CHAPTER 10

36 21 28
                                    

Athr/note: Do leave a comments my siiisiii, I'll be happy and more inspired to update if I read some comments and critiques from you. 🤍

by the way: dedicating this chapter to jmortiff thank you for the flood comments & support. Keep soaring! ✨✊

———

CHAPTER 10

~÷~

Caella's Point of View

     "Gah, nakaka-bugbog naman ng utak itong reviews natin." Pasarin ni Andra.

     Sumandig siya sa silya na tila pagod na pagod. Si Elisse naman ay ngumuso, ibinagsak ang ulo sa lamesa at ginawang unan ang kaniyang braso.

     "Ayoko na mag- review, ang sakit sa ulo." Mangiyak- ngiyak na himutok ni Elisse. "Nakalulungkot mag- review kapag hindi tayo kumpleto."

     "Hayaan mo na kasi Elisse. Hindi naman natin mapipilit na mag- ayos agad ang tatlo." Saad ni Andra sa hinaing ni Elisse. "Napilit lang talaga ni Caella ang tatlong iyon na magsama noong kaarawan mo."

     "Bakit kasi masyado silang nagpapaka- lunod sa pride nila at pinatatagal nila ang mga away nila na parang wala silang pinagsamahan?"

     Nawala ang focus ko sa nire- review dahil sa mga himutok at pasarin nila. Kapwa ko sila binalingan.

     "Andra, Elisse. Bumalik na tayo sa nire- review natin." I told them and assured them that I'll do something to fixed the three of our friends. "Ako na ang bahala sa kanila. Kakausapin ko sila, okay?"

     "Kausapin mo sila, Caella." Elisse pouted. "Long examination na natin on thursday, next week fourth grading na at pagkatapos ay moving up na." Dagdag niya na litanya.

     "Are we really going to take eleventh year, knowing the fact that they're not in good terms?"

     "Elisse, that won't happend." I told her.

     "Sana nga, Caella. Sana makinig sayo ang dalawa sa kanila." Andra uttered. "Napakahirap pa naman suyuin ni Bethrice."

     Hindi naman mataas ang pride ni Bethrice, sadyang talagang nasaktan lang siya ng malaman na ang nobyo niya na si Kingston ay nagkagusto sa kaibigan namin na si Cattleya. Kingston decided to ask for break up, dahil hindi niya na gusto pa na lokohin ang sarili at lalong- lalo na si Bethrice.

     Naisip tuloy ni Bethrice na may relasyon si Cattleya at Kingston kung kaya nakipaghiwalay sa kanya si Kingston. Hindi niya matanggap iyon at hindi niya rin pinakinggan ang explanation ni Cattleya. Sa kabila ng katotohanan na mas pinili ni Cattleya ang pagkakaibigan nila ni Bethrice at pinagsawalang bahala na lamang kung ano ‘man ang nararamdaman nito para ‘kay Kingston.

     Noon pa ‘man na walang relasyon si Bethrice at Kingston ay gusto na ni Cattleya si Kingston but she decided to keep it on herself because she found out that Bethrice also like Kingston, so she gave up and set aside her feelings for the sake of Bethrice. Selfless. Napaka- selfless ng move ni Cattleya.

     "Let us focus first on the upcoming long exam." I told them.

     Sa loob- loob ko ay ipinangako ko sa sarili na pag- aayusin ko ang mga kaibigan ko, the another thing written on my bucket list that I also have to do.

~÷~

Kelsey's Point of View

     "Hi, Kelsey."

CAELLA'S SMOOTH GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon