CHAPTER 12

33 18 40
                                    

CHAPTER 12

~÷~

Caella's Point of View

"Bakit hindi mo binuksan ang aircon ng kwarto mo? hindi ka‘ba naiinitan?" Puna ni Ate Kelsey nang pumasok siya sa kwarto ko. "Ang dilim pa, matutulog ka‘na ba?" Dagdag niya.

"Ano kasi, Kelsey. Nilalamig kasi ako?" Pagdadahilan ko. Kahit ang totoo ay hindi ko na binuksan ang aircon dahil madalas na akong manghina sa lamig. Naka-so soffocate.

"Matutulog na nga ‘rin sana ako." Dagdag ko na dahilan kahit ang totoo ay pinatay ko ‘yon upang hindi niya mapansin ang paninilaw ko.

Muling kinuha ko ang pansin niya. "Kelsey, may kailangan ka‘ba? I mean, ano ang ginagawa mo dito?"

Pansin ko na sinusuri niya ang kabuuan ng kwarto ko. Matagal ‘din kasi niya na hindi nakita ang laman nito, kaya siguro para bagang kinikilala niya ang bawat sulok nito.

I have a galaxy theme lightnings on my cealings and a small vintage turned- off chandelier over there. The four walls of my room are painted and it is vintage cream. I also have a book shelves on the upper part of my study table, containing my learning materials, my favorite book collection which some of it are; Sherlock Holmes Novels, Harry Potter, Lord of the Rings, The Hunger Games by Mocking Jay, The Selection Series by Kierra Cass & The Heart of Dread by Dela Cruz Johnston. On top of my white study table are my things and loptop.

Bahagyang kinabahan ako nang mapansin na nasa itaas lang ng table ang gamot ko.

"Ang boring ng kwarto mo." Puna niya.

Bago pa makita ni Ate Kelsey ang gamot ay agad na akong kumilos at lumapit doon sa table. Palihim na sinandalan ko ang study table.

Nagtataka na naka- tingin sa akin si Ate Kelsey. Ngumiti ako bilang isang matipid na sagot sa kumentong ibinibigay niya sa kwarto ko.

"Don't give me that look, Caella. You're creeping me out! You look like an evil corpse from a horror movie."

Palihim na kinuha ko ang gamot upang ilagay sa compartment ng cabinet.

"Hindi ko kasi alam ang sasabihin, Kelsey. Nagulat ako dahil nandito ka ngayon sa kwarto ko, ano ba‘ng rason?"

Humalukipkip siya at may katarayan na tumitig sa akin. "Caella, I know that you and Jamey are really keeping a secrets from us. Ano ba talaga ‘yon?" Tuwiran na tanong niya.

"Kelsey, sinabi ko na nga di‘ba?" Nilagpasan ko siya, naupo ako sa kama at hindi nakipagtagpo sa mga tingin niya. "Wala nga ‘yon."

"I don't believe you, Caella."

"Cut thinking of those things, Kelsey."

"Itong sekreto ba na ito ay tungkol sa tinatago niyo na relasyon ni Ione?" Gulat na nabalin ang tingin ko ‘kay Ate Kelsey kahit wala akong kaplano- plano na makipagtapatan ng tingin sa kanya.

Where did she got that thought?

Kami ni Elaione, magkakarelasyon?

Masyadong nakatatawa isipin.

"Where did it came from?"

Idagdag pa na sobrang iritable ang mukha ni Ate Kelsey habang hinihintay ang kasagutan ko. Para bagang nagse-selos na nobya dahil tila ‘may karelasyon ang kanyang nobyo.

"So, it's true. May relasyon kayo ni Ione?"

Nakatatawa talaga ang palihim niya na pagtatangi ‘kay Elaione.

CAELLA'S SMOOTH GOODBYEWhere stories live. Discover now