kahit na ang totoo ay nais ko lang talaga na sirain ang pagkakatuwaan nila ni Ione.

      Ang naive.

     Natuwa pa siya. "Pero huwag ka mag-alala, Kelsey. They are harmless. Malabong magpaligaw ako sa kanila."

     I nodded.

     "Mabuti ‘yon, Caella. You promised Dad, remember?"

     "Yes. Hinding- hindi ako papasok sa isang relasyon, until I graduated college."

     "Good."

     "Magbibihis na kami. Elaione, Kingston." Binalingan niya ang mga kaibigan niya. "You know where to change, magbihis na ‘rin kayo."

      "Sige na, ako na ang bahala na mag- assist sa kanila. Magpalit na kayo." Mando ko sa kanilang magkakaibigan. Nagtapal na ng mga tuwalya ang mga kaibigan niya na babae, nakaramdam na marahil ng lamig.

     I watched them get inside the mansion and wait until my sight can't longer see them before I turned back my attention to Ione and Kingston.

    "Are you waiting for Christmas?" I sarcastically told them. "Hindi pa ba kayo magbibihis?"

    "Tara, Kuys! Magbihis na tayo." Saad ‘nung Kingston ‘kay Ione; but Ione didn't mind him because he is looking so attentively at me. Kingston decided to turned back his attention at me.

     Maamo ang mukha niya at may kaunting kulit. "Ah, Ate magbibihis na ako." May kaunting hiya na saad niya.

    I smiled and nodded as a response to him before he decided to go.

    "Are you really concern?" Napapitlag ako nang maagaw ni Ione ang pansin ko. I arched my brows before I answered him.

    "Excuse me, Ione? Kinu- kwesyon mo ako?"

    "‘Di bale na. Huwag mo na sagutin, Kelsey. I must go." Anya at nakapamulsa ang isang kamay na tinalikuran ako.

     Ugh, ang lakas na ng loob niya na hindi ako bigyan ng pansin. Samantalang noon ay halos buntutan niya ako kahit saan.

     "Ione." Inabot ko ang braso niya bago siya makahakbang ng malayo.

     "Galit ka‘ba sa akin? Dahil pinag- isipan ko kayo ng masama ni Caella? O, dahil sa nangyari sa pagitan natin noon?" Tuwiran na tanong  ko sa kanya.

     Pumihit siya upang balingan ako ng atensyon. Napatitig ako sa mga mata niya. Matamlay at malamig ang mga titig niya.

    Those look like an aristocrat and prominent.

    "I already left that on the past Kelsey, sana ikaw ‘din." Saad niya at dinugtungan ‘yon. "Naiintindihan ko ‘rin kung bakit pino- protektahan mo si Caella mula sa akin, pero sana maniwala ka, Kelsey. I don't have any bad intention to your sister, we've been friends for two years now."
    
      "If that's the case, I believe you, Ione." I nodded, convincing myself that there is nothing between them; but I want to be direct.

CAELLA'S SMOOTH GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon